Saturday, July 26, 2008

Japan Invasion [Part 3: Asakusa]

From Narita Airport sumakay kami ng tren papunta kung saan... Hindi kasi namin alam kung saan kami dadalhin ng boss naming Hapon. Hayun, bumaba kami sa Ueno station at una kong nasilayan ng husto ang Tokyo. Wow! Ang ayos tignan ng mga buildings, ang daan ay organize, at ang hangin walang usok considering nasa syudad kami. Sumakay kami ng Taxi na may radar. Hehehe. Lahat ng Taxi nila high-tech na, pati mga driver ang ayos ng uniporme.

Bumaba kami ng Asakusa. Ang daming tao. Nung una, hindi ko alam kung ano bang klaseng lugar iyon. Pero sa entrance palang, kinuhanan na kami ng litrato ni boss. Sa dami ng tao, hindi makakuha ng tyempo si boss. "Sumimasen! (Excuse me!)", pasigaw na sambit ni boss nung may humarang na matanda sa harapan namin habang kukunan sana nya kami. Hahaha. Hanggang sa kalye ba naman boss pa rin kung umasta si Sir. Hehehe...
Kuha ni Lolo ito. Hehehe

Then pumasok kami sa loob, marami talagang tao.


Eto ang ilan pa sa mga litrato namin sa Asakusa:

Dahil kalalapag lang, eto kami ngayon... kinakaladkad ang mga bagahe. Hehehe.. Kapagod ito!



Araw ng Linggo kaya siguro maraming tao... Sa likod namin ang Buddha Temple.

Sabi ni Lolo, magtapon daw kami ng barya then make a wish... Kakaiba ito. Ibang-iba sa mga napapanood ko sa TV. Hahaha



Sige, bago lumabas ng templo... magbigay pugay sa photographer. Hahaha



Fortune Teller daw ito... Hmmm... Good Fortune ang nabunot ko...



Oy Sir Ronnel, ulo mo ba ang parte ng katawan na kailangan daw i-cleanse? Hehehe

Wednesday, July 16, 2008

Japan Invasion [Part 2: Narita Airport]

Our plane (Japan Airlines) touched down onto to the land of the rising sun at exactly 2:26 PM (Japan Time). Isang oras advance sa Japan kumpara sa oras dito sa Pinas. Ang ganda ng runway ng Narita, na-excite talaga ako. Hehehe.. Tingin ako ng tingin sa bintana... Japan na ba talaga ito? In fairness, yung terrain, mga halaman... parang sa Pilipinas din. Pero kasi summer season ngayon sa Japan, so I wouldn't expect na makakakita ako ng cherry blossoms...
Narita Airpot Runway


At ang Narita Airport, ang ayos grabeh... kumbaga nagmukhang hampas-lupa yung NAIA natin. Hehehe... pero totoo talaga... ang gulo ng airport natin, parang bus terminal lang. Hehehehe.


Narita Airpot (Inside)

Then nag-linya kami sa mga foreigner section.. syempre foreigner kaming maituturing doon. Hehehe. Halo-halo kami sa pila, may Chinese, Vietnamese, Americans, Thai, Jamaican.. kung magtataka kayo kung bakit ko alam ang mga nationalities nila.. well, hula ko lang naman yun. Hahahaha...

Ang haba ng pila namin, pero in fairness, ang bilis ng proseso kasi may mga organizer talaga, mababait pa sila... sa NAIA ba ganun?

Then they took us pictures individually, then electronic finger prints... hi-tech! Hehehehe...

After that, kinuha na namin yung mga bagahe namin... mabilis din in fairness.

At dito nagsimula ang lakaran namin...

Sumakay kami ng tren papuntang Asakusa.. actually, hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng boss naming Hapon. Akala namin, diretso kami sa Fukushima. Kung ikukumpara ang layo ng Fukushima sa Tokyo, siguro parang Manila to La Union or Baguio yun... parang nakakapagod naman...

Pero hindi pala kami doon mapapagod. Bumaba kami ng Ueno station.. nag-taxi papunta sa Asakusa... ang ganda ng Taxi... may radar! Parang naka-GPS (glolbal positioning system) pa yata. Hi-tech! Nalito lang ako ng konti kasi right-hand driving sila. Pati yung daan baligtad.. imagine kung yung isang lane natin eh pa-Norte, yung sa kanila pa-Timog. Nakakalito! Hehehe...
(itutuloy...)

Friday, July 11, 2008

Japan Invasion [Part1: In fairness]

