Wednesday, October 31, 2007

>>> REWiND: Treat or Trick 1990



Originally posted at my g-blog... http://g-blogs.com/HFAMOUS
Mon, 24 Oct 2005 3:48 PM


Kahit papaano, na-experience ko ang celebration na ito with the American children, syempre sa loob ng Clark. I was in Grade 2 nung ma-invite kami with some friends na mag- "treat or trick". So hayun, sinamahan kami ng aming mga parents papunta doon sa bahay ng friend namin, na ngayon hindi ko na maalala kung sino nga ba yung nag-invite sa amin doon. Basta ang natatandaan ko, ang ganda ng bahay nila, American style! Hehehe, sensya na medyo nabana ako. By the way, sa mga di nakakaalam, ang Treat or Trick ay sine-celebrate every night of October 31, which is Halloween, na parang costume party sa buong village na house-to-house ang drama ng mga bata upang mangulekta ng mga goodies like chocolates and candies. Pero hindi lamang puro "Treat" ang dapat asahan ng mga bata, meron ding "Trick" na ang karaniwan ay pananakot, pambabasa (katulad ng ginawa sa mga raliyista sa Mendiola) at kung anu-ano pang panggugulang... Hehehe. Dito sa Pinas, hindi yata masyadong pina-praktis ang tradisyon na ito. So back to my kwento, hapon pa lang ay todo-prepare na kami. Mega-suot na kami ng mga costume namin na parang may dress rehearsal kami. Ang costume ko ay Batman! Hehehe. Yung mga kaibigan ko, may white lady, witch, mickey mouse, dracula at kung anu-ano pa. Pabonggahan talaga, syempre di kami patatalbog sa mga tisoy at tisay na mga batang kano doon. Kumusta na kaya ang mga batang kanong nakilala ko? I am sure na sa Tate na sila dahil nga sa pagputok ng Pinatubo at ang pagpapaalis ng ating gobyerno sa mga base-militar. Anyway, excited talaga kami noon na sumigaw sa mga bahay-bahay ng "Treat or Trick!" at maghintay kung Treat ba o Trick ang sasalubong sa amin. Kalat-kalat na ang mga naka-costume na bata sa mga kalye, ang saya! Hihihi. First house na pinuntahan namin, aba may sound effects pa na mala-haunted ang bahay. Hanep talaga ang mga inihandang production ng mga kano na ito! Hayun, pagkatapos kaming takutin, wow puro imported chocolates ang ibinigay. Syempre naman noh, alangan namang hindi imported, yun nga ang pinunta namin eh. Uhmm, yummy, ang tsalap tsalap talaga ng imported. Hahaha! Nasanay kasi ako sa local... bazooka, cloud9, big bang, serge, at kung anu-ano pang mabibili lang sa suking tindahan. Todo na ito... naiba ang panlasa ko, to the highest-social-climber-level na! Hehehe. Ultimo imported bubble gum nila, nilasap ko talaga... nilunok ko pa nga eh, JOKE! Napuno talaga ang mga basket naming dala, sa sobrang puno, hinahayaan na naming mahulog ang mga chocolate bars na umaapaw, as in, promise, cross my heart, swear to God! Hehehe. Ang OA kong magkwento noh? Pero totoo yun. Inisnab-isnab na nga namin yung ibang bahay dahil wala na talagang space ang aming basket. Nakakatawa rin yung sa isang bahay na may naka-Grim Reaper (si Kamatayan) costume, nakaupo siya at nakapatong ang isang malaking lalagyan na ang laman ay punung-puno ng mga candies, guess what, walang nagtangkang lumapit at kumuha ng candies, sa sobrang takot ng mga bata. Hehehe. Yung isa naman, naka-Satan costume na may malaking tinidor (hehehe) na bantay-sarado sa mga candies at chocolates, wala ring lumapit! Hay, ang saya-saya talaga nung panahon na iyon. That was October 31, 1990. Yun na pala ang huling Treat or Trick ng mga batang kano sa loob ng Clark. June of 1991 kasi ay sinimulan na nilang lisanin ang nasabing lugar. And I am happy na nakasama ako sa okasyon nilang iyon, I have experienced the Halloween celebration in an American way. Naks! Kinabukasan, nagsisisi ako... sa mga chocolate bars na hinayaan ko na lang mahulog sa daan. Sayang din pala ang mga iyon! Hehehe. *Tapos*

Monday, October 29, 2007

I've never seen a ghost...

