Monday, December 31, 2007

Senti Media Noche!

Less than 2 hours na lang at tuluyan nang magpapaalam ang taong 2007. Para sa akin, isa sa mga "the best" ang taong ito sa aking buhay. Ganun naman dapat, we have to continue thanking God for all the blessings He has given us and still giving to us. Although ang taong 2007 ay puno ng "ups and downs" sa aking buhay, marapat lamang na pasalamatan ang Poong-maykapal para sa lahat ng mga biyaya na ipinagkakaloob Niya sa atin. Trials should still be considered as blessings as they allow us to show our strength and faith to Him no matter what could be the outcome.

Ang taong 2007 ay maituturing ko rin na isa sa mga di-malilimutang taon ng aking buhay. Ito ang taon na lumipat ako ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Sa ngayon, ok pa naman ako sa kumpanyang ito, kahit na may mga negative things, I just think that somewhere is worse than here. With that, I should feel luckier.

Ito rin ang taon ng pagkamatay ng aking lola. Easter Monday nung siya'y kunin na ni Lord. Malungkot ang naging summer naming magpa-pamilya.


Buwan naman ng Hunyo nung ikinasal ang younger brother ko. Hindi talaga maiwasang ikasal na sila dahil nagdadalang-tao na yung babae. Sukob na maitatawag ito (the same year na namatay ang aking lola) pero ipinapaliban muna namin ang superstitious belief na iyon.

Sa taong ding ito ay nakilala ko ang mga bagong kaibigan ko sa opisina. Masaya silang katrabaho, at anytime ay maasahan lalo na kapag nagkakaisa ang aming sentimyento --against our boss. Hehehe. Joke! (But jokes are half meant)

Kahit lumipas man ang maraming taon, regular pa rin naman kaming nagkikita ng aking mga college friends. At lubos kong ikinatutuwa iyon dahil sa aking palagay, hindi na namin magagawang madalas iyon ngayong taon dahil sa magiging mas abala na kami. Kaya nga sa lahat ng gatherings namin, present lagi ako dahil nararamdaman kong hindi na namin mauulit pa iyon. Ganon kahalaga sa akin ang bawat segundo na kasama sila.

Parang ang drama-drama ko naman ngayong Bagong Taon. Hehehe... Siya nga pala, I would like to thank all my visitors sa aking blog. Naging active ako ngayong taon dito sa blogspot... after kong iwanan ang blog ko sa Globe (G-blog)... Maraming salamat sa mga bumibisita at nakakataba ng puso na makitang may "hits" ako every day kahit na kaunti kayo (unlike sa g-blog ko noon)... Minsan, naiisip ko, mabuti na ang ganito, walang masyadong visitors, walang pressure na mag-compose ako ng entry na madalas.

Basta, magsasama-sama pa rin tayo sa darating na taon. Blogging is indeed become part of my routine already. Nakakabawas stress kasi, lalo na ako na very introvert. Hehehe... Akmang-akma!

On the lighter side, kagabi ay nagkita-kita kami nina Elmer at August... nag-Boom na Boom kami sa Clark! Hehehe... Enjoy naman, biro nga ni August, ang sarap balikan ng ganitong klaseng peryahan lalo na kung naging sosyal ka na. Hehehe...

Swerte ni Elmer sa mga tayaan like yung ihuhulog na tatlong bola sa mga malaking baraha at kung yung tatlong bola na iyon ay lumapag sa baraha na itinaya mo... triple ang panalo mo! Hahaha...


Nag-invite naman si August na sumakay sa Super Loops, ayaw namin... takot kami! Hehehe...

Lumipat na lang kami sa Magic Hill para sumakay daw ng Viking, paanyaya naman ni Elmer...

Then habang naglalakad, ang ganda ng view na nakita namin... fireworks sa SM Clark... bongga in fairness...

Sumakay kami ng Viking, akala namin, chicken lang. Katakot din pala.

Muntik ko nang isuka yung kinain namin sa Sbarro... grabe.

Umuwi kaming hilo at masakit ang ulo... Hehehe...


Sana naman sa taong 2008 ay mabawas-bawasan ang sakit ng ulo ko sa anumang bagay... kaya siguro tinodo ko na sa Viking na iyan... Hehehe...


Happy New Year, Everyone!

Sabay-sabay tayong kumanta ng Auld Lang Syne (Scottish phrase daw ito na ibig sabihin ay "Old Long Since")... o di ba, trivia person pa rin ako (hang-over ko sa G-blog... hehehe)

New Year's Resolution ko...

