Sunday, February 24, 2008

High School Reunion

Last Saturday, February 16, I attended a mini-reunion with my former classmates during High School. Batch 1999 kami section 4-Amiability sa Holy Angel University. Ang sarap talaga ng feeling na balikan at sariwain ang mga panahon na kami'y musmos pa lamang. Hehehe...


One of our classmates kasi na si Jed eh umuwi for a short visit from California. So yun, naging medium namin ang friendster account namin para ma-organize somehow ang mini-reunion na ito. By the way, here is our friendster page, click this: Amiables Friendster

I really missed this classmates of mine. At syempre di ko rin makakalimutan ang Baguio Trip namin nung summer of 1999. Three days kami doon kasama ang aming teacher-adviser na si Ma'am Lingat. Naalala ko pa ang moment na iyon kung saan after that trip, may kanya-kanya na kaming buhay na tatahakin. May mag-aaral sa Manila, may mag-aabroad at kahit yung iba na hindi lalayo sa aming lugar, hindi na din ganun kadalas ang aming pagkikita.

Huling gabi namin sa Baguio noon, I remember, I gave a rose to each classmate na babae. Nakaka-touch yung moment na iyon dahil hindi nila akalain na yung binili kong bulto ng rosas eh para pala sa kanila.

Marami rin akong memorable experiences sa batch na ito, napakanta nila ako sa isang classroom presentation noon. Bagong uso noon ang kanta ng Parokya ni Edgar na "Harana" at iyon ang kinanta ko, with guitarist Marcelo. Natuwa naman sila sa kanta ko. Hehehe.

Ito rin ang time na marami kaming funny moments sa loob ng classroom, lalo na ang pagkanta ni Edwin (aka "Mariah), ang mga pakulo ng aming mga classmates na very talented, group presentations, kopyahan sa exam (hehehe) at ang mga nakakakabang recitation.

Tinawag din na International Section ang 4-Amiability noon dahil sa tatlo sa mga classmates eh galing ng ibang bansa: si Francis from Brunei, si Rheg from Germany, at si Jed from US.

Naging makulay ang buhay ko that time, maraming friendships ang nabuo at natuto akong makisama sa iba't-ibang klase ng tao.

It has been nine years, bago kami ulit nagkasama-sama. Though hindi kami nakumpleto (that's why "mini-reunion"), preparation lang ito ng isang big event next year for our 10th anniversary. Jed suggested na isabay na rin sa kanilang wedding celebration ng kanyang asawa next year dito sa Pilipinas. But prior to that, yung mga nandito sa Pilipinas ay may plano na magkita-kita kami ulit this summer 2008 for an outing, since nagbigayan na kami ng aming mga contact numbers. Masaya na naman ito.

Isa ito sa nagpapasaya sa aking malungkot na buhay ngayon. Honestly, nasa Critical Stage na naman ako ng aking career (career nga ba?) sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Kahapon, we had a Cross-Cultural training sa isang resto dito sa Angeles City, sponsored by my company. Ang seminar na ito ay kung papaano namin mauunawaan ang kultura ng mga Hapon dahil nga nasa Japanese Company kami. The seminar was so informative naman, kaya lang as for me, hindi naman iyon ang madalas kong maireklamo sa kumpanyang ito. Kundi ang mga Filipino kong boss and co-workers. Well, di naman silang lahat pero mainly, kung sino pa ang magkaka-lahi, sila pa ang hindi nagkakaintindihan.

I hate to say this pero hindi ko alam kung talagang mga bobo lang sila o dahil may kanya-kanya lang silang hidden agenda kung papaano pababanguhin ang pangalan sa mga Hapon.

Bukas, Special Holiday, balak ko sanang hindi pumasok pero pinapapasok ako ni boss. No choice.

Thursday, February 14, 2008

Love Song...



Eh ano naman ngayon kung Valentine's Day at wala akong ka-date?

Hindi ko naman siguro ikamamatay iyon. Anytime naman kasi ay pwedeng makipag-date, pwedeng manligaw, pwedeng maging romantic at pwedeng ma-in love.

Sa ngayon, enjoy muna ako sa ganito -- hanging out with friends, inuman, videoke, food trip, at kung anu-ano pang trip, h'wag lang ma-bad trip!

Hmmm.. ano bang magandang i-blog ngayon? Minsan, nakakasawa na kasing ikwento ang mga ka-badtrip-an ko while at work, sa mga iba kong kasama sa office at sa boss ko... Nung makalawa, nag-inuman kami sa bahay ni Ms. Debs, kasama si Rudolf at ang housemate ni Debs. Habang nagsha-shot eh pinapanood namin yung pelikula ni Lindsay Lohan na "I know who killed me"... kumusta naman ang trip naming iyon? Hanggang alas-dose kami dun at kinabukasan ay may pasok pa sa trabaho... Mga pasaway talaga kami!



