Thursday, January 24, 2008
Thursday, January 17, 2008
Lakwatsa
Pambihira. Pumasok lang ang taong 2008 ay sunud-sunod na ang mga pasyal-pasyal ko after work. Well, dumarami lang ang friends ko. Hehehe.
Kanina nga, nag-imbita yung isang grupo na mag-videoke at kumain kami sa labas. Sabi ko, sige game ako. Pero sa kabilang grupo naman ako sumama. Hehehe... Ang bad ko talaga!
Pati panonood ng sine, gusto nila akong isama. Kahit pilit, napanood ko tuloy yung "Desperadas". Hay naku, walang sense. Hehehe. Sabi ko na kasing "National Treasure 2" nalang ang panoorin namin. Baka, nasiyahan pa ako, though I didn't like the first sequel.
Pati "Sakal, Sakali, Saklolo", pinanood namin. Funny naman kahit papaano.
Kulang na lang, kumpletuhin ko na lahat ng entries sa MMFF. Hehehe...
Ang hirap pala talaga kung marami kang friends. Invite dito, invite doon. Pag hindi napagbigyan yung isa, tampo kaagad. Hala, lagot ako bukas sa mga in-indian ko kanina. Hehehe...

May advantage at disadvantage ang lahat ng pinaggagagawa kong ito. Una, masaya. Hehehe. Pero seriously, nakakawala nga ng stress. Ano pa bang advantage nito sa akin? Parang yun lang ah. Hehehe.
Disadvantages. Ah, marami yan. Una, puyat ako lagi dahil gabi na akong makauwi. Pangalawa, magastos. Hindi ko na kailangang i-explain pa iyon. Wala na naman akong maiipon nito. Pangatlo, hindi na magiging balanse ang takbo ng buhay ko kung ipagpapatuloy ko pa ang labis na lakwatsa.
So ano ngayon ang dapat kong gawin? Alam ko naman pala na ang lahat ng bagay na sobra ay masama. Self-control, Henry!

* * *
Fairness. Kailan natin masasabi na "unfair" na ang sitwasyon na ating nararanasan? Para sa akin, bago tayo magreklamo na "unfair" na ang isang bagay, alamin muna natin kung saan tayo lulugar. I always believe that life is unfair, but it should not be our basis to generate hatred and grudges to others. I mean, hindi naman kasalanan ng isang tao kung mas may authority siya kaysa sayo. Ah basta, ayoko nang i-elaborate pa ito.
* * *
Language barrier ang isa sa mga isyu sa aming kumpanya. Dahil nga mga Hapon ang nagmamay-ari ng kumpanya, nagkalat ang mga Japanese Support (Expat) sa aming kumpanya. May mabait, may masungit, may mabaho, may kwela at iba pang pag-uugali na kapareho rin naman nating mga Pinoy. Yung nga lang, iba ang kultura nila, may pagkakaiba tayo ng pananaw, humor at kasungitan. Kaya nga, hirap ako ngayon hindi lang sa mga nae-encounter kong Hapon sa kumpanya, pati na rin sa mga Hapon na sa email ko lang nakakausap dahil sa Japan sila naka-base. Ang hirap intindihin ng English nila, minsan naman kami pa ang nami-misinterpret nila kaya hayan tuloy, nagkakawindang-windang ang communication.
* * *
with QA leaders
Sunday, January 13, 2008
I Am Legend
Bitin. Iyan ang isa sa mga maikokomento ko sa pelikulang ito. Last night, we watched that movie (with Ms. Debs, my officemate) at SM Clark. Di naman talaga namin planong manood kagabi, akala kasi namin, wala pang foreign movie sa mga sinehan dahil nga sa MMFF. Pero nagkamali kami. Hehehe.
About the movie, ok sana pero I really didn't like the ending. As I've said, bitin nga. Pero the concept of the movie is "pwede na". Pinaghalong suspense, horror, action, drama at may konting comedy, kaya pwede na. Hehehe.
Parang naalala ko yung movie na "Cast Away". The similarity is that the protagonists both experienced being alone, in an island sa Cast Away, and in the city sa I Am Legend.
Pagkalabas ng sinehan, tinanong ko kaagad si Ms. Debs kung anong rating nya sa movie, sagot nya ay siyete (10 being the highest). Sabi ko naman, para sa akin sais lang. Hehehe.