Anytime, pwede tayong magbago, pwede nating i-tama ang sa tingin nati'y maling pag-uugali natin. Sa panahon ngayon, usong-uso ang ganitong klaseng pagninilay-nilay at pagkilatis sa mga nagawa at ikinilos natin sa buong taon.

Bakit nga ba tuwing Bagong Taon lang natin naiisip ang ganito? Bukod sa nakiki-"in" tayo, sa panahong ito kasi natin nadarama ang simbolo ng pagtatapos at pagbubukas ng panibagong kabanata na naman ng ating buhay na haharapin.

Gayunpaman, magkakaiba man tayo ng opinyon tungkol sa mga New Year's Resolution at kung anu-ano pang ka-dramahan sa panahong ito, ang mahalaga ay bukas tayo sa anumang pagbabago na sa tingin natin at sa tingin ng mga taong nakapaligid sa atin ---ay makakabuti sa ating lahat.

Kaya, makiki-"in" na rin ako... eto ang mga naiisip kong dapat gawin ko na ngayong magbubukas na ang taong 2008:


1] Mag-ipon. Taun-taon na lang yata ay isinasambit ko ang mga salitang ito. Sa totoo lang, ang hirap palang gawin nito, lalo na kung wala naman talaga akong maiipon sa kaliitan ng sahod ko. Hayan na naman ako, napaka-negative, kaya siguro hindi talaga ako nakakaipon. Kahapon nga, ka-chat ko si Lea, yung blog friend ko na Nurse sa isang hospital sa San Juan, nag-file na siya ng resignation after 2 years na experience nya doon, sa January ang last day nya. Biro ko sa kanya na malaki siguro ang makukuha nyang Separation Pay. Kaagad naman siyang sumagot na "kakarampot na backpay lang ang makukuha ko." Sagot ko naman sa kanya na ang salitang "kakarampot" ay napaka-subjective, P100,000 may be "kakarampot" to you. Hehehe... Sabi lang nya, literally na kakarampot talaga ang makukuha nya, in that answer, wala pa rin akong idea kung gaano kakarampot iyon. Hehehe. But my point is, kung gusto nating makapag-ipon, maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.

Iyan din ang isang Resolution ng officemate ko na si Deborah, mag-iipon na raw talaga siya. Advice ko naman sa kanya, imagine-in na lang nya na wala siyang pera para mabawas-bawasan ang kanyang paggastos sa mga hindi naman masyadong kailangan. Nakuha ko pang magbigay ng advice gayung ako rin naman ay impulsive buyer minsan... hehehehe.

2] Maging punctual sa pagpasok sa trabaho. Although sa totoo lang, wala pa naman akong late o tardiness sa trabaho, napapansin ko kasi na recently, nagiging late na ang paggising ko sa umaga. Then bumabagal na rin ang kilos ko na siyang nagiging dahilan para muntikan na akong sumablay sa swiping machine. Kung dati ay nakakapag-"in" ako ng 7:40, lately ay 7:52 na ang average 'in" ko. Eh may morning exercise pa naman kami ng 7:55 na dapat ay nasa loob na ng opisina kami.

3] Mas istrikto at mas aggressive (or at least assertive) sa trabaho. Masyado kasing malambot ang puso ko sa mga tao ko. Minsan, nagiging pasaway na sila pero pinagbibigyan ko pa rin. Sa 2008, hindi na pwede ang ganire. Trabaho lang, walang personalan.

4] Matulog ng maaga. Di nga? Hehehe.

5] Magpataba. Waaahhhh!!!!

6] H'wag masyadong maging emotional. Ito ang isa rin sa gusto kong baguhin sa sarili ko. At magagawa ko siguro yan kung hindi ko iniipon ang sama ng loob ko. I mean, para makontrol ko ang saloobin ko, ilabas ko na kaagad kung ano man ang saloobin ko sa mga bagay-bagay lalo na sa tuwing may confrontation or something.

7] Don't be too judgmental. Masama 'yan... hehehe... Pero ok lang na mang-okray paminsan-minsan. Hahaha.


8] Always smile. Minsan kasi, nami-misinterpret nila ako. Suplado raw ako. Ewan ko kung nagsasabi sila ng totoo. Hehehe.