Amity ville House


...and I am not waiting for it to happen to me.

Wala akong maikukwentong personal encounter sa mga "paranormal" things, di tulad ng ilan sa atin. Pero mas gugustuhin ko na ang wala kaysa meron.

Panahon nga ngayon ng mga katatakutan, mga halloween episodes sa telebisyon at kahit sa opisina, mga kwentong multo ang patok.

Masigla na naman nyan ang mga sementeryo, mangangamoy kandila ang buong kapaligiran, kikita ang mga nagtitinda ng kung anu-ano, fiesta na (ng mga patay!).
Pero sa kabila ng year-round tradition nating ito, iisa lang naman talaga ang dapat nating unahin... at iyon ay ang paggunita at taimtim na pagdarasal para sa mga yumao nating mga mahal sa buhay.

Saturday, October 27, 2007

Tugtugan Sayawan sa Maulan na Daan!


Unang araw ng Tigtigan Terakan keng Dalan... malakas na buhos ng ulan kaagad ang bumungad. Bad trip siguro yung mga may balak pumunta ngayong gabi... hehehe... Ako, ok lang, as always, hindi ako pumupunta sa ganyang event...

Bakit nga ba may ganitong event dito sa ciudad ng Angeles... well sabi nila, in commemoration daw yan sa tulung-tulong na paglilinis ng mga Angelenos sa kalsada nung matapos pumutok ang Mt. Pinatubo. Nagdulot kasi ng pag-ulan ng ashes at buhangin ang pagputok ng bulkan. So hayun, mega-linis sila upang makabangon muli ang aming ciudad na totally ay nanamlay ang mga business at mga infrastructures bunsod nga ng Pinatubo. Parang ang labo ng explanation ko noh? Hehehe...

Anyway, whatever the fuc*ing ever...

***

Napagod kami kanina sa kahahanap ng ATM Machine para mag-withdraw, you know, pay day namin ngayon... Inikot na yata namin ang buong SM Clark, puro offline ang inabot namin. So we decided na lang na sa Dau kami maghahanap ng mapagwi-withdraw-han. Super traffic kasi sa city proper ng Angeles ... Luckily, nakapagwithdraw naman kami. Kumain na lang kami sa malapit na Greenwich after that...

***

Mula sa bintana ng aking kwarto ay natatanaw ko ngayon ang fireworks display sa McArthur hi-way, Balibago-- ang venue ng Tigtigan... wala lang. Breaking news ito. Hehehe. Feeling reporter...


***

Bukas ay ako ang magre-report ng EHS Departmental update sa Monthly meeting namin... Pambihira itong si Miss Debs, bukas pa aabsent... Partners in crime kasi kami sa activity na ito...


***

Nakakatawa na talaga itong si bossing... hey, get a life! Siya ang nagsasabi sa aming maging normal lang ang kilos namin kahit kasama na namin ang "Japanese terror" na VP, pero siya ang kakaibang kumilos ngayon. Ibang level na talaga...

Thursday, October 25, 2007

Happy together... (?)

Nagyon ang araw ng paglipat ng VP naming Hapon sa office ng QA. Dati kasi siyang nag-oopisina sa kabilang room. Eh dahil nga siya na ang VP namin mula nung magpaalam si Sir Morikawa pabalik ng Japan, medyo nag-aadjust na rin kaming maging mga subordinates niya.

Actually, Executive Vice-President na siya ng buong kumpanya, ewan kung bakit trip niya pang hawakan ang QA, gusto siguro niyang makipag-close sa amin. Hehehe...

