Monday, April 07, 2008

Madali akong magsawa...

Mahigit isang taon palang ako sa kumpanyang aking pinatatrabahuhan, nakakaramdam na ako ng pagkasawa. Yung dati kong kumpanya, isang taon lang din ako nag-stay doon. Ngayon, parang nararamdaman ko na naman ang dati kong naramdaman noon --pagkayamot, pagkainis, asar, irita... ayoko nang pumasok!!!

Tuwing umaga pagkagising, tinatamad na akong bumangon, parang walang patutunguhan ang araw ko. Hindi naman sa itinuturing ko ang aking sarili na isang unproductive employee, hindi yata uy! I mean, my urge and eagerness to be more efficient and effective employee is now dwindling, sad to say.

I have conviction to myself, I must say . I believe and I know, I have so much to share and contribute in the success of wherever group or company I am assigned to work with. Kaya lang, maraming factor kung bakit madali akong maging unmotivated sa pag-iisip ng mga improvement at pag-implement nito. I don't want to elaborate them now.

***

Last Saturday, nagkaroon kami ng Fire and Evacuation Drill. Siguro nga, mahalagang malaman ng bawat employee kung ano ang kanyang unang dapat gawin kapag dumating ang sakuna lalung-lalo na kung nasa looob sila ng kumpanya. Subalit ngunit datapwat bagamat naisakatuparan namin ng maayos ang evacuation drill, ang tanong, ganun nga ba ang gagawin namin sa aktwal na sakuna? Sana nga... or sana wag na lang dumating ang sakuna.


***

Pumunta ang buong pamilya namin kahapon sa Concepcion, Tarlac kung saan nakatira ang isa kong kapatid. Dinalaw namin silang mag-asawa at yung kauna-unahan kong pamangkin, si Macoy. Two months old palang siya ngayon. Nauna pang mag-asawa at magkaanak ang nakababata kong kapatid na lalaki, nainggit tuloy ako at gusto ko na rin magkaanak! Bwahahaha... Basta career muna hangga't wala pa. Ang tanong, kumusta naman ang career kong ito? Career nga bang maituturing ito? Hehehe...

***

I want to go abroad. Kanina, buong maghapon akong nag-apply online. Pero, sa aking propesyon ngayon, puro Middle East Countries ang nagma-match na job vacancies. Ayoko kasi doon, gusto ko sa Australia, Canada, or at least Singapore man lang. Hahaha...

***

So tomorrow, gigising na naman ng maaga, tapos na ang Holiday on Monday (Araw ng Kagitingan). Makikita ko na naman ang oily-shiny face ng boss ko, ang kanyang mga utos na hindi pwedeng mabali, ang kanyang mga katwiran na nakakainis, ang kanyang mga gusto na hindi rin nya ma-eksplikang mabuti, ang kanyang rhythm sa paglalakad at ang kanyang pasulyap-sulyap sa kanyang mga kawawang subordinates na tulad ko na may suppressed grudges sa kanya. Hahaha... Iyan palang, unmotivated na ako... Paano pa kaya ang iba kong co-employee na wala na ngang laman ang utak, ang sasama pa ng pag-uugali! Tama na ito, baka kung saan pa mapunta ang usapan.



Tuesday, April 01, 2008

April Fools Day... or should I say, BOBO day.

Yeah, I know, sabi ng iba, walang taong bobo. Pero parang hindi ako masyadong naniniwala dun. Merong taong bobo, ang masaklap pa ay merong iba na nagbobo-bobo-bohan! Kumbaga sa bulag, nagbubulag-bulagan.

May ilan naman, ginagawang tanga ang mga taong nakapaligid sa kanila, in the end sila ang nagmumukhang tanga.

Ganyan nga talaga ang mga tao, at ang mga bagay na rin. Iba-iba ang gusto, ang hitsura, ang pag-uugali, mga pananaw sa buhay, at ang mga paniniwala. Everyone is unique ika nga.

At ano na naman ba ang ibig kong patumbukin sa blog kong ito? Hmmm... wala lang. Minsan kahit pilit kong intindihin na ganun nga talaga tayo, I can't help but to feel disappointed on things that turned out to be not the way I expected to be. As I have mentioned on my previous blogs, I am so idealistic. I easily get irritated, annoyed, frustrated, discouraged or whatever worst feelings you imagine, every time I meet people who act the way they shouldn't be, or people who initiated injustices, rudeness or anything that is so inhumane.

Galit ba ako? Hindi. Neither am I complaining. I am just stating observation.

Well, somehow complaining! (Hehehe.. ganun? Binawi!?)

Kaya pala sabi ng iba, I am so inconsistent... maybe. Pero mababang level siguro ng pagiging inconsistent.