9] H'wag munang mag-resign sa trabaho. Magtiis muna hanggang sa susunod na Pasko para mabuo ang 13th month pay. Hehehe...


10] ...and lastly, sundin ang mga Resolution na ito dahil taun-taon na lang pumapalya ako.

Saturday, December 29, 2007

Sad New Year (?)

Natapos rin sa wakas ang napaka-agang Christmas Party ng aming company kagabi. Wala lang, wala akong nahita sa mga raffle prizes. Mahigit 100 prizes ang nakalaan para sa mga empleyado, ni-takip ng rice cooker o kahit plug ng plantsa, wala akong naiuwi.

Pero hindi naman ako masyadong malungkot sa kinalabasan, expected ko na kasi iyon. Hindi rin ako masyadong umasa na mananalo ang aming departamento para sa dance presentation dahil hindi naman kasi namin masyadong pinaghandaan iyon. Gahol na kasi kami sa oras sa sobrang busy sa work, and then kaunti lang ang mga member ng QA sa buong kumpanya. Ibinibigay na namin sa ibang departamento ang trophy. Hehehe...

Past 11 o'clock na ng gabi natapos ang Party na ginanap sa Challenger's Field sa Clark. Ok naman ang fireworks display, pwede na. Hehehe.. And then wala kaming ibang inatupag kundi ang magpicture-an ng aming mg bosses and co-workers.


Then nag-invite yung mga kasama ko na lumabas after that. Nag-suggest ako na sa Horse Wheel na lang kami uminon.. so sumama naman sila. Nung papunta na kami at nakasakay na ng jeep, sa driver na lang namin nalaman na wala na pala ang nasabing bar. Sarado na. Hehehe..

So bumalik na lang kami sa Balibago at tumuloy sa Diamond Area. Sa Whyt-Haus na lang kami nag-inuman at videoke hanggang 3:30 AM. After that, tumuloy kami sa bahay ni Deborah para mag-noodles. Hehehe...

Basta ako, umidlip ako ng kaunti habang sila ay nanonood ng DVD. Hilo na kasi ako.

Nagising ako ng 7:00 AM at narinig ko na pinagtatawanan yata ako ng mga kasama ko. Kinuhanan kasi nila ako ng picture sa cellphone habang naka-knock-out. Hehehe... Mga hinayupak. Hehehe


Mag-aalas-nuebe na ng umaga kanina ng nakauwi ako sa bahay. Pagdating ko, masamang balita agad ang tumambad sa akin. Nanganak na yung pinsan ko at critical ang baby niya. Wala mang 2 pounds ang timbang ng anak nya. Kasalukuyang nasa incubator siya ngayon at ipinagdarasal ko na sana ay mabuhay yung bata. Cute na baby girl pa man din ang anak nya. Hay... magiging malungkot yata ang bagong taon namin...

Tuesday, December 25, 2007

The party is over...

Natapos din ang araw na isa sa mga pinakahihintay natin taun-taon. Ok naman ang Christmas day ko at ng aking pamilya. Whole day nasa bahay ang aking mga tita at pinsan.

Bukas, hindi na PASKO kundi PASOK na sa trabaho. Hehehe...

Bitin ang bakasyon...

Pero walang magagawa ang pag-aalma kong ito...

Tuluy na tuloy pa rin ang pasok....

Pero hihirit pa ang aming company...

Sa December 28 na ang Christmas Party namin...

Ang aga noh? Ang aga para next year... hehehe..

Anyway, hindi pa masasabing tapos na ang holiday season...

May Bagong Taon pa tayong hinihintay...

Media Noche na naman...

Constipated and LBM na naman!... Hehehe..

Ang daming natirang halayang ube sa bahay...

Gusto nyo ba?....

Inisnab ang ube dahil sa mga chocolate candies and cakes sa hapag-kainan...

Pati fruit salad, hindi masyadong mabenta dahil sa leche flan...

Or dahil sa hindi masyadong masarap ang pagkakagawa?... Hehehe...

Sinabi ko na kasing wag nang lagyan ng macaroni shells...

Hayan tuloy, hindi pumatok...

Ang mga pinsan ko naman, walang inatupag kundi ang mag-games at internet dito sa bahay...

Pati si Charice Pempengco, paulit-ulit na pinanood sa youtube...

Mula nung nasa Korean TV show siya hanggang sa show ni Ellen Degeneres sa US...

Na-memorize ko na yata yung kantang And I am Telling You...

