Sunday, August 31, 2008

Japan Invasion [Part 7: Fukushima is a very peaceful place!]

Ito ang iba't-ibang mukha ng Fukushima...

Malinis ang mga kalye... walang polusyon. Probinsya ang lugar pero mukhang Makati. Hehehe...


Alas-sais na ng umaga.. Nagsisimula nang magsilabasan ang mga tao...


Hindi kami mawawala dahil may mga mapa na nakakalat sa mga kalye.. pero hindi namin maintindihan dahil Nihonggo ang nakasulat... Hahaha


Maghahating-gabi na... wala naman sigurong holdaper sa kalye... Hehehe


Kung may oras sa trabaho... may oras pa rin naman sa happy-happy!

Sa loob ng kumpanya... malapit sa smoking area...

Sa labas ng planta, habang naghihintay ng taxi... wala kasing tricycle dito eh..


For sale ang mga ito.. discounted daw. Parang laruan lang.


Japanese house... baka nandyan sa loob sina Alexis, Annie at si Sadako. Hahaha



Fukushima Central Train (Japan Railway) Station

Sa labas ng hotel... habang naghihintay ng bus.


Nagsisimula ng dumagsa ang mga estudyante na kay-iikli ng palda. Conservative sila, in fairness.


Abukumagawa River. 6th longest river in Japan.


Kay ikli na nga ng palda, nakukuha pa nilang mag-bisikleta.

Monday, August 25, 2008

Japan Invasion [Part 6: Videoke time sa Fukushima!]

Ang mga Hapon, tulad natin, mahilig din sa videoke. It is even debatable right now kung sino ang unang nag-imbento ng karaoke or videoke, Pinoy ba o Hapon. Anyway, nung nasa Japan ako, syempre hindi namin pinalagpas ang mag-videoke lalo na't mga Hapon ang kasama namin.

Hindi ko makakalimutan ang videoke time na iyon. Nagwala ng husto ang mga kasama naming Hapon. Hehehe. As in tinodo nila ang singing performance nila. Hindi namin akalain na ganun pala sila... seryoso sa trabaho pero after that, mga kenkoy din pala.

Si Nemoto na bilugan ang mukha, hindi yata pagkanta ang ginawa nya, kundi pagsigaw! Sana lang eh naiintindihan nya ang kinakanta nyang Avril Lavigne. Hahaha.

Palibhasa eh mga lasing na sila, hayun to the max talaga ang pagwawala nila. Hehehe.

Syempre, hindi ako nakaligtas sa sing-along na ito. Kahit wala akong maisip na kantahin noon bukod pa sa ang hirap i-search sa songbook ang mga kanta dahil hindi yata alphabetize ang pagkakaayos (hehehe)... pinakanta ba naman sa akin yung "We Are The World" na kinanta ng various artists for African Children.. hehehe...
Feel na feel ni Yasuda. Hehehe



First time kong kinanta yon. Hahaha.. Buti na lang at medyo alam ko naman ng konti ang tono nun.

Si Ms. Emma naman, kinanta ang Bohemian Rhapsody ng Queen... tuwang-tuwa ang mga Hapon. Hahaha...

Si Sir Ronnel, kinanta ang Like A Virgin ni Madonna.. Hahaha.

In fairness, combination ng English at Japanese ang song na kinanta nung gabi iyon. Isa sa mga kinanta ng mga kenkoy na Hapon na ito ay yung One Sweet Day ni Mariah and Boyz II Men, at ang Sweet Memories ni Seiko Matsuda.

Isa sa mga nag-hit daw na Love Song sa Japan ay itong Sweet Memories na ito (background music ko ngayon dito)... pakinggan nyo.. maganda naman in fairness. Hahaha.

After that videoke night... hayan kami sa kalye... hehe..


Buti na lang hindi humiga sa kalye itong si Kaneyasu... balita kasi na talagang nagwawala ito sa daan. Hehehe..



si Higuchi yung kalbong Hapon...


Hayan na, medyo nagiging manyakis itong si Kaneyasu kapag nalalasing. Hehehe.




Tuesday, August 19, 2008

Japan Invasion [Part 5: Hotel Mets, Fukushima]

Ginabi kami sa kakalibot sa Tokyo. Nakasakay na kami ng Japan Railway at about 8 in the evening. Hindi ko alam kung eto na ba yung sinasabi nilang bullet train, pero sabi kasi ng officemate ko semi-bullet train lang iyon na may dalawang palapag. But in fairness mabilis na yung humigit-kumulang dalawang oras para sa 250-kilometer travel. Parang nagbiyahe kami ng Manila to La Union or Baguio. Hindi na kami nakapag-dinner dahil nga gahol kami sa oras. Ang huling kain namin ay sa Mcdo sa Asakusa, mga 5PM yun. Pagdating namin ng alas-diyes ng gabi sa Fukushima, tahimik na ang syudad. Pero may ilan-ilan pang bukas na store. And guess where kami kumain? Sa Mcdo ulit! Hahaha. Si lolo talaga, binubusog kami sa Mcdo. Hehehe. Pero no choice nga naman kasi yun na lang ang pinakamalapit sa Hotel.

