Kapag nakalagay sa ticket mo na 11:44 darating ang tren mo, hindi pa yan yun dahil 11:38 pa lang... or something like that. Hehehe..Diretso kami rito sa Akihabara. Ang lugar na ito ay kilala sa mga tinadahan ng mga electronic gadgets, cellphones, computers, etc. At bakit kami dinala ng boss namin dito? Dahil pinakita nya sa amin kung saan napupunta ang ilang LCD na mina-manufacture ng company namin. Wala lang, pa-impress siya. Hehehe.. Dito lang ako nakakita ng mga cellphones na nasa labas ng tindahan at nakalagay lang sa mga tuntungan (parang bangketa) at hindi masyadong binabantayan. Kung sa Pilipinas lang yan, dekwat na lahat yun! Hehehe...
Napagod talaga kami ng husto sa paglilibot sa Tokyo. Pero ok lang. Isa nga sa mga pinagsisihan ko ay yung hindi masyadong pagkuha ng litrato sa mga tanawin na magaganda. Kulang talaga kasi kami sa oras at mabilisan ang lakad ni lolo. Maayos ang syudad ng Tokyo. May mga uwak pa nga na aaligid-aligid at sumasampa sa mga poste at traffic lights. It only means that even if the place is so modern, may mga puwang pa rin ang nature. Malinis, walang usok, tunay na clean and green talaga. Ang mga walls, roads, flyovers, hindi nangingitim unlike sa Manila. Wala talagang polusyon. Kailan kaya magiging ganun ang lugar natin?

