Wednesday, December 31, 2008

Bagong Taon ay magbagong buhay...

Higit isang oras na lang at 2009 na.

This time, hindi ko type maglista ng mga new year's resolution ko.

Nakaka-frustrate lang kasi kapag hindi natutupad.

Siguro, wala lang ako sa mood gumawa ng reso.

Baka bukas, unang araw ng taon, baka maisipan ko pang gumawa at nang maihabol ko pa. Hehehe..

***

Kanina, galing ako sa bahay ng elementary classmate ko na si Kristine. Nandun din yung iba na si Ricky at Sharon. Ayun, kumustahan to the max kasi matagal-tagal ko na rin silang hindi nakakasama. Ang sarap balikan ng mga memories, nag-enjoy ako sa kwentuhan namin tungkol sa mga katatawanan nung elementary. Siguro in the next week mapapadalas ang pagkikita namin since sa February, lipad ulit si Kristine for Australia.

***

Mixed emotions ako ngayon. Masaya, malungkot, worried, excited, bothered.

Masaya kasi holiday season pa ngayon, masaya sa labas, nagkakaputukan na, sing-along, party!

Malungkot kasi pinakatay yung aso naming isa. Hehehe.. Kasi ba naman, kinagat nya sa ulo yung isa pa naming tuta na si Rigor, duguan kanina. Buti na lang at parang tumatalab yung mga first aid at gamot na pinainom namin kanina. Kaya hayun, nagalit ang mga tao dito sa bahay, pinamigay yung aso sa kabilang baranggay, pinakatay na yata. Uso pa rin pala ang kumakain ng aso dito. Hehehe.. Kasalanan din kasi nung asong iyon eh (Bodie ang pangalan)... dalawang pusa na ang pinatay nya at yung isang aso naming si Snowy, may contribution din siya sa pagkamatay nun. Pero kahit papaano, inalagaan pa rin namin si Bodie. It just so happened na napuno na kami dito sa bahay at hindi na namin hihintayin pa na makaperwisyo pa sya sa susunod. Last day of 2008... biglaan, last day na rin pala nya!

Worried. Pambihira... what's in store for me this 2009???!!!

Excited. Paikot-ikot lang naman ang buhay... yung mga masasayang okasyon nung nakaraang taon-- with familyand friends, sana higitan ang saya sa darating na taon.

Bothered. Pucha, ang daming naiwang trabaho. Back to work sa January 5. Back to normal!

***

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, may stiffed neck.

Well, ika nga sa kasabihan... "Those who cannot remember the past are condemned to repeat it."

Marami rin naman akong "ups and downs" sa taong 2008. Siguro normal lang yun sa isang tao.

What is more important now is that I have survived.. and I have to continue surviving!

***

H
A P P Y N E W Y E A R !!!








Year End Gimik... what's new?

Rizal Day lang ang pahinga ko... Hehehe... Mamayang hapon, may pahabol na lakwatsa na naman ako. Hmmm... medyo tame naman ngayon kasi nag-invite lang yung Elementary Classmate ko sa house nila. And to think, New Year's Eve ngayon, I should go home early. Hehehe...

December 23, Christmas Party ng Production 1 Department. Biglaan, naging emcee ang lolo nyo (ako). Hahaha...

December 24, kahit bisperas ng Pasko, nasa mall kami nila Joan, Glenn and Elmer. Wala lang, early noche buena kami sa isang resto sa SM Clark. Hehehe.. then last minute shopping na rin sa mga inaanak. Buti na nga lang at nakapagpalit pa kami ng mga bagong bills na tig-bebeinte at singkwenta dahil nagtatrabaho sa bangko yung ate ni Elmer. Hehehe...

December 25, Christmas Day. Wala lang, sa bahay lang ako.. pero nagsidatingan ang mga pinsan, tita at pamangkin ko sa bahay. Kainan at kwentuhan to the max... buti na lang hindi naman ako na-impacho. Hehehe...

December 26, back to work. Marami-rami ring naiwang trabaho. Humahabol sa New Year ang mga customer complaint. Mga bwiset. Sasalubungin ko ang 2009 with lots of Customer Claim. Ang saya!

December 27, Company Christmas Party. May pasok kami sa umaga, then sa hapon ang Party hanggang gabi. As usual, wala na naman akong napanalunan na raffle prizes. What's new? Hindi rin bago ang usap-usapan na luto at may daya ang raffle draw. Ano ba yan, ang cheap-cheap naman nila. Hahaha... What's new? Then after the Party, inuman na naman with my co-department. Sa isang Grill kami sa Mabalacat hanggang alas-dos ng umaga. Hehehe

December 28, may meeting na naman kami ng mga college friends ko. Aba, dumating si Dhez, ang ever "drawing" sa barkada namin. Hehehe... We just ate sa bagong resto sa SM Clark... Classic Savory. In fairness, masarap yung lomi nila... hehehe... Then, kape-kape sa Beatico... what's new?