Pati mga Koreanong OA sa paghanga sa kanya...

Napakanta tuloy yung isa ng A Whole New World...


Ano ba 'yan, bakit napunta ang usapan dito?


Tama na nga... tulog na ako... Till next time!

Monday, December 24, 2007

MALIGAYANG PASKO!!!

Kain muna ako ng Carbonara at siyempre, hindi mawawala ang Fruit Salad sa Noche Buena!

Kayo, anong handa nyo?

Noche Buena

Ilang oras na lang ay Pasko na. Pero parang kabaligtaran ang mga nangyayari sa aking obserbasyon kumpara sa kantang "Noche Buena"...

Una, hindi masigla ang gabi ko, ang sakit kasi ng lalamunan ko. May sore throat ako. Pero siguro, hindi ko naman mapipigilan na ang lahat ay magiging masaya ngayong gabi...

Wala akong ate na magluluto ng manok na tinola...

May kuya nga ako pero wala pa naman siyang sariling bahay... at lalung-lalo na hindi siya magpapa-litson...

Hindi naman ako nakakasiguro na ang bawat tahanan ay may handang iba't-iba...

Sino ang giliw na iimbitahin ko upang magsalu-salo?...

May keso nga kami pero as of now, walang tinapay na binili...

Ah eto lang ang sigurado... Noche Buena na sa gabing ito at bukas ay araw ng Pasko...


***
Halos lahat ay nabati ko na sa text ng "Merry Christmas"... buti na lang at nagamit ko ang SULITXT na ina-activate ko kagabi... as expected kasi, hindi ko na maa-activate ulit yan ngayon na bisperas ng Pasko, alam na alam ko na ang yearly business strategy ng Globe...


Pasko na pero hindi ko pa alam kung ano ang Christmas Wish ko... Kahit ang kanta ni Mariah Carey na "All I Want for Christmas is You" ay hindi todo ang pagka-relate ko. Wala kasi akong hahandugan ng kantang iyan. But I really like the lyrics, just don't know yet to whom will I pertain the "YOU" in the lyrics.


***


Sa lahat ng mga countdown, ito ang pinaka-ayaw kong marinig... ang countdown sa pagbabalik-trabaho! Pambihira, December 26 may pasok na!








Not so Merry Christmas

Last day ko kahapon sa trabaho before Christmas vacation. Yung leader ko, nauna nang nagbakasyon two days ago pa. Hanep. Nakakainit ng ulo. Kahapon ko pa naman inaasahan na magiging kumpleto kami para maibigay ko ng sabay-sabay sa kanila ang gift ko. Gayunpaman, ibinigay ko pa rin sa dalawang operator ko ang gift ko sa kanila. Ngayon, pinapasok ko sila dahil may pasok din ang Production Department, baka kasi di kami makapag-collect ng mga samples para sa aming Reliability Testing.

Pinagbibigayan ko pa ngayon ang mga pagkukulang na ginagawa nila sa aming section, lalo na ang absentism nila. Tutal, holiday season ngayon. But come 2008, makikita nila ang bangis ko. Lagpas two days per month na absent nila, may karampatang penalty na.

Kinausap ko kahapon ang 2 operator ko, tinanong ko kung bakit natetengga ang mga activities namin. Sumagot yung isa, "Sir kasi kulang tayo sa manpower." Sabi naman nung isa, "Sir kasi yung mga functional jigs natin, kulang at ang hirap humiram sa production lalo na kapag urgent ang shipment nila."

Sabi ko naman sa kanila, may nakakalimutan silang banggitin, at iyon ay ang madalas at halinhinang absence nila. Dagdag ko pa, paano natin mapapatunayan sa Management na kulang nga tayo sa manpower kung wala tayong concrete basis at evaluation regarding sa work natin sa ating section. Hindi kako natin maisasagawa ang evaluation ng ating section kung mataas ang absentism rate natin per month. At kung madalas ang absence nila, pagpasok nila, wala silang ibang gagawin kung hindi yung mga naiwang trabaho na supposedly natapos na kung pumasok lang sila. Wala nang oras para sa ibang improvement na pwede naming gawin.

Mahirap talagang mag-handle ng tao sa totoo lang, may leader nga ako, pasaway din naman sa attendance niya. Bagong promote pa man din siya na ako rin ang nag-evaluate at nag-recommend sa kanya few months ago. Akala ko kasi magbabago siya at magiging responsable kung itinaas ko siya. Frankly, hindi ko pa nararamdaman na leader nga siya ng mga subordinates ko.

