As of 12 noon... (courtesy of PAGASA)
As of the moment, Signal # 3 pa rin dito sa Pampanga. Kanina pang madaling araw nagsimulang humagupit ang hangin at dalang ulan ng bagyong si Frank. Buti na lang at Sunday ngayon, walang pasok. Pero kahapon pa lang ay inabisuhan na kami sa opisina na kung sakaling mananatiling signal #2 pataas dito sa Pampanga ay h'wag na lang daw kami pumasok. We'll see...
Wala akong ginawa maghapon ngayon dito sa bahay kundi manood ng tv, mag-internet at magtext. Thank God sandali lang yung naranasan naming brownout.
Ka-text ko kanina si Lea, yung friend kong nurse na nakilala ko sa G-blogs. Year 2005 pa kami nagkakilala pero hanggang ngayon di pa kami nagkikita sa personal. Hehehe... There are times na muntik-muntikan na kaming magkita lalo na nung nagka-boyfriend sya dito sa Pampanga, na isa ring G-blogger noon. Hehehe. Pero hindi talaga nagkaroon ng chance na magkita kami. But honestly, I already treat Lea as a true friend, not just a cyberfriend or something like that. I don't know, but previously I didn't believe that it is possible that a person whom I didn't ever see would become one of my closest friends. Now I know...
Nai-kwento pala kanina ni Lea na pinagselosan pala ako ng ex-bf nyang yun. Hahaha. Tinawanan ko talaga. Schoolmate ko pa man din yung ex-bf nya. Hehehe... Anyway, naging kaibigan ko rin naman yun sa G-blogs din, at nagkakasundo naman kami nun...
Hindi ko lang lubos maisip na pinagselosan ako nun. Naalala ko tuloy nung nasa kabilang kumpanya pa ako, may naging friend din ako dun na may asawa at anak na. Naging close friend din kami, actually hindi lang naman siya yung naging close friend ko sa grupo na yun. I was surprised din nung inamin nya mismo sa akin na pinagselosan pala ako ng asawa nya na na-meet ko one time nung mag-ninong ako sa anak nila. Kumusta naman yun? Tinawanan ko rin yun deep inside. But still, I felt worried because she told me that sometimes yun ang pinagmumulan ng away nilang mag-asawa.
Wala naman akong magawa sa puntong iyon. Ang alam ko lang, hindi ako dapat maging guilty.
***
Hindi pa rin tumitila ang ulan hanggang ngayon. Mukhang wala nga kaming pasok bukas ah. Hehehe... Gusto ko yun! Gusto ko rin kasi munang magpahinga dahil sa sunud-sunod na trabaho sa opisina. Physically siguro hindi ako ganun napapagod. Pero recently, exhausted ako lagi mentally. Mukhang Busy-Birthday na naman ang magiging eksena ko nito. In a way, magkakaroon sana ako ng kakaibang birthday ngayong taon. Pero na-reschedule ang business trip namin ng mas maaga. And by the time na dumating ang kaarawan ko, everything will be normal na. Hayun, marami na ring nagpaparinig ng birthday blowout, as if close kami. Hahaha.. Ang sama ko naman.