Ito namang boss namin (Senior Supervisor) todo na ang pagpapanggap. Hehehe... (wag sana niyang mabasa ang blog kong ito)... siyempre, busy-busy-han ang eksena niya kanina. Halos di na nga siya maupo sa upuan niya dahil nga katabi nya ang bagong lipat na VP. Hindi rin kasi ma-predict ang mood ni VP, minsan ang sakit pang magsalita. Nung isang araw nga, pinahiya niya yung isang Engineer sa Production habang nagmi-meeting, as in. Mahilig pa siyang gumamit ng mga nakakapanliit na pananalita tulad ng "I pay you so do your job well!", "Use your brain!" and "No report, no salary!". Thank God, hindi pa niya ako nasabihan ng mga ganyan... at h'wag naman sanang mangyari pa iyon dahil hindi ko alam ang magiging reaction ko.

***

Pag-ibig, pag-ibig... hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Pero tila pati sariling buhay ng isang empleyado ng aming kumpanya ay kanyang kinitil dahil lamang sa pag-ibig. Tsk tsk...


***

Parang ang tamlay ng pakiramdam ko ngayong week na ito. Effect na ba ito ng pagna-night shift ko last week?


***

Malapit na ang Halloween at ang araw ng mga Patay. Definitely, go kami sa sementeryo to visit my lolo Melchor (died 2002) and my lola Lourdes (died this year, April)... we all know, nasa mabuti na silang kalagayan...

***

Halloween na... may matatanggap kaya akong chocolate? O baka naman puro trick lang ang matanggap ko?

***

Tigtigan-terakan-keng-dalan... Tugtugan-sayawan-sa-daan... Well, di naman ako masyadong excited diyan...

***

So many reports to be done this week... then naka-Patternity Leave pa ang Leader ng mga subordinates ko... nataon pa na tatamlay-tamlay ako... whew!

Saturday, October 20, 2007

Goodbye, Keanny!

"All dogs go to heaven."

Kahit medyo naging pasaway kang pet, we still love you from the bottom of our hearts. We will miss you..



Died: October 17, 2007

Tuesday, October 16, 2007

Hindi ako makatulog...

Hindi pa man ako nag-uumpisang mag-Night Shift eh parang ngarag na ako ngayon. Plano ko kasing matulog magdamag para naman hindi ako aantuk-antukin mamaya. Pero nauudlot lang ang tulog ko. Una, naglinis ako ng todo sa kwarto ko first thing in the morning... then after that I received two calls from the office. Unang tawag ay mula sa Sub-Leader ko... nagrereport tungkol sa pending Calibration transaction namin sa MIRDC na pinapatagal lang ng Purchasing Department namin. Ang aarte kasi nila ngayon. Pangalawang tawag naman ay mula sa Boss ko na binigyan ako ng two options --either I have to go as early as 4:30 PM today to office or I have to render overtime tomorrow till 8:00 AM. I chose the latter. Kailangan ko na raw kasing pirmahan yung Performance Evaluation Report ko (mula sa kanya) para raw maipasa na sa HR.

Ayoko naman kasing pumunta ng maaga dahil hindi ako prepared. Hehehe... Tsaka balak ko pa ring matulog hanggang 6PM. Kaya nga binibilisan kong tapusin ang entry ko na ito para naman makabalik ako sa higaan ko...

***

Natuloy kami sa bahay nila Elmer kahapon dahil nga Fiesta sa kanila. Hayun, nagkita-kita kami ulit ng mga college classmates ko na sina Paul, Dennis, Berlin at Wilfredo. Pati na rin ang mga friends ko na sina Glenn, Bernadette at April. Masaya naman kahapon. Then nabuhay na naman ang plano namin na mag-out of town together. Tamang-tama eh nagpapa-rent ng sasakyan sina Wilfredo kaya naman inquire itong si Elmer. Libre na lang daw sabi ni Wilfredo. Hehehe... Ewan kung matutuloy pa yun...

***

Sige, tulog muna ako... :p

Monday, October 15, 2007

Night Shift

First time kong mag-night shift sa trabaho. Makakayanan ko kaya? Pipilitin ko na lang sigurong matulog ng day time bukas para naman di ako mangarag pagdating ng gabi.

