Friday, October 31, 2008

Happy Halloween!

Hindi dineklara ni Gloria na holiday ngayon. Pero wala kaming pasok. Naka-schedule na kasi sa Production namin na walang pasok ng October 31, whether or not ideklera ng gobyerno na holiday ang araw na ito.



Ngayong bisperas ng undas, wala akong inatupag kundi ang matulog at makipag-chat sa mga ilang kaibigan ko na nataon na on-line din sa YM. Ayun, kumustahan at chikahan to the max ang eksena kanina. Hehehe...

This weekend, wala akong naka-schedule na gimikan o lakwatsa. Pahinga muna siguro while spending my time with my family. Tomorrow, as usual, punta kami ng sementeryo to visit my grandmother (died: 2007) and my grandfather (died: 2002).

Last night, ala-una na ako nakauwi dahil nagyaya yung isa kong co-worker na mag-inuman. Hehehe.. despedida nya dahil magre-resign na. Mawawalan na naman kami ng isang joker na kasama...

Last week naman, we watched the movie "Mirrors" with my college friends. Wala lang, parang hindi man ako natakot sa movie. Hehehe... Nag-enjoy lang ako sa kinainan namin last week, sa isang Korean Resto... though hindi ko naman talaga feel ang kumain ng kimchi at san-gibsal. For experience lang. Hehehe..

Wednesday, October 29, 2008

Am I using my brain?

I feel like I am still in a cleft stick.

My motivation to stay in the company where I am currently working at is dwindling, yet I don't have any clear plan as to where and when will I relinquish.

Thinking of proper timing is perhaps impeding me to make decisions right now. Most of the time, being impulsive leads us to "no good" result (or with this thought, am I just playing too safe?).

Honestly, i find myself to be a no risk-taker. I admit I am still afraid to stay away from my comfort zone. I know I can be independent, however there's this feeling that I should wait for something better to happen. I don't know exactly what it is but despite the insufficient remunerations I am receiving right now while establishing a career (if this is really a career) here in our hometown, the idea of staying here in Pampanga is still under consideration.

My co-engineer in the office, who is currently just in her 5th month stay in the company, is now filing a resignation letter. I don't really know what are her personal reasons but I am pretty much sure that she has several bad impressions about the company per se --the system, the work environment and most especially the people and bosses. At any rate, I just wish her good luck and hopefully she would find what really in store for her.

What about me? I don't know either. What is clear to me right now is the fact that I should wait for the Christmas season to receive my 13th month pay and hopefully Christmas Bonus, before i will make a move. Hahaha... talking about something better to happen. LOL!

***

May naboljak na namang isang engineer kanina. Inokray-okray ng boss naming Hapon yung report nya. May pasaring pa yung Hapon na "Use your brain!". Naku, ang chaket nun!

Napaisip tuloy ako, am I using my brain? Kasi kung talagang ginagamit ko ang utak ko, baka matagal na akong wala sa kumpanyang iyon! Hehehe. Joke lang. Baka kasi may makabasa na naman ng blog kong ito na nagtatrabaho rin sa kumpanyang iyon at baka isumbong pa nya ako. Hinid ko pa pala naikwento rito na ang dahilan kung bakit "PRIVATE" na forever ang Friendster account ko ay dahil may nagchismis sa Hapon naming boss na nagpost daw ako ng Tokyo Disneyland Pictures namin. Wala namang masama dun, pero iba kasi ang naging dating ng kwento... at ayoko nang ikwento dito iyon dahil isang malaking kababawan lang ang nangyari. Kaya nga paminsan-minsan, pina-private ko rin itong blog kong ito, pinagbibigyan ko lang ang ilang secret fans and readers ko kaya minsan binabalik ko rin sa pagka-PUBLIC. Hahaha.




Monday, October 20, 2008

Natisod... Natapilok!

Isang buong magdamag ako kahapon nasa lakwatsa. Una, binyag ng 1st baby ng kaibigan naming sina Berns and Marjon, si baby Klhoe. Ninong ako. Hehehe...

Then sumaglit kami sa bahay nung isa naming nakasama sa College Publication, binyag din kasi ng anak nya, ninong naman dun si Glenn.

Chibugan ang araw kahapon. Hehehe.. buti na lang, hindi ako nag-LBM or constipation.