"Level"

Iyan na siguro ang isa sa mga keyword kung papaano natin maidi-describe ang uniqueness ng bawat isa. Anong level natin sa iba't-ibang kaugalian, whether good or bad traits?

Minsan, iyan ang ginagawa kong criteria kung papaano ko i-assess ang sarili ko, pati na rin ang ibang tao (Hehehe...)


Sige nga, try this... rate yourself with the following traits (1-10, ten being the highest):

a] Honesty

b] Amiability

c] Humility

d] Sincerity

e] Pakikisama

f] Utang na loob (gratitude)

g] Plasticity (kaplastikan, hehehe)


About the last one, you may not agree with me but I believe that everyone of us is "plastic" ... it depends on the degree or gravity. Hehehe... May mga tao tayong kilala na sobrang plastic, pero tanging tayo lang sa sarili natin ang makapagsasabi kung anong level ng ating kaplastikan.

Isa pa pala... lahat tayo ay may iba't-ibang level din ng kakapalan ng mukha. May iba na nakatutuwa ang kakapalan ng mukha, pero marami pa rin ang nakakainis sa pagiging makapal ang mukha.

Ay, marami nyan sa kumpanya... unfortunately!

May iba nga, mapang-abuso pa... iba-iba rin ng level.

Enough of this! Today is April 1, April Fools Day... nakakabaliw.

Ano na kayang LEVEL ng kabaliwan ko? Level na naman...

Monday, March 24, 2008

Balik Trabaho...

Natapos na ang apat na araw na bakasyon. Sa bahay lang ako nag-stay. Nagmuni-muni, nagnilay-nilay, natulog, kumain... at naglaro ng Grand Theft Liberty City. Ang saya!

Pero dahil tapos na nga ang maliligayang araw, malungkot na ako ngayon. Joke! Hehehe... Life must go on! Pagkapasok ko nga kanina sa opisina, nasambit ko kaagad sa officemate ko .."We're back to business..." Balik sa dating gawi... ang araw-araw na meeting, ang boses ng mga boss, ang kaingayan sa loob ng opisina, ang mga petiks sa paligid, ang mga feeling busy, feeling agrabyado, at kahit yung mga ilang pa-simpleng "feeling".

Dumating kanina yung consultant namin for our TS Certification, pina-review ko yung proposed document procedure ko. Ayun, may ilang revisions and rephrasing of clauses para talagang pulido ang procedure. Buti na lang at hindi ko sinunod kaagad si boss na ipa-route na yung procedure for signature, kung hindi eh ulit-ulit lang ang trabaho ko.

Tomorrow, ipa-finalize ko na talaga para ma-implement na. Isa na namang sakit sa ulo ito. Parang walang kwenta ang MSA Team na binuo namin, hindi man lang ako tinulungan... or kinamusta man lang. Loko sila, kailangan nilang makipag-cooperate kahit man lang sa implementation.

Bakit ba ako nagkukwento tungkol sa work? Time out na nga muna!

***

Gusto kong panoorin ang pelikulang "Jumper"... kakadownload ko lang sa internet. In fairness, clear copy siya. Kaya lang wala pa akong oras panoorin ito. Bukas siguro kung hindi ako mag-o-OT.

***

Demanding ang isa kong inspector. Nagpapalibre ba naman ng isang Toblerone, mura lang daw sa SM. Kanina bago umuwi, binili ko na siya ng tsokolate para maibigay na bukas. Pero hindi Toblerone ang binili ko, Vanhouten Roast Almond ang ibibigay ko. Siya na lang ang humusga kung masarap ito. Hehe... Ang bait ko neh?


***

Ngayong nalalapit na ang Employees' Annual Evaluation sa aming kumpanya, I am proud to say na... not even once did I came to work late. Bwahahaha... La lang.

***

I am now getting hooked to listen to old songs, especially from the 70's, 80's and 90's eras. Actually, pati mga old videos na sa ganung panahon din. Yesterday, I enjoyed watching "Ang Pinaka..." aired over QTV-11. Ang topic kasi nila ay ang top ten most memorable pinoy commercial jingle. Ilan sa mga topnotcher nila ay: Milo (Bea Lucero), Jollibee (I love You Sabado), Mr. Clean detergent bar with Sylvia La Torre at siyempre ang wallet na maswerte... Seiko Wallet! Hahaha...

Last Balack Saturday naman, I enjoyed watching Aguila, starring FPJ na ipinalabas sa channel 2.
The film was shot in 1980, for me maganda ang pelikula. It depicts the faces of Philippine Politics. Nagsimula talaga ang pelikula sa panahon ng mga Kastila, then American, Japanese, hanggang kay Magsaysay. Basta, it's worth-watching. It's also about soul-searching, contentment, principles in life and self-evaluation.


Matutulog na nga ako, wala na akong alam ikwento. :-)