Siguro, kailangan niyang matapik isang araw. At iyon talaga ang balak kong gawin.


***

Kahapon, ako ang pinag-minutes of the meeting ni Sir Wency para sa kanilang "Lot-out/Leakage Meeting"... pambihira paano ko magagawa iyon kung naging iyakan at sagutan ang meeting na iyon. Masalimuot ang kinalabasan ng meeting na iyon. Magpa-Pasko pa naman. Nag-adjourn ang meeting ng may kimkim ng sama ng loob ang ilan sa kanila.

***

Ngayong panahon ng kapaskuhan, nagkalat ang mga Sale sa mall... pero parang hindi naman totoo.

***

Sa December 28 pa ang company Christmas Party namin... sana ginawa nalang nila sa February.

***

Na-issue-han kami ng NCR (Non-conformity report) ng Patrol kahapon dahil sa expired Calibration ng isang machine. Our very first NCR. Ipa-laminate ko nga.

***

Noche Buena na bukas. Anong handa nyo?



Wednesday, December 19, 2007

All I Want for Christmas is... BAKASYON!

Exactly a week before Christmas, I am still not in the condition to feel the holiday cheers. Parang "wala lang".

Gone are the days that I was eager to wait for this season once a year. I am starting to believe that Christmas is indeed just for kids.

Siguro dahil na rin sa sobrang busy ako ngayon sa trabaho. Or if I may say, nagpapaka-busy. Pero hindi rin eh. Talagang full-loaded ako sa work ngayon. Isa na dyan ay yung hindi matapus-tapos na evaluation namin sa isang model na kritikal ang kalagayan (dapat nang dalhin sa ICU) dulot ng tinatawag nilang "electrochemical corrosion".

Pangalawa, naging sakitin ang mga members ko at halinhinan sila sa pag-aabsent. Hindi ko na siguro mako-kontrol iyon. Nagkataon na marami akong ginagawa kaya hindi ko muna sinisita ang mga absences nila.


Pangatlo, maraming extra-curricular activities ngayon. Isa na dyan ay yung katatapos lamang na Departmental Christmas Party namin na ginanap last Sunday. Masaya naman ang outcome.

Kapartner ko si Paola na naging emcee ng aming Party. Nung una, medyo speechless ako dahil wala ako sa kondisyon. Hehehe... Pero nung bandang huli, natawa naman sila sa mga jokes ko. Hehehe. Hindi naman kasi ako sanay na maging emcee. Hindi ako spontaneous. Kaya dinaan ko na lang sa mga birada at pang-ookray ang pagho-host ko.

Nga pala, natanggap ko sa aming exchange gift ay isang headset sa computer. Pwede na.


After ng party, diretso kami sa boarding house ng isa naming katrabaho, konting inuman at kwentuhan lang. Then dinala kami ni Debs sa isang videoke-han sabay inom ng kape. Alas-onse na ako nakauwi at kinabukasan ay may pasok pa. But I am proud, hindi ako na-late. Hehehe...

Thursday, December 13, 2007

Ang mahal ng TAKURE!

Napagod ako sa kakalakad kanina sa mga bangketa... Pambihira, sa mall din pala ako makakabili ng takure. Whistling kettle kasi ang "wish" na inilagay ng nabunot ko sa exchange gift namin. Eh P200 lang ang pinag-usapang halaga ng aming exchange gift, wala akong mahanap na takure na sumisipol sa halagang P200. Ang mamahal ng may "sipol"... Hindi naman ako martir para bilhin ang worth P500 na whistling kettle, so yung walang sipol na lang ang nabili ko worth P259. Hindi na yata uso ang martir ngayon, and besides abonado na ako ng singkwenta'y nuebe pesos sa takureng iyan, idagdag pa yung presyo nung gift wrapper. Hehehe...