So, eto ang room number ko. Hehehe.

Sa seventh floor ang kwarto ko, picture kaagad from the window!


Hindi pa man nakakapaligo, picture kaagad!

Masubukan nga itong bath tub na ito.


Hotel Mets. Affordable daw dito sabi ng boss ko. Ewan, hindi naman kami yung nagbayad. Hehehe

Biruin mo na ang lasing, h'wag lang ang bagong gising... lalo na kung naho-homesick! Hehehe

Eto ang tinitignan kong view habang naho-homesick.


Ang news sa tv, isang oras ang weather report... wala bang pulis report dyan tulad ng mga nagsaksakan sa kanto, nagsuntukan sa presinto, natiklong holdaper?


Galawin ko nang lahat, h'wag lang ang laman ng ref. Hehehe


Bakit walang trapik?


Presinto ng pulis nila 'yan...

Sunday, August 03, 2008

Japan Invasion [Part 4: Ueno, Shibuya, Ginza, Akihabara, Tokyo Proper]

After Asakusa, nilibot kami ni boss, again sa kung saan-saan. Hehehe... Nakailang beses yata kaming sumakay ng tren at taxi, di ko na mabilang. At syempre mabilisan ang mga nangyari. Hehehe...
Kapag nakalagay sa ticket mo na 11:44 darating ang tren mo, hindi pa yan yun dahil 11:38 pa lang... or something like that. Hehehe..



Teka, nagugutom na kami... saan pa? Eh di sa Mcdo! Triple ang presyo ng value meals nila sa Japan...



Hala, lakad pa! Don't forget the traffic light bago tumawid... wala tayo sa Pilipinas. Hehehe..



Ito ang Ginza, ang isa sa mga pinaka-sosyal na lugar sa Tokyo. Sunday ito kaya pwedeng dumaan ang mga tao sa avenue. Ewan ko kay boss bakit kami dinala dito, wala naman kaming pera. Hahaha.. At pumasok pa talaga kami sa mga stores like Prada, Tiffany and Co., Gucci, etc.. ano yon, hanggang tingin na lang? Hehehe.. Anyway, di naman ako masyadong naakit dito dahil di naman ako materialistic. Hahaha...


At ang kapatid ni Eiffel... wow talaga ito... Kaya lang di na kami nakalapit pa rito kasi kulang na kami sa oras. Sayang, di man lang ako nakasakay sa elevator papuntang tuktok nyan... Hanggang tanaw na lang kami... Hehehe. Nakakalula rin sa laki itong Tokyo Tower na ito!



Then proceed kami sa Nippon Sheet Glass (NSG) Head Office. Ito kasi yung mother company ng ng company namin. Bukod pa ito sa pupunatahan naming planta sa Fukushima, mga 250 kms away from Tokyo. Hinintay pa talaga kami ng Taxi na sinakyan namin papunta dito... para sakyan ulit paalis.



Diretso kami rito sa Akihabara. Ang lugar na ito ay kilala sa mga tinadahan ng mga electronic gadgets, cellphones, computers, etc. At bakit kami dinala ng boss namin dito? Dahil pinakita nya sa amin kung saan napupunta ang ilang LCD na mina-manufacture ng company namin. Wala lang, pa-impress siya. Hehehe.. Dito lang ako nakakita ng mga cellphones na nasa labas ng tindahan at nakalagay lang sa mga tuntungan (parang bangketa) at hindi masyadong binabantayan. Kung sa Pilipinas lang yan, dekwat na lahat yun! Hehehe...


Napagod talaga kami ng husto sa paglilibot sa Tokyo. Pero ok lang. Isa nga sa mga pinagsisihan ko ay yung hindi masyadong pagkuha ng litrato sa mga tanawin na magaganda. Kulang talaga kasi kami sa oras at mabilisan ang lakad ni lolo. Maayos ang syudad ng Tokyo. May mga uwak pa nga na aaligid-aligid at sumasampa sa mga poste at traffic lights. It only means that even if the place is so modern, may mga puwang pa rin ang nature. Malinis, walang usok, tunay na clean and green talaga. Ang mga walls, roads, flyovers, hindi nangingitim unlike sa Manila. Wala talagang polusyon. Kailan kaya magiging ganun ang lugar natin?