Anong favorite love song mo? Eh theme song kaya ng buhay mo? Minsan, wala kaming mapag-usapan sa office ng mga kasama ko kaya theme song ng bawat isa ang napag-trip-an namin. Kahit corny, sige pa rin para naman matawa kami sa sarili naming kakornihan. Hehehe...

Yung isa, "If You're Not the One" by Daniel Bedingfield, theme song daw nila ng asawa nila. How sweet naman, kako. Hehehe..

Meron namang isa, "You" by Basil Valdez and "When I Met You" by Apo... How romantic naman, kako ulit. Hehehe...

Hirit ko naman sa mga kasamahan kong may mga jowa na laging may LQ... "Theme song nyo ba yung The Past by Ray Parker?" Hahaha... Pa-kornihan na ito!



Anyway napag-uusapan din lang naman ang mga theme song at love song lalo na ngayong araw ng mga puso, manlalait lang ako ng mga lyrics na ewan ko kung sobra ba sa kababawan o sobra naman sa ka-dramahan... hehehe..

"I must forgive you, you must forgive me" --from the song The Past
Ang sagot ko: Demanding!

"If ever you're in my arms again, this time I hold you forever"
Ang sagot ko: Talaga lang huh?

"Everyday my confusion grows" --from the song Bizarre Love Triangle
Ang sagot ko: Eh sira ka pala, kasalanan mo at pumasok-pasok ka pa sa ganyang sitwasyon!

"Soon I will be free" --from the song Sailing
Ang tanong ko: Nasa kulungan ba si Christopher Cross?

"Love is blind, as far as the eye can see" --from the song Too Much
Ang sagot ko: Pwede!

"Love... it needs just you and me to stay together, even if there is nothing more, the best is there forever" --from the song I Will Always Stay In Love This Way
Ang sagot ko: Naks naman!

"Love me mouth-to-mouth now, you know I can't resist 'coz you're the air that I breathe" --from the song Drowning
Ang sagot ko: Napaka-over sentimental naman nito at pati training nya sa Safety ay nire-relate sa kanta!

"If you ever have something that you wanted to say, you better start talking before I go away" --from the song Something To Say
Ang sagot ko: Nagmamadali ka? Pinagmamadali mo ako?

"Whatever I said, whatever I did, I didn't mean it" --from the song Back For Good
Ang sagot ko: Gago! Lokohin mo ang lela mong panot!

"Sana dalawa ang puso ko"
Ang sagot ko: Gago ka rin!

"Loving both of you is breaking all the rules" --from the song Torn Between Two Lovers
Ang sagot ko: We always have a choice. Choose the lesser evil. Hehehe.

"You probably spend hours on the phone talking about nothing at all" --from the song Invisible Man
Ang sagot ko: Eh anong pakelam mo? Marami kaming load!


Maligayang Araw ng mga Puso! Pero may nabasa ako sa White Board ng isang section sa office... it goes like this... "Maligayang Araw ng mga Suso!" Hahahaha.... Peace!




Wednesday, February 06, 2008

Plano

Masakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon dahil yata sa epekto ng kuryente sa katawan ko. Nakuryente lang naman ako ng di sinasadyang mahawakan ko yung 250 volts na probe ng Insulation Tester kanina sa Verification Area ng Customer Claim Section.

Ako pa man din ang laging nagpapaalala sa mga gagamit ng Tester na mag-ingat dahil nga may kuryente ito. Ganyan nga talaga minsan, tayo ang nabibiktima sa sarili nating paalala. (Ang gulo!)

"Paalala" -- diyan magaling ang boss ko. Puro paalala sa mga pinag-uutos niya. Utos dito utos doon. Kapag hindi namin nagawa ang gusto nya, boljak ang abot namin! Sa totoo lang, wala naman talaga siyang naico-contribute sa lahat ng accomplishments ng aming departamento, maliban sa kanyang walang humpay na kautusan.

Kung sa bagay, magaling siya sa pagpa-plano... at sa pagpa-plano. No more, no less. Alam ko naman na mahalaga rin ang pagpa-plano, dahil ika nga sa kasabihan, Failure to plan is like planning to failure. Pero iba kasi ang kaso ng boss ko... puro siya PLANO, wala namang maisagot kung PAPAANO!

Puno na naman ng galit at hinanakit ang blog ko ngayon. Wala akong magagawa, ito ang nararamdaman ko ngayon ... at hindi planado ito.

Parang kanina, hindi namin planong kumain sa Greenwich ni Ms. Deborah, pero biglaan ang nangyari... wala lang. Pinilit ko lang i-relate sa topic ko ngayon. Hahaha!