December 29, ito ang matindi... hanggang alas-kwatro ang inuman namin. Hahaha.. Dumating kasi from Dubai yung isang naging katrabaho namin sa dating kumpanya where I worked. Ayun, treat nya lahat at pamasahe lang ang nagastos ko. Hehe... We ate at Gerry's Grill then inuman to the max sa Bruno and Diego... Matagal-tagal ko na rin kasing hindi nakakasama ang mga iyon, mga 2 years na. Kinumusta ko naman ang dati kong kumpanya, ayun Global Crisis daw... what's new?

Mamaya (December 31).. punta ako kina Kristine, may elementary classmate na pa-Austre-Australia na lang. Hahaha...


What's New? Ah basta ang alam ko, dapat maging masaya ngayong sasalubungin natin ang 2009!!! Happy New Year!

Wednesday, December 24, 2008

Di ba Noche Buena sa gabing ito?


Hindi man masigla ang gabi nyo...
Hindi man masaya ang lahat...
Hindi man magluto ang ate mo ng manok na tinola...
Wala mang litsunan sa bahay ni kuya
Hindi man bawat tahanan ay may handang iba't-iba...

Hindi ko pa rin pipigilan ang sarili ko na bumati sa inyo ng isang...

MALIGAYANG PASKO!!!




Monday, December 22, 2008

Gifts for keeps...

Wala naman akong hinihiling na materyal na bagay this Christmas. Hindi kapalstikan ito, promise. Siguro, dahil masyadong busy sa trabaho, hindi na ako nakakaisip ng kung anu-anong materyal na bagay na makapagbibigay ng panandaliang saya sa akin. (Ang lalim, huh?)

Ang mahalaga sa akin ngayong kapaskuhan ay makasama at makapiling ang pamilya, mga kamag-anak, kaibigan at ilang malalapit sa akin. Corny na kung corny, pero yun talaga ang nararamdaman ko.

Fortunately, masaya naman ako dahil natutupad naman kahit papaano ang hiling ko. Ang plano kong mag-dinner out with my subordinates ay natuloy. Ang regular na pagkikita namin ng mga kaibigan ko ay hindi nauudlot. At ang pamilya ko this Christmas ay kumpleto.

Calibration/Reliability/Customer Claim Group


Kumbaga sa kanta ni Mariah/My Chemical Romance, "All I want for Christmas is... to be with them" naman ang sa akin.

***

Financial Global Crisis. Mga dalawang buwan na ring usap-usapan ang issue na yan. Sa ilang kumpanya, ramdam na raw nila ang epekto nyan.

Sa amin, nagbigay ng mensahe ang EVP namin na ang forecast eh sa february namin mararamdaman yan. Well, nandun pa kaya ako sa kumpanya? Hehehe... Siguro nga dahil sa crisis na yan, mag-alinlangan akong mag-resign! Hahaha... "I'll just cross the bridge when I get there" na naman ang drama ko...

Kanina sa mall, parang hindi ko naman naramdaman na may crisis... ang daming tao sa mall. Or baka naman window shoppers lang ang karamihan sa kanila, or baka shop lifters? Hehehe.. Pero hindi eh, ang daming nakapila sa mga Cashier... yan ba ang walang pera?

Madiskarte lang siguro tayo. At least kahit papaano, meron. Well, it's always the thought that counts...

Kaya nga kaninang morning general assembly ng aming department, na-touch ako nung binigyan ako ng regalo ng mga subordinates ko. At least, naalala nila ako.

Pero sabi ko nga kanina, hindi ko feel maging materialistic ngayon. Simpleng "Merry Christmas" na pagbati lang, ok na sa akin. Dahil susuklian ko rin naman sila ng isang matamis na "Happy New Year." Hehehe...

***

Sa apat na inaanak ko, naiabot ko na sa dalawa ang aking aginaldo (Calvin and Khloe). Yung isa, pamangkin ko (Xelphie) kaya sa Pasko ko na ibibigay, yung isa naman, anak ng dati kong katrabaho (Sean Paul). Nakokonsensya nga ako kasi last year, hindi ko siya nabigyan kasi nga umalis na ako dun. Ngayon naman, parang malabo rin na magkita kami kasi wala na kaming communication. Bahala na si Batman... magkikita kung magkikita. Hehehe...


***

Last Saturday night naman, invited ako sa Christmas Party ng isang Department. Ako lang talaga ang special guest nila. Hehehe... Ayun, videoke to the max! Hehehe...




***

Tomorrow, isa na namang Christmas Party ang dadaluhan ko... sana naman tumaba na ako sa dami ng chibog na pinupuntahan ko. Chance na ito! Hahaha...

December 14, 2008 QA Christmas Party




Tuesday, December 16, 2008

Raffle prizes... bakit mailap kayo sa akin?

Natapos din sa wakas ang aming department Christmas Party na nangyari nung Sunday. Naging successful naman ang programa.. syempre ako na naman ang isa sa mga pinili nilang maging emcee.. hehehe. Hindi naman ako ganun kadaldal, pero siguro natutuwa sila sa mga birada ko. Hehehe...