Ok.. it's time for me to tell my experiences during our short trip in Japan. Umpisahan natin last Sunday, July 6. In fairness, on time ang flight namin sa Japan Airlines Flight #746 at 9:25 AM. Pero bago yan, konting comment muna sa ating NAIA.. well pagpasok pa lang namin ng NAIA maingate, hayun ang haba na ng pila. Ihing-ihing pa man din ako sa mga oras na yon. Pero kailangan kong tiisin yun dahil malapit na kami sa security check (x-ray scanner) ng mga baggage namin. Pansin ko lang, mukhang mga kontrabida ang mga ibang nagtatrabaho sa NAIA... granting na ginagawa lang nila trabaho nila, pero basta, nakakaasar yung mga ibang empleyado dun. Then pagkatapos naming i-surrender ang mga baggage namin na hindi for hand-carried eh nagbayad na kami ng terminal fee... worth P750 each... just asking para saan kaya yon? Basta si lolo (Japanese EVP namin) ang nagbayad para sa amin. Here comes hubaran ng medyas, sapatos, belt... etc. Pambihira, medyo maluwang ang pantalon ko kaya mega-hawak ako sa pantalon ko para hindi ako ma-burlesk. Hahaha...
Thank God wala nang masyadong tanungan pang nangyari... wala naman kasi akong criminal records.
Then dahil maaga pa, pinakain muna kami ni lolo sa isang cafe. Ang mahal in fairness. As usual, si lolo naman ang nagbayad.
Then we bought some pasalubong para sa mga Hapon na empleyado ng mother company namin dun. Hayun, mga pastilyas, dried mango, and something like that ang mga pinamili namin sa kanila. Then proceed na kami sa Departure Area, isa na namang checking of passport at boarding pass ang nangyari... pero pansin ko lang, mga Pilipino lang ang chine-check... hmmmm... unfair si kuya! Mukha ba kaming mga suicide bombers???
Gate 14 kami... ang dami nang naghihintay, may bata, matanda, foreigner at mga feeling foreigner.. hehehe. In fairness, wala akong namataang grupo ng mga Japayuki. Hehehe.. Mahigpit na yata sa Japan with regards to foreign entertainer. 

Isang oras din kaming tumunganga dun at naghintay. Buti pa yung Gate 13 heading for Hongkong, umalis na... na-excite tuloy ako. Hehehe... So binasa ko na lang yung mga last minute text messages from some relatives and friends na nagpapaalam. Hehehe.. As if naman years ang stay ko sa Japan. Hahaha. (itutuloy...)


Saturday, July 05, 2008

I'll miss the Philippines! LOL!


Tomorrow is our flight to Japan. Hindi ko alam kung ready na ba itong mga dadalhin ko. Bahala na. Hehehe...

Mga alas-nuebe ng umaga ang lipad namin. First time ko nyan sumakay sa eroplano, kinakabahan ako. Hahaha.. Kung sa bagay, naranasan ko nang sumakay sa barko everytime we go to Mindoro, pero hindi nga lang sa M/V Princess of Stars...

Nagpa-activate na rin ako ng Roaming sa Globe, ewan ko lang kung gagana sa Japan ito. Hehehe. Pero kung hindi gagana, ok lang, at least hindi ako makaka-receive ng mga habilin, pasalubong kuno, token, t-shirt, hello kitty, at kung anu-ano pang hiling ng mga taong feeling nila eh ang dami kong kwarta. Well, sorry guys... hehehe...

Natawa rin ako sa ilang officemate at kabarkada ko, meron na daw akong ipo-post sa friendster ko. Hahaha.. ano ba yun? Yun pala ang purpose ko sa pagpunta sa Japan, para may mai-post ako sa Friendster na mga photo while in Japan. May point sila... hehehe..

Kinakabahan nga pala ako sa report presentation ko. Baka hindi maintindihan ng mga Hapon lalo na English ang report. Bahala sila.

Isa pa, wala akong masyadong alam sa kultura ng Hapon, hindi ako sanay kumain ng pagkain nila, hindi ako marunong mag-chopstick, hindi ako marunong magsalita ng Niponggo. Ang alam ko, inapi nila ang ating mga lolo at lola nung 1940s. Hehehe... Pinasabog nila ang Pearl Harbor, kaya hayan tuloy gumanti ang Amerika at binomba nila ang Nagasaki at Horoshima.

Basta lahat, bahala na!
 

Thursday, July 03, 2008

Impake

Tinatamad ako, o baka wala lang akong oras. OT kasi ako lagi sa trabaho ngayon, tinatapos lahat ng mga reports.

Sabi ko na nga ba eh, magiging busy ang kaarawan ko. Mas excited pa nga ang mga officemates ko sa birthday ko kaysa sa akin eh. Kung alam lang nila, wala akong budget. Hahahaha...

For the past few days, ni-rereview namin yung report namin sa Joint Quality Meeting na gaganapin sa Japan next week. Tomorrow is our final review. Medyo na-okray yung report ko nung EVP namin, pero ok lang. Hindi naman siya ganun nagalit unlike sa mga ibang Engineers. Hehehe. Understandable na siguro yun dahil yung ire-report ko eh yung Customer Claim Status ng kumpanya, eh hindi ko naman talaga hawak yung section na yun. Ewan ko nga ba kung bakit sinasama ako sa mga pupunta dun. Pero ok na rin, at least makakatuntong na ako sa Japan. Hahaha...

Hindi naman ako ganun ka-excited. As I've said, hindi pa ako nakakapag-impake para sa Sunday Flight namin. As in wala lang. Mahilig talaga ako sa rush...

Isa pa, ilang araw lang naman kami dun. Kumbaga, short business trip lang. Kasama ko dalawang Hapon-- dalawang Vice President ng kumpanya. Bukod sa kanila, may kasama pa akong 2 Pinoy. Magiging behaved siguro kami dahil nga medyo istrikto itong EVP namin.

Isa pang inaalala ko, yung mga kakainin namin dun. I really am not a fan of Japanese food. Tuwing kumakain kami sa Tokyo Tokyo (fast food) o kaya sa Karate Kid (isa ring fast food), yung mga lutong pagkain ang ino-order ko. I tried eating sushi once, pero hindi ko talaga masikmura, considering hindi naman authentic Japanese food ang mga nandun. Ang lansa! Good luck na lang sa akin.

Siguro excited lang ako ng konti dahil sa Disneyland Tokyo. Sana matuloy kami dun, pero loaded ang schedule namin pagdating namin dun. (Crossed fingers...)

Omiboshi! Omiyage! Sorry friends, wala akong pera. Hahahaha...