After kasi ng double-binyagan kahapon, nanood pa kami ng sine.. Eagle Eye ang pinanood namin kasama ko sina Glenn, Elmer at Joan. Maganda naman ang movie, at least hindi ako inantok kahit na busog at nakainom ng kaunti.


After that, coffee time naman.. syempre sa Meeting Place kami, sa Beatico.

Sad to say, hindi matutuloy ang Ilocos Trip namin na supposedly next week. Go na go pa man din ako. Hehehe.. Marami kasing "drawing" sa amin eh. Hehehe...

Pero in a way, maganda na rin na hindi muna itutuloy ang trip namin since nag-email sa akin yung highschool classmate ko na si Crissa. Uuwi daw siya next week at gusto nyang makipagkita sa amin. Isang linggo lang kasi siyang mag-iistay dito then go back na sa Singapore.

Malamang eh sa December na yang Ilocos trip namin, sana man lang totoo na ito, hindi na "drawing."

***

Ilang araw na akong nawiwili sa "Clumsy" song na tagalog version. Kinanta ito ni Ms. Ganda na ewan ko kung talagang maganda ba siya. Hehehe... Natatawa lang kasi ako sa ka-kornihan ng pagkaka-translate na may pinamagatang "Lampa". Hahahaha...

Kahapon nga, panay sambit namin sa kantang iyon lalo na yung chorus.. "Ako'y natisod, natapilok, natisod, natapilok.. hindi maingat sa pagmamahal."

Ang original nun goes a little something like this... "you got me trippin', stumbling, slippin', flippin'.. clumsy coz I'm falling in love.." Hehehe..

Recently, naisulat ko yata dito sa blog ko or sa friendster yata na narindi ako sa kantang iyan nung Summer Outing namin sa Morong, kasi ba naman buong magdamag yatang pinapatugtog yan with remix pa ng "Low". Hehehe..

Then last year Christmas Party namin (Departmental), sinayaw yan as intermission number, hindi ko rin naging type kasi hindi ko feel yung isa sa mga sumasayaw. Hahaha...

From then on, hindi ko talaga nagustuhan yang kanta ni Fergie... until narinig ko itong Tagalog version... hahaha. Meaning, corny din ako? Hahaha... I admit it!

Naaliw lang kasi kami kahapon sa kantang iyan, sa sobrang corny hindi ko namamalayan, lagi ng hinahanap ng pandinig ko yan. Hehehe..


Pampapawi lang naman ng init ng ulo especially sa work. Here I go again...

Ciao na nga, baka saan pa mapunta ang usapan. Good night! :-)

Saturday, October 11, 2008

"You're such a loser!"

Whatever! Hehehe...

"Ang mga umaayaw, hindi nagwawagi. Ang mga nagwawagi, hindi umaayaw."

Pareho lang ba 'yun? Hehehe... Kagabi ko pa pinakaiisip 'yang salawikain na 'yan na nabasa ko sa isang Tagalog website. Anyway, whatever!

Basta ang alam ko, hindi naman all the time eh quitters are losers.

Marami pa ring factors na kailangang i-consider before we make decisions. Kung ano man ang ating desisyon sa buhay, panindigan na lang natin.


***

Bukas, fiesta sa Angeles. Kilala ang fiesta na ito bilang Fiestang Kuliat. Iyon kasi yung dating pangalan ng siyudad Angeles, dati ay barrio palang ito ng San Fernando.

At dahil fiesta bukas, invited kami sa bahay nina Elmer. As usual, taun-taon kasi kaming iniimbitahan ng kaibigan naming ito. Nagiging mini-reunion na rin namin ng mga college friends and classmates ang fiesta ng Angeles. Ewan ko lang bukas kung makakarating pa ang ilan.

Habang tumatagal kasi, nagiging abala na ang isa't-isa sa kani-kaniyang buhay. Ang ilan ay nakapag-asawa na, yung iba nga may anak na.

Ako, siguro matagal pa yun. Hehehe...

***

Nakaraos din sa wakas ang presentation namin para sa Quality Meeting for this month. Salamat at walang masyadong tanong ang mga Hapon sa report namin kanina na ako ang nag-present.

Pero right after ng Quality meeting namin eh nagtawag ng meeting itong si boss namin tungkol sa proposal nyang Organizational Chart change.

Ang kinatatakutan ko ay nagkatotoo. Pambihira, gagawin ng permanente ang paghawak ko sa Customer Complaint section. Inalis lang sa akin yung isang section na Reliability, buti naman at naawa sila sa akin.

