Friday, July 11, 2008

Japan Invasion [Part1: In fairness]

Ok.. it's time for me to tell my experiences during our short trip in Japan. Umpisahan natin last Sunday, July 6. In fairness, on time ang flight namin sa Japan Airlines Flight #746 at 9:25 AM. Pero bago yan, konting comment muna sa ating NAIA.. well pagpasok pa lang namin ng NAIA maingate, hayun ang haba na ng pila. Ihing-ihing pa man din ako sa mga oras na yon. Pero kailangan kong tiisin yun dahil malapit na kami sa security check (x-ray scanner) ng mga baggage namin. Pansin ko lang, mukhang mga kontrabida ang mga ibang nagtatrabaho sa NAIA... granting na ginagawa lang nila trabaho nila, pero basta, nakakaasar yung mga ibang empleyado dun. Then pagkatapos naming i-surrender ang mga baggage namin na hindi for hand-carried eh nagbayad na kami ng terminal fee... worth P750 each... just asking para saan kaya yon? Basta si lolo (Japanese EVP namin) ang nagbayad para sa amin. Here comes hubaran ng medyas, sapatos, belt... etc. Pambihira, medyo maluwang ang pantalon ko kaya mega-hawak ako sa pantalon ko para hindi ako ma-burlesk. Hahaha...
Thank God wala nang masyadong tanungan pang nangyari... wala naman kasi akong criminal records.
Then dahil maaga pa, pinakain muna kami ni lolo sa isang cafe. Ang mahal in fairness. As usual, si lolo naman ang nagbayad.
Then we bought some pasalubong para sa mga Hapon na empleyado ng mother company namin dun. Hayun, mga pastilyas, dried mango, and something like that ang mga pinamili namin sa kanila. Then proceed na kami sa Departure Area, isa na namang checking of passport at boarding pass ang nangyari... pero pansin ko lang, mga Pilipino lang ang chine-check... hmmmm... unfair si kuya! Mukha ba kaming mga suicide bombers???
Gate 14 kami... ang dami nang naghihintay, may bata, matanda, foreigner at mga feeling foreigner.. hehehe. In fairness, wala akong namataang grupo ng mga Japayuki. Hehehe.. Mahigpit na yata sa Japan with regards to foreign entertainer. 

Isang oras din kaming tumunganga dun at naghintay. Buti pa yung Gate 13 heading for Hongkong, umalis na... na-excite tuloy ako. Hehehe... So binasa ko na lang yung mga last minute text messages from some relatives and friends na nagpapaalam. Hehehe.. As if naman years ang stay ko sa Japan. Hahaha. (itutuloy...)


Saturday, July 05, 2008

I'll miss the Philippines! LOL!


Tomorrow is our flight to Japan. Hindi ko alam kung ready na ba itong mga dadalhin ko. Bahala na. Hehehe...

Mga alas-nuebe ng umaga ang lipad namin. First time ko nyan sumakay sa eroplano, kinakabahan ako. Hahaha.. Kung sa bagay, naranasan ko nang sumakay sa barko everytime we go to Mindoro, pero hindi nga lang sa M/V Princess of Stars...

Nagpa-activate na rin ako ng Roaming sa Globe, ewan ko lang kung gagana sa Japan ito. Hehehe. Pero kung hindi gagana, ok lang, at least hindi ako makaka-receive ng mga habilin, pasalubong kuno, token, t-shirt, hello kitty, at kung anu-ano pang hiling ng mga taong feeling nila eh ang dami kong kwarta. Well, sorry guys... hehehe...

Natawa rin ako sa ilang officemate at kabarkada ko, meron na daw akong ipo-post sa friendster ko. Hahaha.. ano ba yun? Yun pala ang purpose ko sa pagpunta sa Japan, para may mai-post ako sa Friendster na mga photo while in Japan. May point sila... hehehe..

Kinakabahan nga pala ako sa report presentation ko. Baka hindi maintindihan ng mga Hapon lalo na English ang report. Bahala sila.

Isa pa, wala akong masyadong alam sa kultura ng Hapon, hindi ako sanay kumain ng pagkain nila, hindi ako marunong mag-chopstick, hindi ako marunong magsalita ng Niponggo. Ang alam ko, inapi nila ang ating mga lolo at lola nung 1940s. Hehehe... Pinasabog nila ang Pearl Harbor, kaya hayan tuloy gumanti ang Amerika at binomba nila ang Nagasaki at Horoshima.

Basta lahat, bahala na!
 

Thursday, July 03, 2008

Impake

Tinatamad ako, o baka wala lang akong oras. OT kasi ako lagi sa trabaho ngayon, tinatapos lahat ng mga reports.

Sabi ko na nga ba eh, magiging busy ang kaarawan ko. Mas excited pa nga ang mga officemates ko sa birthday ko kaysa sa akin eh. Kung alam lang nila, wala akong budget. Hahahaha...

For the past few days, ni-rereview namin yung report namin sa Joint Quality Meeting na gaganapin sa Japan next week. Tomorrow is our final review. Medyo na-okray yung report ko nung EVP namin, pero ok lang. Hindi naman siya ganun nagalit unlike sa mga ibang Engineers. Hehehe. Understandable na siguro yun dahil yung ire-report ko eh yung Customer Claim Status ng kumpanya, eh hindi ko naman talaga hawak yung section na yun. Ewan ko nga ba kung bakit sinasama ako sa mga pupunta dun. Pero ok na rin, at least makakatuntong na ako sa Japan. Hahaha...

Hindi naman ako ganun ka-excited. As I've said, hindi pa ako nakakapag-impake para sa Sunday Flight namin. As in wala lang. Mahilig talaga ako sa rush...

Isa pa, ilang araw lang naman kami dun. Kumbaga, short business trip lang. Kasama ko dalawang Hapon-- dalawang Vice President ng kumpanya. Bukod sa kanila, may kasama pa akong 2 Pinoy. Magiging behaved siguro kami dahil nga medyo istrikto itong EVP namin.

Isa pang inaalala ko, yung mga kakainin namin dun. I really am not a fan of Japanese food. Tuwing kumakain kami sa Tokyo Tokyo (fast food) o kaya sa Karate Kid (isa ring fast food), yung mga lutong pagkain ang ino-order ko. I tried eating sushi once, pero hindi ko talaga masikmura, considering hindi naman authentic Japanese food ang mga nandun. Ang lansa! Good luck na lang sa akin.

Siguro excited lang ako ng konti dahil sa Disneyland Tokyo. Sana matuloy kami dun, pero loaded ang schedule namin pagdating namin dun. (Crossed fingers...)

Omiboshi! Omiyage! Sorry friends, wala akong pera. Hahahaha...