Saturday, May 24, 2008

Busy May! [part 1]

Sa sobrang busy ko the past few days, di ko namalayan, magtatapos na pala ang buwan ng Mayo.
Company Outing
Sa Morong Bataan ginanap ang aming outing. As expected, marami na namang di kanais-nais na nangyari doon. Una na rito yung pagkain, isa lang ang masasabi ko... CHEAP!
Pangalawa, ang mga activities na ang gulu-gulo. Walang kaayusan! Dahil doon, ang karamihan sa amin ay pinili na lamang na manatili sa kani-kanilang kwarto para magsugal, manood ng tv, matulog at magkwentuhan --mga bagay na pwede namang gawin kahit walang company outing.
Pangatlo, ang mga swimming pool na kayli-liit. Hindi ba nila naisip na hinding-hindi kami magkakasya doon? Sa bagay, hindi ko naman talaga binalak na mag-swimming lalo na kung kasama mo ang ilang mababahong Hapon. Hahahaha..
Pang-apat, hindi na naman ako sinuswerte sa mga raffle draws! Hehehe..
Pang-lima, paulit-ulit pinapatugtog ang "Clumsy" ni Fergie. Nakakaumay. Hehehehe..
Pang-anim, hindi nasunod ang mga groupings namin sa mga games.
Pang-pito, maraming feeling sexy sa kanilang summer outfit pero sorry to say, hanggang feeling lang sila. Hehehe.
Pang-walo, umulan nung araw na iyon. Kumidlat pa. Hehehe.
Pang-siyam, hindi ako nakasali sa War Game... nawalan ako ng gana.
Pang-sampo, NATULOG NA LANG SANA AKO SA BAHAY!

***

Sunday, May 04, 2008

Subic-Clark-Tarlac Expressway

Kahapon ang company outing namin sa Morong, Bataan. Sa Metro-Subic Highland Resort kami, walang beach, puro pool lang. Hehehe... (Kwento ko ang company outing namin sa next blog entry ko)

Dumaan kami sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), nag-interchange sa Hermosa, Bataan. Ang ganda pala ng expressway na ito, pero wala pang mga gas stations na nakatayo. Mga bundok at lahar deposits ang mga tanawin. Hehehe...

Mabilis ang biyahe. Hindi ko nga akalain na may short cut pala mula Clark hanggang Bataan at Subic. Yun nga lang, kailangan talagang biyakin ang ibang bundok para lang makalusot ang daanan.Mga isang oras lang siguro ang biyahe namin mula Clark hanggang Hermosa, Bataan. Then another 1 hour pa from Hermosa hanggang Morong. But at least, malaking ginhawa na rin ito kumpara kung dadaan pa kami ng Olongapo-Gapan (Jose Abad-Santos) Road.

At ang isa pang maganda rito ay ang pagkakadugtong ng SCTEx sa NLEx... then ang balita ay idudugtong din ito sa Tarlac-La Union Expressway... May nagagawa rin palang maganda ang gobyerno natin. Well, dapat lang. Bukod sa toll fee, eh nagbabayad din naman tayong manggagawa sa hinayupak at OA sa laking tax na yan!

Good night!

Thursday, May 01, 2008

Iron Man and Forbidden Kingdom

Last night, we watched Iron Man with my friend Elmer, hindi kasi nag-reply yung mga iba kong friend sa email nung nagyayaya si Elmer na manood. Hehehe.

The movie is funny, medyo may thrill at punung-puno ng aksyon.

Last Full Show kami pero marami pa rin ang nasa loob ng sinehan, puro bata nga ang mga nanood bitbit ng kanilang mga magulang.

Sulit naman ang binayaran namin. Hehehe. I would rate this movie 8 stars out of 10.

***
Last two weeks naman eh pinanood namin yung Forbidden Kingdom. Maganda rin yung movie, pero same-same pa rin yung humor ni Jackie Chan.

Sulit din naman ang binayaran namin sa sinehan. Hehehe. I would rate this movie, 7 stars.

***

Oh, isa na namang officemate ko ang nagre-resign na. Hanggang katapusan na lang siya ng Mayo sa trabaho. Ayaw na raw nya. Sawa na siya. Hehehe. Gusto nya sa Manila na lang siya magtrabaho. Nakakalungkot pero ganun talaga ang buhay, may umaalis, may dumarating. Ako kaya, kailan kaya? Hehehe. Honestly, nag-iisip na rin ako. Pero marami pang dapat i-consider.

But to be fair, hindi naman puro inis at yamot ang ibinibigay sa akin ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Marami rin naman akong natutunan. Minsan nga lang, hindi maiiwasang makapagbitiw ako ng mga masasamang salita sa ilang katrabaho ko lalung-lalo na sa boss ko. At expected na na marami pa akong kwentong nakakainis tungkol sa kanila. Hehehe.

Today is International Labor Day. Hindi ako pumasok, pero mga subordinates ko ay pumasok. It's their choice naman eh. Nag-email na lang sila sa akin kanina sa mga katanungan nila tungkol sa trabaho. At least, hindi man ako pumasok, may interactive conference pa rin kami. Hehehe.

Speaking of Labor Day, kailan kaya tataas ang sahod? Hehehe. Kakarampot lang kasi yung annual increase namin. As in kakarampot. Hehehe...

Anyway, sa Saturday ang company outing namin sa Morong Bataan. First time kong sasama. Kahit kasi nung nasa dating kumpanya pa ako, hindi rin ako sumasama. Ngayon, parang gusto ko. Hehehe. Gusto kong sumali dun sa WAR Game nila. Sana sumali rin ang mga taong kinaiinisan ko, rambulan na ito! Hehehe...