Mahirap talaga minsan kung nagpapakitang-gilas ka sa mga boss mo. Sasairin ka talaga. May pa-effect pa silang "Hindi naman ibibigay sa inyo ang responsibilidad kung alam naming hindi ninyo kaya."

Ako naman, hindi ko naman talaga ugaling magpakitang-gilas sa kahit kanino man. Ang sa akin lang, once they give me certain task, I just do my best to accomplish that task. Eh ang nangyayari kasi sa amin, talagang sinasagad kami.

Minsan, nag-uusap kami ni Mylene, yung officemate ko. Pinag-uusapan namin na parang nagiging unfair na sa departamento namin. Meron kasing iilan dyan na "sitting pretty" lang ang inaatupag sa halos buong magdamag sa trabaho.

Ang pinagtatakhan ko lang, may ilan din na feeling ang dami-dami nilang ginagawa at nakukuha pang mag-OT pero parang hindi naman totoo. Masama na kung masama, pero yun ang nakikita ko sa kanila.

***

Nag-text ang boss ko ngayong gabi lang. Sabi sa text nya... "Mr. Shibayama [our EVP] appreciated your presentation, very easy to understand according to him. He will expect more improvement plan from you especially for the model 3556P."
Ano ito? Joke? Hahahaha... Whatever!



Monday, October 06, 2008

October Fest nga ba? Bwiset!

Wala kaming report kanina sa Leakage meeting kaya naboljak kami ni Poknat. Wala kasing Customer Claim for last week. So puro graphical trend lang ang naipakita namin kanina.

So bakit siya nagagalit kung wala talagang i-rereport dahil walang customer complaint?

Sasagutin ko ang tanong ko (hehehe)... Kasi raw, kung walang customer claim kailangan daw naming ireport yung mga update and status sa mga nakaraang customer claim cases.

Ok, I got his point. Pero sana man lang eh kinonsider nya na last week, ang daming request ng mga sakang sa Japan at nanghihingi ng kung anu-anong data. Isa pa, dahil end of the month last week, syempre maraming requirements ang ina-accomplish namin ngayon.

Eh bakit hindi nya alam ang mga ito?

Ewan ko sa kanya. O baka naman talagang binibigyan kami ng hard time ng poknat na ito?

Siguro. Ang nakakainis kasi, siya ang superior namin, he should know.

Nangagatwiran ako kanina pero hindi ko na itinuloy pa dahil hahaba lang ang usapan.

Sabi ko kasi, hindi kami nakagawa ng report dahil sa bukod sa wala talagang customer claim sa linggong iyon, eh puro data gathering nga ang inatupag namin noon.

Sabi ba naman nya, "it's not a valid reason!"

Bwiset siya. Kung hindi lang siya supervisor, baka pinatulan ko na siya.

Dagdag pa nya, "hindi rason na busy tayo kaya wala tayong report. Hindi tatanggapin ng Top Management iyan."

Bwiset talaga siya.

Eh isa nga siya sa mga utusero kaya nga hindi namin nagagawa yung mga hinayupak na report na 'yan.

After nya akong pahiyain sa meeting room na iyon at isinama pa ang ibang engineers para lang pagsabihan ako in front of them, hindi na talaga maipinta ang pagmumukha ko.

Kinausap ko agad yung member ko na si Penny para sabihing "Kapag may inuutos sa inyo lalo na si Poknat, sabihin nyo na kailangang unahin yang hinayupak na mga report na yan, hindi kayo pwedeng istorbuhin."

Tignan lang natin.

At isa pa, may Quality Meeting sa Saturday, kailangan din namin ng report dun at iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nabigyan ng atensyon yang Leakage Meeting na iyan. And besides, nung Friday lang nila sinabi na may Leakage Meeting today. Bwiset!

Hindi naman halatang bitter ako dito. Hehehe...

Wala lang, inilalabas ko lang ang hinanakit ko na hanggang sa pag-uwi ay dala-dala ko.

Nawalan nga ako ng gana sa dinner kanina eh.

Bwiset.

So hayan, nakailang "bwiset" na ba ako dito sa blog ko?

Iniisip ko na lang na October Fest na... na malapit na ang Pasko... na early next year ay tsutsugi na ako sa kumpanyang ito na feeling ko ay inaabuso na ako.

Let's see...

Good night. Tomorrow is another nightmare!