Tuesday, September 29, 2009

It's Marquee Day!

So ngayong araw na ito ay first time kong pumasok sa pinakamalapit na mall sa aming bahay.

Nasiyahan naman ako kahit papaano.. hehehe... bonding moments with my parents, 2 of my siblings, may brother-in-law, and my nephew...

Nahilo lang ako ng kaunti sa Metro Supermarket dahil na rin nagsipagdagsaan ang mga tao ngayong araw, opening day din nya ngayon. Sayang nga at hindi kami nakahabol sa first 250 customer na magpu-purchase worth P1000 and above dahil may libreng isang sakong bigas. Hahaha.. mahirap na ang buhay ngayon.

Kitang-kita nga na sa kabila ng kahirapan ng buhay ngayon, eto ang mga mall na nagsisipagtayuan sa aming syudad. I just wonder, mayayaman ba ang mga taga-Angeles? Kasi, I'm just trying to figure it out, sino ba ang mga target customer ng mall na ito?

SM is very known for its "pang-masa" image.. and this Marquee Mall, if my basis is the design of the mall infrastructure, the stalls and over-all appearance (hehehe).. masasabi kong medyo angat ito sa SM.. Well ofcourse, meron pa rin naman ditong Jollibee, Mcdo at ilang pang-masa. Pero marami kasing stalls na meron sa Marquee pero wala sa SM Clark.

Also, yung building design ng SM Clark, symmetrical baga. While in Marquee, medyo may kaartehan ng kaunti.

Ok rin ang cinemas ng Marquee, yun nga lang maliit lang at walang orchestra, well isa sa apat palang naman na movie house ang pinasukan ko.

Speaking, we watched awhile ago the movie "In My Life". Vilmanian kasi nanay ko.. hehehe.. In all fairness, maganda naman ang movie. At least kahit paminsan-minsan nakaka-appreciate ako ng Pinoy movie like the recent hit of Eugene Domingo, Kimmy Dora. Hahaha. I really like that movie.

Anyway, eto ang ilan sa mga picture-picture ko kanina sa Marquee:
Hayun yung bahay namin oh! Hehehe



Sunday, September 27, 2009

Bagyong "Ondoy"

Lumisan man ang bagyong Ondoy, ang bakas ng hagupit nito sa ilang lugar sa Pilipinas ay mananatili pa hanggang sa mga susunod na mga araw.

Marami akong na-realize mula kahapon sa kasagsagan ng malupit na bagyong ito.
Una, dakong hapon ko na lang nalaman ang tindi na idinudulot nito sa Metro Manila at ilang karatig probinsya dahil buong araw akong busy sa trabaho. Bagamat aware ako na may bagyo, hindi ko inasahan na ganito pala kalakas at kadaming tubig-ulan ang ibinagsak nito, not until lumabas ako ng opisina at mag-aattend sana sa isang meeting ukol sa gaganaping High School reunion namin sa Oktubre.

Sa kalaunan, pinagpasiyahan na lang namin na ikansela ang meeting dahil na rin sa sarado ang Coffee shop na pagdadausan sana nito. Pangalawa, ang ilan sa amin ay minabuti nang manatili na lamang sa kanilang bahay dahil nga sa malakas na hangin at ulan.

Tila isang ghost town ang dinaanan namin kagabi sa syudad Angeles. Wala mang matinding baha ang dinanas ng syudad, ilang mga billboards at halaman naman ang nagsipagtumbahan sa mga kalye. Brownout pa.

Pag-uwi ko ng bahay, patuloy pa rin ang malakas na ulan. Walang kuryente, walang facebook! Hindi man ako naghapunan, pinili ko na lang na matulog dahil kanina pa ako takam na takam na humiga at magpahinga.

Kaninang umaga, na-realize ko na wala pala sa kalingkingan ng Marikina at Rizal ang nangyari sa syudad Angeles. Kalunos-lunos at nakapanglulumo ang mga video footage na ipinapakita sa TV.

Ito ang ilan sa mga video mula sa youtube kasama na rin ang mensahe ng ating Pangulo:





Na-realize ko rin na maswerte pa rin talaga ang Angeles City dahil mataas ang lugar namin. Pero hindi ako magtataka kung babahain din ito lalo na sa town proper dahil sa improper waste disposal.

Isa pang na-realize ko, sa panahon ng kagipitan, maaasahan pa rin naman pala ang Facebook at Twitter. Dumagsa ang mga tulong at donations na idinadaan sa mga social networking sites na kagaya nito. In facet, this whole day ay naging trending topic ang #Philippines, #Red Cross at #Typhoon Ondoy sa Twitter.

Monday, September 21, 2009

Martial Law

Walang kinalaman ang title sa kwento ko...

Wala lang, medyo matagal yata akong natengga dito sa Blogspot ko. Siguro, mas naging convenient lang sa akin nowadays ang mga microblogging like Twitter and Facebook... Ngayon ay naniniwala na ako sa mga taong nagpo-post sa Facebook at Twitter na sila ay "busy", bagkus nakakapaglaan pa ng oras para silipin at magpost sa account nila. Indeed, microblogging is "in" right now.

Ano ba ang kwento ko ngayon? Bukod sa busy ako sa work, pinagkakaabalahan ko rin ang paparating na High School Reunion namin sa October. Isa kasi ako sa mga tumutulong para sa event na ito. Na-assign ako to disseminate the information, updates and details of the reunion sa mga batchmates ko. Salamat sa internet at text...

Ganun pala ang feeling kapag pilit mong ini-invite ang mga nag-iinarte at nagpapapilit, gusto mong mainis pero kailangan magtiis. Worse, yung mga talagang ka-close mo pa ang mga nag-iinarte samantalang ang daling kausap ng mga ilang batchmates na actually ay ngayon ko lang nakadaumpalad dahil hindi mo naman ka-close nung panahon ng High School years.

Ganyan talaga, we can't please everybody.

Well, change topic. Magbubukas na pala ang Marquee Mall dito sa Angeles City sa makalawa. Di pa talaga fully done ang construction lalo na sa labas, pero parang excited ako dito. Hehehe.. Kita kasi bintana ng aking kwarto ang likod nito.