Pero dahil tapos na nga ang maliligayang araw, malungkot na ako ngayon. Joke! Hehehe... Life must go on! Pagkapasok ko nga kanina sa opisina, nasambit ko kaagad sa officemate ko .."We're back to business..." Balik sa dating gawi... ang araw-araw na meeting, ang boses ng mga boss, ang kaingayan sa loob ng opisina, ang mga petiks sa paligid, ang mga feeling busy, feeling agrabyado, at kahit yung mga ilang pa-simpleng "feeling".
Dumating kanina yung consultant namin for our TS Certification, pina-review ko yung proposed document procedure ko. Ayun, may ilang revisions and rephrasing of clauses para talagang pulido ang procedure. Buti na lang at hindi ko sinunod kaagad si boss na ipa-route na yung procedure for signature, kung hindi eh ulit-ulit lang ang trabaho ko.
Tomorrow, ipa-finalize ko na talaga para ma-implement na. Isa na namang sakit sa ulo ito. Parang walang kwenta ang MSA Team na binuo namin, hindi man lang ako tinulungan... or kinamusta man lang. Loko sila, kailangan nilang makipag-cooperate kahit man lang sa implementation.
Bakit ba ako nagkukwento tungkol sa work? Time out na nga muna!
***
Gusto kong panoorin ang pelikulang "Jumper"... kakadownload ko lang sa internet. In fairness, clear copy siya. Kaya lang wala pa akong oras panoorin ito. Bukas siguro kung hindi ako mag-o-OT.
***
Demanding ang isa kong inspector. Nagpapalibre ba naman ng isang Toblerone, mura lang daw sa SM. Kanina bago umuwi, binili ko na siya ng tsokolate para maibigay na bukas. Pero hindi Toblerone ang binili ko, Vanhouten Roast Almond ang ibibigay ko. Siya na lang ang humusga kung masarap ito. Hehe... Ang bait ko neh?
***
Ngayong nalalapit na ang Employees' Annual Evaluation sa aming kumpanya, I am proud to say na... not even once did I came to work late. Bwahahaha... La lang.
***
I am now getting hooked to listen to old songs, especially from the 70's, 80's and 90's eras. Actually, pati mga old videos na sa ganung panahon din. Yesterday, I enjoyed watching "Ang Pinaka..." aired over QTV-11. Ang topic kasi nila ay ang top ten most memorable pinoy commercial jingle. Ilan sa mga topnotcher nila ay: Milo (Bea Lucero), Jollibee (I love You Sabado), Mr. Clean detergent bar with Sylvia La Torre at siyempre ang wallet na maswerte... Seiko Wallet! Hahaha...
Last Balack Saturday naman, I enjoyed watching Aguila, starring FPJ na ipinalabas sa channel 2.
The film was shot in 1980, for me maganda ang pelikula. It depicts the faces of Philippine Politics. Nagsimula talaga ang pelikula sa panahon ng mga Kastila, then American, Japanese, hanggang kay Magsaysay. Basta, it's worth-watching. It's also about soul-searching, contentment, principles in life and self-evaluation.
Matutulog na nga ako, wala na akong alam ikwento. :-)
Last Balack Saturday naman, I enjoyed watching Aguila, starring FPJ na ipinalabas sa channel 2.
The film was shot in 1980, for me maganda ang pelikula. It depicts the faces of Philippine Politics. Nagsimula talaga ang pelikula sa panahon ng mga Kastila, then American, Japanese, hanggang kay Magsaysay. Basta, it's worth-watching. It's also about soul-searching, contentment, principles in life and self-evaluation.