Pero madalas ngayon na mahilo ako habang umuuwi ako galing trabaho. Sobrang stressful kasi ang nararamdaman ko ngayon.
O di kaya, masyado ko lang dini-dibdib ang isang buong araw na nangyayari sa akin sa opisina.
Hindi na kasi maiwasan na mainis ako lalo na sa mga superior ko.
Sumasakit ang ulo sa kanila!
Isa sa mga kinatatakutan ko ngayon ay yung sa kadalasan na nararamdaman ko ito, dumating sa puntong baka kahit kaunting bagay lang eh napapainit na ang ulo ko.
Or worst, out of nothing at all, paggising ko sa umaga, maiinis nalang ako na walang dahilan.
***
Every morning na lang sa opisina, pagpatak ng alas-nuebe, isang pamatay na oras ang ginagawa namin. Again, kautusan ito ng mga boss ko na ewan ko kung ano ang mga nasa utak nila.
Pero kung mag-demand naman ng mga reports at kung anu-anong requirements, feeling nila kami si superman at matatapos kaagad ang mga iyon.
Morning Meeting ang tawag nila sa isang oras na sayang na sayang talaga para sa akin. Siguro sa iba eh mahalaga ang meeting na iyon.
Pero syempre, may kanya-kanya kaming responsibilidad at nagkataon na hindi talaga akma na lagi akong um-attend dun. Eh itong boss kong poknat eh lagi akong nire-require na dumalo sa meeting na iyon araw-araw.
At sa araw-araw na iyon, ni-rerequire din nya akong mag-report tungkol sa ilang Quality issues na dumarating. Yep, I got his point, pero hindi talaga intended ang meeting na iyon sa Quality Assurance Department. I mean, sa isang oras na iyon, siguro mga limang minuto lang ang inilalaan sa QA, at iyon ay kung may Quality-related issues nga.
Hindi ko talaga maintindihan itong si Poknat. Parang wala sa katinuan minsan.
Sa mga reporting pa lang, dedbol na.
Ang pinapakita nya kasing ugali sa amin ay yung mabilisang paggawa ng report kaya hayun, nagsa-suffer ang content ng report.
Minsan nabo-bokya kami sa ibang departamento kapag nagpi-present kami ng report, kasi hindi chine-check ni Poknat at ni Poly (codenames ng mga boss ko).
Ok lang na mag-utos sila ng mag-utos, pero sana maayos sila mag-utos, yung may direksyon.
Ang nangyayari kasi eh sabog-sabog ang mga kautusan nila. Minsan tuloy, kapag binababa na namin sa mga subordinates ang mga direktiba nila, eh nagiging sabog-sabog din kami.
Isa pang kinaiinisan ko kay Poknat ay yung ugali nya na kung sino lang ang masalubong nya sa hallway o kahit saan, yun ang uutusan nya ng kung anu-ano na hindi naman related sa mga tasks namin. Madalas akong mabiktima nito. Bwiset.
Tapos, yung mga meeting nya sa amin na nakakayamot talaga. Isa na namang pamatay oras.
Ang daming nasasayang na oras dahil sa mga meeting na iyan. Kaya nga ngayong bagong buwan na naman (October), diskarte na namin kung papaano maa-accomplish ang mga monthly reports namin sa kabila ng mga meeting na walang kwenta.
***
Isa lang ang mga boss ko na nagpapainis sa akin. Wala pa dyan ang sama ng loob ko sa ibang tao na nakakasalamuha ko araw-araw sa opisina.
Hindi naman sa nagtatanim ako ng galit sa kanila. Minsan may mga nakakapikon lang silang ginagawa.
Tulad ng mga ilang subordinates na feeling nila eh inaabuso na sila sa trabaho samantalang may mga petiks moments din naman sila. As if nagkakaugaga sila sa pagtatrabaho, hindi naman.
***
Buti na lang at wala kaming pasok bukas. Walang masyadong bwiset bukas. Hahaha...
Isa lang ang mga boss ko na nagpapainis sa akin. Wala pa dyan ang sama ng loob ko sa ibang tao na nakakasalamuha ko araw-araw sa opisina.
Hindi naman sa nagtatanim ako ng galit sa kanila. Minsan may mga nakakapikon lang silang ginagawa.
Tulad ng mga ilang subordinates na feeling nila eh inaabuso na sila sa trabaho samantalang may mga petiks moments din naman sila. As if nagkakaugaga sila sa pagtatrabaho, hindi naman.
***
Buti na lang at wala kaming pasok bukas. Walang masyadong bwiset bukas. Hahaha...