Isang Planner (notebook) ang nakuha ko.. Ok na sa akin yun dahil mahilig naman akong mag-jot down ng mga notes, observation and tsismis. Hahaha...

And guess what? Kasali ako sa Interruption este Intermission Number ng mga Engineers and Leaders. Sumayaw lang naman kami ng mga old hits like Rico Mambo, Dying Inside, Name Song, to name a few.

Sad to say, wala man lang akong napanalunan na raffle prizes kahit man lang minor...

Babawi na lang siguro ako sa Company-wide Christmas Party namin.. balita ko maraming cellphone at flat TV ang ipamimigay. Hehehe... Sa December 27 pala yun. Hehehe, ang aga noh?

Natapos ng mga alas-sais ng gabi ang party.. pero may appointment pa akong lakwatsa after that. Hehehe... I had to meet Jocs, Joan, Elmer, Glenn for a dinner out. Then watch kami ng movie, The Day The Earth Stood Still. Story-wise, boring siya. Hahaha...

Anyway, eto ang ilan sa mga pictures namin sa masayang araw na iyon:


Mga QA Support Section Members

Mga OQA members..

Ang mini-tambyolo sa registration area...

Ang dalawang gwapong Calibration Duo...


Pa-singit!

Saturday, December 13, 2008

Get the Christmas Party started!

Bukas na ang department Christmas Party namin. Simple lang ang selebrasyon, isa kasi ako sa myembro ng Program Committee, hehehe.

Supposedly, bukas din ang schedule ng pagpunta namin sa Enchanted Kingdom ng mga friends ko. Kaya lang, dahil nga sa hindi ako pwede bukas, minabuti nilang i-postpone na lang muna.

Kanina, nagtext sa akin yung friend ko na si Joan, ganito ang naging usapan namin:

Joan: Anong ora ba yang Xmas Party nyo? Henry: Mga after lunch. Joan: Eh anong oras matatapos? Henry: Siguro tapos na kami by 6PM. Joan: Ok, kita-kita tayo bukas neh, libre mo kami ng coffee... Henry: O sige, I know it was my fault naman kung bakit hindi tayo matutuloy sa Enchanted bukas. Sige sagot ko na ang coffee, basta coffee lang huh? Hehehe...

Come what may. May mga nag-iinvite din kasi bukas sa akin na lumabas after the party. Pero syempre, priority ko ang mga friends kong sina Joan, Jocs, Elmer and Glenn.. since hindi ko sila napagbigyan sa Enchanted.. hehehe.. Marunong din naman akong bumawi...

***

Going back to our Christmas Party, I just hope na maging successful ito bukas. In the midst of so many paperworks, customer claim, technical works, pakikisalamuha sa opisina, buti at naisingit namin ang pag-oorganisa sa party naming ito.

Ilang araw na rin akong sumasama sa pagbili namin ng mga regalo either raffle prizes or games prizes.

Last night, I already bought the gift to my monita. Pillow na may Mickey Mouse ang binili ko.. wala kasi akong mahanap na towel daw na may Mickey Mouse, na inilagay nya sa wish list nya.. sensya sya. Hehehe...

Last year ito...

Wednesday, December 10, 2008

I'll find it hard to sleep tonight...

It's Christmas season again. Kapag ganitong panahon, isa sa mga sumasariwa sa aking isipan ay yung mga childhood memories ko tuwing Pasko.

Dati-rati, buwan palang ng Nobyembre ay excited na ako sa Pasko. Nung elementary ako, naaalala kong pinapatugtog ang "Mary's Boy Child" tuwing umaga sa flag ceremony. Lalo tuloy akong nae-excite. Hehehe...

Pag tungtong ng buwan ng Disyembre, sinisimulan na naming magpi-pinsan na buksan isa-isa kada araw sa aming dekorasyon ang mga katagang "WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS"... 24 letters lahat yan at kada araw isang letra ang binubuksan hanggang makumpleto sa beinte-kwatro ng Disyembre.

Marami pa akong masasayang alaala noong bata ako sa tuwing sasapit ang Pasko...

Ngayon, parang wala lang.

Hindi ko nga namalayan na buwan na pala ng Disyembre ngayon.

Parang totoo nga ang sinasabi ng ilan na ang Pasko ay para sa mga bata.

Iba pa rin talaga ang saya na nararamdaman ko noon. Kahit na maraming party, gatherings and reunions akong dinadaluhan ngayon, parang hindi pa rin nya mapantayan ang excitement ko noon tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Dati... ang pag-aabang sa Pasko ang hindi nagpapatulog sa akin (as in the lyrics of the Christmas Song... "We'll find it hard to sleep tonight.")...

Ngayon... ang pag-iisip sa trabaho ang hindi nagpapatulog sa akin for the past few days. Toxic masyado. Hindi pa tuloy ako nakakapamili sa mga reregaluhan ko this Christmas.

How sad. :-(