Ginutom kasi kami sa tagal ng Closing Meeting ni Mr. Yokoyama sa kanyang Internal Audit mula kahapon. Isa na naman kasing ma-ambisyong Certification sa TS 16949 ang plano ng aming kumpanya. Matagal pa naman iyon pero ngayon palang eh kailangan nang i-apply yung Standard na iyon sa aming Sistema.

At dahil sa ilang non-conformity na call-out ng Hapon na iyon, mainit na naman ang ulo ni boss sa amin. As if hindi nya alam ang mga kakulangan ng aming departamento. Dapat nga eh siya ang mag-lead sa amin para gawan ng corrective action ang mga iyon... hindi yung feeling niya eh Vice-President na siya ng kumpanya para umasta ng ganun.

Eh kami rin naman ang gagawa ng mga corrective and preventive action, ano pang problema niya? Ah alam ko na, ayaw niya kasing mabahiran ang mabango nyang pangalan sa mga Hapon. Yun na!

(At talagang siniraan ko ang boss ko rito....)

The boss is always right, Henry!

With that, I rest my case... but now only! Ewan ko mamaya at sa mga susunod na araw.


* * *
Mga katanungan ko ngayon na nahihirapan akong hanapan ng kasagutan:

Hot Air Balloon Festival ngayon sa Clark. Ano ba ang rason kung bakit may ganitong okasyon dito taun-taon?

Tumitindi na yata ang pagkainis ko sa kumpanyang ito. Senyales na ba ito na kailangan ko nang sumibat?

Bakit mahilig umepal ng isa kong operator? KSP ba siya?

Bakit hindi ko ma-gets ang meaning ng kanta ng ColdPlay entitled "The Scientist"? Pero bakit kinakanta ko lagi siya dito sa bahay?

Bakit hindi ko naalala na Fat Tuesday kahapon? (At least, naalala ko na Ash Wednesday ngayon.)

Kailan kaya ako makakapag-asawa? Kailangan ko na bang planuhin ngayon?

Sunday, February 03, 2008

Nakaka-stress!

Ilang araw na akong sobrang stressed lalo na kapag naiisip ko ang trabaho. Hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin dahil masyadong hectic ang schedule ko ngayon sa opisina. Nakaka-stress!

Yung isa kong operator, na-end of contract dahil non-compliance daw siya nung ni-require siyang magpa-medical, eh hindi niya sinunod. Ayun, nakatanggap ako ng memo mula sa kanilang Agency na terminated na nga siya. Gustuhin ko man siyang i-salba, wala na raw akong magagawa sabi ng HR namin, dahil employer na mismo ang nagteterminate sa kanya.

Kaya ngayon, inaasikaso ko yung Manpower Request namin dahil kung hindi, mate-tengga na naman kami. Nakaka-stress!

Nag-reresign naman yung isang Engineer na humahawak sa X-Ray Machine at Ion Chromatograph. Pumapel na naman yung boss ko sa mga Hapon at ako ang itinuro na pansamantalang humawak sa maiiwang posisyon habang hinihintay yung kapalit. Nahirapan daw kasi ang HR namin na mag-hire ng Chemical Engineer na hahawak sa mga iyon. As if Chemical Engineer ako, nakaka-stress!

Hindi ko magawa ang mga gusto kong improvement sa Section ko dahil nga sa padagdag na padagdag na ibinibigay sa aking responsibilidad. Kunsimisyon pa yung nangyayari sa manpower ko, kulang talaga kami. Ngayon pa na very strict na ang Management sa pag-aapprove sa mga Manpower Request namin. Nakaka-stress!

Para mabawasan ang stress, pinaunlakan namin yung imbitasyon ng officemate namin sa birthday ng kanyang anak. Last Wednesday (January 29) ay pumunta kami ni Ms. Debs sa bahay nila Dha sa Magalang. Ang layo ng biyahe, grabe. Hindi nga kami na-stress, nabugbog naman kami sa layo ng journey. Hehehe...

Sabi ko tuloy kay Ms. Debs habang nagba-biyahe, baka nasa La Union na kami (home province ni Ms. Debs).

Pagdating namin sa bahay nila Dha, nagulantang kami sa sobrang dami ng mga bata na naglalaro, naghahabulan at nagsisigawan. Sabi ko ulit kay Ms. Debs, "Nakaka-stress!" Na-stress din daw siya. Hehehe...


* * *

Buwan ng Pag-ibig na. Uso na naman ang pulang rosas sa kalye, ang mga tsokolate at pusong palamuti sa mga mall. Panahon na naman ng mga Valentine Concert and Valentine Date.... ang masasabi ko lang... Nakaka-STRESS!!!