* * *
Ok na sana ang araw ko ngayon, pero bandang hapon eh may sumira na naman ng mood ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Basta ang nararamdaman ko ngayon, parang iniisahan na ako. Sobra na nga siguro ang pagiging considerate ko sa mga subordinates ko. Nagiging masyadong maluwag na nga siguro ako sa kanila kaya pati respeto ay nakakalimutan na nila. Maswerte siya at busy ako kanina at itinuon ko na lang sa trabaho ang aking atensyon kaysa uminit ng todo-todo ang ulo ko. I know I should do something about it, but honestly, I really don't know how. I admit, mahina ako sa pag-hahandle ng tao, and madali kong kalimutan ang mga violations na ginagawa nila. And that is because ayokong tuluyang masira ang aming working relationship. Kausapin sila? Siguro nga, yun ang solusyon. Pero umiiral na naman kasi ang pagka-idealistic ko at hindi mawala-wala ang paniniwala ko sa "self-evaluation" and "reverse psychology". That is, hindi natin kailangang pagsabihan pa para malaman ang tama at mali; ...na kapag ang mga taong nasa paligid natin ay naaapektuhan sa mga maling kilos at ugali natin, tayo na mismo ang dapat magkusang ayusin ang anumang mali sa atin; ...na alam natin sa ating mga konsensya na nag-violate tayo o nag-agrabyado ng kapwa natin so maiintindihan na dapat natin kung bakit may sama ng loob sa atin ang mga taong iyon... kaya responsibilidad dapat natin na baguhin ang mga kakulangan natin at gumawa ng paraan para manumbalik ang tiwala at kumpyansa nila sa atin.
Ayoko ng ganitong pakiramdam... hindi ko alam kung paano ako makikisalamuha sa taong alam kong may ginagawang pagsuway sa akin. Tomorrow, baka wala na naman ako sa mood. Pero siguro, pipilitin kong hindi na iyon ang ipapakita kong epekto ng kanilang pagiging pasaway sa akin. Magiging mapag-utos na lang muna ako at mag-iisip ako ng mga bagay na dapat nilang gawin nang mabawas-bawasan ang mga petiks nila. Kumbaga, hard time na ito. Demanding deadline ang maririnig nila bukas at sa mga susunod na mga araw. I just realized na tama ang boss ko kanina nung sinambit nya sa akin ang... "may subordinates ka, ipagawa mo na sa kanila iyan..."
Pasensyahan na lang.

Monday, December 10, 2007

Oh Christmas!

Just few days before Christmas, parang di ko pa rin maramdaman na magpa-Pasko na. Dahil siguro hindi pa binibigay ang Christmas Bonus namin... Hehehe... But kidding aside, parang di pa rin talaga naka-kondisyon ang aking utak na malapit na nga ang Pasko.

Siguro dahil sa unang linggo ng Disyembre ay ang dami kong pinagkaabalahan, partikular sa aking trabaho. Siyempre, hindi pwedeng hindi sundin ang mga pinag-uutos ni boss, kahit inis ako sa kanya ngayon, kailangan pa rin nya ang respeto buhat sa akin.

Idagdag pa ang tatlong araw na leave ng aking sub-leader, kailangan pa rin kasi naming magawa ang mga araw-araw na tasks namin, bukod pa sa mga biglaang utos o mga pinapagawa ni boss. Ilang araw na rin akong hindi nakakapag-break sa tanghali, morning break na lang muna ang eksena ko ngayon.

Gayunpaman, hindi naman masama ang loob ko sa mga nangyayari, bagkus nararamdaman ko na "I am not worthless" pala everytime na siksik ang schedule ko sa maghapon na trabaho. Though I am not asking for a recognition nor appreciation to my accomplishments, the fact that I contributed a little help for other co-employees, that's more than enough for me.

* * *
Despite na busy ako this past few days, nakuha ko pa ring sumama sa ibang katrabaho ko na pumunta sa Boom na Boom sa tabi ng SM Clark. Enjoy naman ako sa Octopus. Hehehe... yung isang kasama namin, hindi yata kinaya at nagsuka habang iniyuyug-yog kami ng Octopus. Hahaha... Naging ok naman siya pagkatapos nun.
* * *
Next week na ang Department Christmas Party namin, at next week ko na rin malalaman kung sino ang nakabunot sa akin sa aming P200-worth Exchange gift... Cheap ba kami? Ganun talaga kami... hahaha. Yung nabunot ko, inilagay nya dun sa wish list nya... "Whistling Kettle". Hehehe... Hindi pa ako nakakabili as of the moment.
* * *
Ang company Christmas Party naman namin ay sa December 28 pa... post-Christmas Party ang drama namin... Eto, nagmi-mix ako ng mga dance songs na sasayawin ng aming mga pambato. May inter-department competition kasi. At dahil first time kong dumalo sa Christmas Party ng kumpanyang ito, ayon sa kwento ng iba, talagang kina-career daw talaga ang labanang ito. Well, wag na nila akong asahan dyan, dahil hindi ako marunong sumayaw. Anything I can help, wag lang sumayaw! I'm a shy dancer, you know. Hahahaha....

