Sunday, February 28, 2010

Precious


Life is indeed precious.


This is the 4th nominated Best Picture at the Oscars that I have watched. So far, so good.. so clean.. SOGO. Hahaha.. Joke.



Base sa 1996 novel "Push" ang pelikulang ito. Ito ay tungkol sa bidang si Claireece Precious Jones na sa edad na 16 ay magkakaanak na siya... sa pangalawang pagkakataon... dahil sa kagagawan ng kanyang hayup na ama.

Si Precious ay masasabing isang babaeng walang pinag-aralan, obese, at galing sa pamilyang hindi normal, in short mga abnormal --may isang nanay na may topak, at isang tatay na rapist.. both are "mapang-maltrato" physically and emotionally.

Hay ang lungkot ng buhay ni Precious! Hehehe... Isang mongoloid ang kanyang panganay, at isa namang nanganganib sa sakit na "HIV" ang kanyang pangalawang anak na si Abdul.

Pure drama ito.. pero may fight scene din naman... fight scene nina Precious at kanyang ina na si Mary... hahaha.. ang brutal ng mag-ina! Hindi man lang inisip na pwedeng mapahamak si baby Abdul.

Anyway, starring din sa pelikulang ito ay ang mga tumutulong kay Precious para mai-improve nya ang kanyang magulong buhay -- sina Ms. Blue Rain (portrayed by Paula Patton) at si Ms. Weiss na ginampanan naman ni Mariah Carey.

Other nominations na natanggap ng pelikulang ito sa Academy Awards ay ang mga sumusunod:

Best Actress in a leading Role para kay Precious (Gabourey Sidibe)
Best Supporting Actress para kay Mary (Mo'Nique)
Best Director
Best Adapted Screenplay
Best Film Editing

At ang marka ko para sa pelikulang ito ay 7.523 out of 10 base sa aking kalkulasyon. Hehehe..

Good luck kay Oprah sa pelikulang ito!

Friday, February 26, 2010

An Education


Isa na namang nakakantok na movie. Bwahahaha! Pero in all fairness, mas inantok talaga ako sa The Blind Side, although favorite ko si Sandra Bullock.

Meaning, mas nagustuhan ko naman ito ng kaunti kumpara sa The Blind Side.

Anyway, isa sa mga nagustuhan ko rito ay ang pagka-glossy ng cinematography. Hahaha! Pampalubag... May kalaliman ang kwento, especially ipinakita dun ang isang klase ng trabaho na tinatawag na "blockbusting" noong mga nakaraang dekada sa bansang Inglatera. May ganun pala, ngayon ko lang nalaman. Pero may kababawan din ang kwento, as in! Hahaha.. ano ba talaga kuya?

Wala masyadong "aksyon" sa pelikula, ni wala ngang kabuhay-buhay. Hehehe... Pero kidding aside, pang-DVD lang talaga ang pelikulang ito dahil kapag pinanood nyo ito sa sinehan (pero hindi yata pinalabas dito yan) ay tiyak na abot-langit ang pagsisisi nyo. Hehehe...
Ayokong laitin ang pelikulang ito. :-p

Bakit nga ba "An Education"? Parang ganito ang pinahihiwatig ng movie, hindi lahat ng pwede nating matutunan ay sa eskwelahan natin makukuha, which is I think, alam na nating lahat yun!... Pero sa bandang huli, mahalaga pa rin na may pinag-aralan tayo. :-)

Nominated as Best Picture sa magaganap na 82nd Oscar Awards, nominado rin ito as Best Adapted Screenplay, at Best Actress para kay Carey Mulligan as Jenny Miller sa movie na ito.... I rate this movie 6.575 out of 10!

Wednesday, February 24, 2010

Up

And yes.. nominated ang animated film na ito sa Oscars ngayong taon for Best Picture. Ito raw ang ikalawang animated film na naging nominado sa Academy Awards mula sa "Beauty and the Beast" noong 1991.


Ok ang movie. I think, story-wise, pwede talagang ipantapat sa mga non-animated films. Hindi ito basta-basta animated film na puro pakwela lang. Obvious ba na gusto ko ito? Hehehe... Well, I still need to watch 8 remaining nominated films bago ko masabi ang final vote ko. Magawa ko kaya sa hectic ng schedule ko? Anong petsa na, sa March 8 na kaya ang awards day!

Anyway, back to Up, ang istorya ay umiikot sa dalawang magkaibang karakter na sina Carl Fredricksen at si Russel, ang batang nag-stowaway sa flying house ni Carl.

Masyadong masalimuot ang kwento, click nyo na lang ito. Hehehe...

Basta maraming eksena rito na nakakaantig sa puso, at meron din namang exciting scenes. Pero siyempre, magiging titulo ba nito ang "Up" kung walang lumilipad? Of course, wala si Darna rito. Hahaha.. Ang corny ko na... bago pa ako um-over sa kakornihan, eto ang aking rating sa movie na ito: 6.9 out of 10. Hwag nyo nang itanong kung papaano ko na-compute yan! Hahaha!

By the way, nominated din ang pelikula na ito sa mga sumusunod na kategorya bukod sa Best Picture:

Best Original Screenplay
Best Animated Feature
Best Original Score
Best Sound Editing

Good luck!

Tuesday, February 09, 2010

The Blind Side


Isa sa mga nominado sa 82nd Academy Awards for Best Picture ay ang pelikulang ito. Ito rin ang kauna-unahang nominadong pelikula ngayong taon na aking napanood.

Ok, straight to the point. Hindi ko masyadong nagustuhan ang movie na ito. I am fan of drama movies, however with this movie, I have just proven that I am also choosy whether I like the genre or not. Subjectively speaking. Hahaha.

Not even once did a tear drop from my eyes within the 2-hour duration of this film. Hehehe... masyado ko namang ino-okray ito. Siguro nag-expect lang ako ng sobra-sobra sa movie na ito. And if I happened to watch this flick on the big screen, siguro tinulugan ko ito ng todo-todo. Hahaha!

In all fairness, may mga ilan-ilan din naman akong naririnig na papuri sa movie na ito. Hindi ko naman maikakaila na may sense din naman ang movie. It so happened that hindi ko talaga nagustuhan ito. Kanya-kanya lang, walang pakialamanan. Peace tayo! :-)

Kung gusto nyong malaman ang synopsis nito, click nyo na lang ito! Wala akong ganang ikwento. LOL!

Pero hindi ko sinasabi na maliit ang chance nito na maiuwi ang tropeo ni pareng Oscar, remember the movie "Crash" back in 2006? Sa limang nominado, ni-rank ko siya as lowest (sa G-blog ko) before the telecast of the Awards Night. Eventually, siya ang hinirang as Best Picture. Napahiya tuloy ako. Hahaha.

By the way, Sandra Bullock is nominated in this film as Best Actress in a Leading Role. Good luck!

And here it is, my final grade to this movie is 6.5 out of 10.

Yun lang!