Pinagpa-patrol lang naman ako ng boss ko sa gabi, wala kasing nagbabantay sa mga pasaway na operators at inspectors tuwing gabi. Kaya hayun, sa kanila yata nagmumula ang karamihan sa mga deviations at customer claim. Balita ko eh talagang pasaway ang ugali ng mga nagna-night shift, kung hindi over break eh magdamag naman sa tulog ang inaatupag. Hindi naman talaga ako harsh o strict sa mga ganyan. Honestly wala akong pakialam. Hehehe... Pero ako naman ang malilintikan kapag wala akong maire-report sa boss ko.

Nakapagtataka naman kasi na wala akong makikitang deviations samantalang sandamakmak ang mga customer complaint. Tingnan ko na lang kung papaano ang magiging approach ko sa kanila bukas.

For the mean time, enjoy muna ako mamaya dahil nag-iimbita ang kaibigan ko sa bahay nila dahil fiesta nga ngayon sa city proper ng Angeles. Chibog na naman ito!

Tuesday, October 09, 2007

Self-Evaluation

End of Half Fiscal Year ngayon sa aming kumpanya. Usually, panahon din ito ng evaluation performance ng lahat ng regular employees. Sa departamento namin, ang style ng boss ko ay kami mismo ang mag-eevaluate sa aming mga sarili, then kakausapin kami kung bakit ganun ang score na ibinigay namin.

Indeed, it is very difficult for me to evaluate myself on how did I perform my tasks and my responsibilities as his subordinate. At any rate, being bias is very inevitable, not just by overly uplifting myself and give myself high rating, but underestimating my abilities as well. Honestly, I really don't know how to scrutinize my performance, as what my other co-employees claim that it is very easy. Siguro nga sa iba (o sa nagbabasa nito) ay madali lang hatulan ang sarili, but this time, we shall judge ourselves using numbers as our indicator. Mahirap talagang i-weigh in kung sa "1 to 5" ako ba ay dapat 3 lang, o di kaya 4, o di naman kaya 5? Baka naman 1? Pwede. Pero masyado ko naman yatang dine-degrade ang aking sarili na parang wala na ako kahit katiting na kumpiyansa sa sarili.

***

Well, nag-3 DAY SALE sa SM Clark at wala man lang akong nabili para sa aking sarili. Anyway, wala naman talaga akong balak bilhin. Hehehe... At hindi rin ako masyadong kumakagat sa mga ganyang press release ng mga mall o ng kahit anong tindahan. Para kasing lokohan lang ang nangyayari. Parang hindi totoo na makakamura ako sa mga SALE na ganyan. Hindi naman siguro lahat ay ganyan, pero hindi pa rin ako tiwala... period.

Kwento nga ng kaibigan ko, yung nakita nyang same item sa kabilang mall eh parehong-pareho ang presyo, bagkus sa kabila (SM Pampanga) ay 30% off daw samantalang sa SALE sa SM Clark eh 50% off. Ano ba talaga kuya?


***

Kaya kumain na lang kami last Saturday ni kaibigang Elmer sa Tokyo Tokyo. We ate beef teriyaki, tempura and sushi. Di naman talaga ako fan ng Japanese food pero dahil sa minsan lang naman ito, titikim ulit ako ng sushi. Hayun, lalo ko yatang naging hate and sushi pagkatapos kong kumain sa Tokyo Tokyo. Hehehe... Hindi ko talaga ma-take ang lansa! Hahaha. Jologs na kung jologs pero eeewww! Baka years pa ang bibilangin bago ko subukan ulit yan.


***

Nawiwili ako ngayong tignan ulit ang mga pictures ko nung paslit palang ako --mula sanggol hanggang mag-High School. Nostalgic ang drama ko ngayon. Wala lang, nakakatuwa at nakakatawa lang. Eto ang sample, medyo rated R nga lang... Hahaha...

Wednesday, October 03, 2007