Monday, December 03, 2007

Eksena

Sabi nga ng ilan, ang ating nararamdaman, mapa-lungkot, saya o inis, ay nasa ating isipan lamang. Kumbaga, kung gusto mong maging masaya ngayon, kontrolin lang ang isipan at mag-isip ng mga masasayang pangyayari... and voila... masaya ka na! On the other hand, kung senti naman ang gusto mong maging eksena sa mga oras na ito, you can do it.. mag-isip lang ng mga bagay na ikinalulungkot mo.

Tama nga siguro. Nasa tao lang yan kung anong gugustuhin mong mood.

Speaking of "mood"... "wala sa mood" ang tangi daw maipupuna ng sub-leader ko sa akin. Totoo nga naman iyon. I am not a morning person and I admit that people around me during morning hours seem to having difficulty in talking or dealing with me. Minsan, wala talaga ako sa mood lalo na sa umaga. Ewan, baka mali nga ang eksena kong iyon. Humingi naman ako ng pasensya sa sub-leader ko nung magkausap kami one-on-one tungkol sa mga di pagkakaunawaan namin-- ng aming grupo.

Minsan daw kasi, naiilang silang lapitan ako dahil hindi ako makausap ng matino, as in nang-iisnab daw ako. Again, I admit that. Sabi ko na lang sa kanya, basta I will try to change that "bad side" of me. And I was very sincere when I uttered those words to him.

Ang sa akin naman, sinabi ko sa kanya na ang pinaka-ayaw ko talaga eh yung hindi nila pagpapaalam minsan kung a-absent sila. It may be "mababaw" pero para sa akin kasi eh indication yun na hindi na ako nabibigyan ng konting respeto as their leader. Not that I am too harsh about their absentism, but for me, as long as their absence has valid reason and they informed me prior to that, it's ok for me, really. Ayaw ko lang kasing nate-tengga yung mga activities namin.

Eventually, nagkaayos naman kami and I am happy for that. Feeling ko ngayon, mas lalo naming nakilala ang isa't-isa, and I think it's an advantage para lalo naming mapagbuti ang aming working relationship.

* * *

The week that was. Matapos ang paglindol, ginulantang naman tayo ng balita tungkol sa "Manila Peninsula Siege". Thursday ng tanghali eh nag-email sa akin yung college friend ko na nagtatrabaho sa katapat na building ng Manila Pen, ayun breaking news ang eksena nya. Hehehe. With matching pictures pa na kinuhanan nya. That time, kalmado pa ang sitwasyon, pero pinapalabas na raw sila ng kanilang opisina at pinapauwi na. So, di nya na naibalita sa amin yung eksenang may tear gas. Hehehe.

Paglabas ko ng opisina, in-invite ako ng mga officemate ko sa kanilang boarding house, birthday kasi nung isa. Hayun, nag-dinner kami sa kanila habang pinapanood ang balita tungkol sa eksenang iyan ni Trillanes. Then may breaking news na may curfew na ipatutupad sa gabing iyon. Buti nalang at maaga akong umuwi. Hehehe...


* * *

Kahapon, nanood kami ng sine sa SM Clark, pinanood namin yung Enchanted. Hehehe.. Yun kasi ang gusto ng mga kasama ko... ayoko naman silang kontrahin. No regrets naman, feel-good ang movie, para maiba naman. Ang dami tao kahapon sa SM, dahil may event. Unveiling of Giant Santa Claus ang eksena. Umeksena rin ang gobernador ng Pampanga na si Father Ed Panlilio, hayun siya yata ang nagpasinaya sa event na iyon. Nung nakita ko si Santa Claus, nasambit ko kina Elmer and Berns na parang "idolatry" ang nangyayari. Tila may eksenang sinsamba na ang malaking imahe ni Santa. Hehehe... Sabi naman ni Elmer, nawawala daw ang essence ng Paskong Pinoy, napaka-western daw ng event. Hehehe... Wala lang, gusto lang naming kumontra at umeksena. Hehehe...

* * *

Ito ngayon ang ayaw na ayaw kong eksena... ang magka-sipon! Pambihira, tinamaan din ako. Sobra kasing lamig ngayon eh...