Nakakatamad ang ganitong panahon. Una, bagong taon kaya mahaba-haba na naman ang paghihintay sa mga masasayang araw. Pangalawa, ang weather. Minsan malamig, minsan mainit. Tapos ngayon, umaambon-ambon pa. Kaya siguro di maalis-alis ang ubo at sipon ko. Nawawalan tuloy ako ng gana sa pagkain. Naku, nagpapataba pa naman sana ako dahil isa yan sa New Year's Resolution ko. Mukhang mabibigo na naman ako. Pero mahaba pa naman ang taong 2008. Hehehe.
* * *
It's my day-off today! Ano kayang magandang gawin? Matutulog na lang siguro ako.
Monday, January 07, 2008
Wednesday, January 02, 2008
Malas at Swerte
Hindi na siguro natin dapat hintayin pa kung ano ang masasabi ng mga psychic (kuno) sa ating kapalaran base lamang sa ating zodiac signs, araw ng kapanganakan, o anumang horoscope. Nasa ating mga kamay na ang kasagutan kung mamalasin o suswertihin tayo sa mga darating na panahon.
Pero teka, syento por syento nga ba talaga nating kontrolado ang bawat pangyayari sa ating buhay? Hindi rin nga siguro. Basta ang mahalaga ay sa bawat kilos at desisyon na ating gagawin ay kaakibat ang mabuti at malinis na hangarin. Yun lang naman ang dapat nating unahin para mapanindigan natin ang mga desisyon natin, anumang consequences ang haharapin natin.
Payo ko nga sa kaibigan kong si Laila, always think positive. Alam kong masipag at mabuti siyang tao, so walang dahilan para mangamba sa darating na mga araw na kanyang pakikibaka sa buhay.
Ang kamalasan at kaswertehan ay maituturing kong mga bagay na di dapat talagang seryosohin. Once kasi na sineryoso natin yan, iba't-ibang negative thoughts na ang maa-acquire natin. Una na dyan ang inggit, pati Diyos ay tatanungin natin... bakit si ganire ay laging sinuswerte, etcetera.
Kapag naman tayo ang sinuswerte, ang tendency ay all the time nating iisipin na swerte naman tayo, bakit pa tayo magsisipag, etcetera.
Tulad ko, hindi ako sinuwerte sa mga raffle draws, or I should say suswertihin palang ako sa mga susunod na raffle draws na aking sasalihan. That's the fighting spirit! Hehehe...
Ang ibig ko lang tumbukin ay upang mabawasan ang depression at insecurities sa ating katawan, iwaksi na natin sa ating isipan ang malas at swerte na siyang batayan sa araw-araw nating pamumuhay. Kung sa tingin natin ay swerte tayo, hwag pumetiks bagkus gawin itong inspirasyon upang lalong mapagbuti ang ating gawain. Kung sa tingin naman natin ay malas tayo, gawin itong motivational force para maipakita na kaya nating harapin ang anumang dagok o pagsubok na ibinibigay sa atin. Failure doesn't matter, it's all about learning how to rise up again.
Ngayong bagong taon, para hindi masira ang diskarte natin, ang una dapat nating gawin ay h'wag masyadong magpapaniwala sa mga naririnig nating kapalaran daw natin. Madalas nating marinig mula sa mga manghuhula na mananalo tayo sa lotto o sa jueteng (may jueteng pa ba?), pero ni minsan ay hindi naman nila ibinibigay ang mga numerong dapat nating tayain. Hehehe.
Madalas nating marinig na maaari tayong maaksidente sa daan kung hindi mag-iingat, eh totoo naman talaga iyon di ba? Hehehe...
May paglindol daw na magaganap, eh napatunayan naman ng mga siyentipiko na sa isang taon ay libo ang bilang ng paggalaw ng mundo sa iba't-ibang parte nito. Maniniwala lang ako kung mahuhulaan nila kung saan at kailan mangyayari ito, na kahit mga seismologist ay hindi pa matukoy ang ganun.
Ang dapat nating unahin ngayong bagong taon ay ang pagpa-plano. You know, failure to plan is like planning to failure. So we better start the year right and with a bang!
Ako, ang unang plano ko ay ang magpagupit ng buhok. Syempre, new year, new hairstyle! Hehe... Pa-patrim na lang siguro ako. Hahaha...
I uploaded the song of Christopher Cross, "Sailing". Bagay na bagay ngayon 'yan, ang ating paglalakbay sa mundo ng kawalan. Hehehe. But seriously, the message of the song is very inspiring. Enjoy!

Tuesday, January 01, 2008
Year of the Rat
Personally, hindi ako masyadong naniniwala sa mga horoscopes, predictions at kung anu-ano pang vibrations na ibinibigay ng mga sikat na manghuhula. Pero, nakakaaliw lang silang panoorin lalo na kung halatadong nang-iimbento lang sila ng mga sinasabi nila para ma-please ang mga manonood at pati na rin ang hosts ng programang kanilang dinaluhan.
Siyempre ba naman, sasabihin ba nila ang mga negative na bagay kung ang mismong host na ang magtatanong kung ano ang magiging takbo ng kanilang career o ang show mismo nila sa darating na bagong taon. Ang tanging maisasagot lamang ng manghuhula ay magiging maganda pa rin ang takbo ng kanilang career at lalong dadami ang tatangkilik sa kanila.
Yung iba naman, napaka-general at safe ang mga hula nila. Para nga naman may palusot sila kung sakaling hindi magkatotoo ang hula nila.
Magalit na sa akin sina Madam Auring, Madam Rosa, Jojo Acuin at kung sinu-sino pang nagpapaka-Nostradamus na manghuhula, pero I find them "cheap", "kalokohan" and purely entertainment lang.
My point is, kahit sino basta madaldal at malakas ang imahinasyon ay pwedeng-pwedeng manghula at magbigay ng kanya-kanyang prediction.
Naalala ko tuloy nung nasa kolehiyo pa ako, isa akong student journalist. May article ako na parang spoof ni Jojo Acuin at nagbigay ako ng mga kalokohang prediksyon. Hehe..

Subscribe to:
Posts (Atom)