Saturday, October 11, 2008

"You're such a loser!"

Whatever! Hehehe...

"Ang mga umaayaw, hindi nagwawagi. Ang mga nagwawagi, hindi umaayaw."

Pareho lang ba 'yun? Hehehe... Kagabi ko pa pinakaiisip 'yang salawikain na 'yan na nabasa ko sa isang Tagalog website. Anyway, whatever!

Basta ang alam ko, hindi naman all the time eh quitters are losers.

Marami pa ring factors na kailangang i-consider before we make decisions. Kung ano man ang ating desisyon sa buhay, panindigan na lang natin.


***

Bukas, fiesta sa Angeles. Kilala ang fiesta na ito bilang Fiestang Kuliat. Iyon kasi yung dating pangalan ng siyudad Angeles, dati ay barrio palang ito ng San Fernando.

At dahil fiesta bukas, invited kami sa bahay nina Elmer. As usual, taun-taon kasi kaming iniimbitahan ng kaibigan naming ito. Nagiging mini-reunion na rin namin ng mga college friends and classmates ang fiesta ng Angeles. Ewan ko lang bukas kung makakarating pa ang ilan.

Habang tumatagal kasi, nagiging abala na ang isa't-isa sa kani-kaniyang buhay. Ang ilan ay nakapag-asawa na, yung iba nga may anak na.

Ako, siguro matagal pa yun. Hehehe...

***

Nakaraos din sa wakas ang presentation namin para sa Quality Meeting for this month. Salamat at walang masyadong tanong ang mga Hapon sa report namin kanina na ako ang nag-present.

Pero right after ng Quality meeting namin eh nagtawag ng meeting itong si boss namin tungkol sa proposal nyang Organizational Chart change.

Ang kinatatakutan ko ay nagkatotoo. Pambihira, gagawin ng permanente ang paghawak ko sa Customer Complaint section. Inalis lang sa akin yung isang section na Reliability, buti naman at naawa sila sa akin.

Mahirap talaga minsan kung nagpapakitang-gilas ka sa mga boss mo. Sasairin ka talaga. May pa-effect pa silang "Hindi naman ibibigay sa inyo ang responsibilidad kung alam naming hindi ninyo kaya."

Ako naman, hindi ko naman talaga ugaling magpakitang-gilas sa kahit kanino man. Ang sa akin lang, once they give me certain task, I just do my best to accomplish that task. Eh ang nangyayari kasi sa amin, talagang sinasagad kami.

Minsan, nag-uusap kami ni Mylene, yung officemate ko. Pinag-uusapan namin na parang nagiging unfair na sa departamento namin. Meron kasing iilan dyan na "sitting pretty" lang ang inaatupag sa halos buong magdamag sa trabaho.

Ang pinagtatakhan ko lang, may ilan din na feeling ang dami-dami nilang ginagawa at nakukuha pang mag-OT pero parang hindi naman totoo. Masama na kung masama, pero yun ang nakikita ko sa kanila.

***

Nag-text ang boss ko ngayong gabi lang. Sabi sa text nya... "Mr. Shibayama [our EVP] appreciated your presentation, very easy to understand according to him. He will expect more improvement plan from you especially for the model 3556P."
Ano ito? Joke? Hahahaha... Whatever!



Monday, October 06, 2008

October Fest nga ba? Bwiset!

Wala kaming report kanina sa Leakage meeting kaya naboljak kami ni Poknat. Wala kasing Customer Claim for last week. So puro graphical trend lang ang naipakita namin kanina.

So bakit siya nagagalit kung wala talagang i-rereport dahil walang customer complaint?

Sasagutin ko ang tanong ko (hehehe)... Kasi raw, kung walang customer claim kailangan daw naming ireport yung mga update and status sa mga nakaraang customer claim cases.

Ok, I got his point. Pero sana man lang eh kinonsider nya na last week, ang daming request ng mga sakang sa Japan at nanghihingi ng kung anu-anong data. Isa pa, dahil end of the month last week, syempre maraming requirements ang ina-accomplish namin ngayon.

Eh bakit hindi nya alam ang mga ito?

Ewan ko sa kanya. O baka naman talagang binibigyan kami ng hard time ng poknat na ito?

Siguro. Ang nakakainis kasi, siya ang superior namin, he should know.

Nangagatwiran ako kanina pero hindi ko na itinuloy pa dahil hahaba lang ang usapan.

Sabi ko kasi, hindi kami nakagawa ng report dahil sa bukod sa wala talagang customer claim sa linggong iyon, eh puro data gathering nga ang inatupag namin noon.

Sabi ba naman nya, "it's not a valid reason!"

Bwiset siya. Kung hindi lang siya supervisor, baka pinatulan ko na siya.

Dagdag pa nya, "hindi rason na busy tayo kaya wala tayong report. Hindi tatanggapin ng Top Management iyan."

Bwiset talaga siya.

Eh isa nga siya sa mga utusero kaya nga hindi namin nagagawa yung mga hinayupak na report na 'yan.

After nya akong pahiyain sa meeting room na iyon at isinama pa ang ibang engineers para lang pagsabihan ako in front of them, hindi na talaga maipinta ang pagmumukha ko.

Kinausap ko agad yung member ko na si Penny para sabihing "Kapag may inuutos sa inyo lalo na si Poknat, sabihin nyo na kailangang unahin yang hinayupak na mga report na yan, hindi kayo pwedeng istorbuhin."

Tignan lang natin.

At isa pa, may Quality Meeting sa Saturday, kailangan din namin ng report dun at iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nabigyan ng atensyon yang Leakage Meeting na iyan. And besides, nung Friday lang nila sinabi na may Leakage Meeting today. Bwiset!

Hindi naman halatang bitter ako dito. Hehehe...

Wala lang, inilalabas ko lang ang hinanakit ko na hanggang sa pag-uwi ay dala-dala ko.

Nawalan nga ako ng gana sa dinner kanina eh.

Bwiset.

So hayan, nakailang "bwiset" na ba ako dito sa blog ko?

Iniisip ko na lang na October Fest na... na malapit na ang Pasko... na early next year ay tsutsugi na ako sa kumpanyang ito na feeling ko ay inaabuso na ako.

Let's see...

Good night. Tomorrow is another nightmare!

Tuesday, September 30, 2008

Feeling Annoyed... Out of Nothing at All

Ang lakas ng ulan kanina sa pag-uwi ko, nahilo tuloy ako sa tagal ng trapik sa daan.


Pero madalas ngayon na mahilo ako habang umuuwi ako galing trabaho. Sobrang stressful kasi ang nararamdaman ko ngayon.

O di kaya, masyado ko lang dini-dibdib ang isang buong araw na nangyayari sa akin sa opisina.

Hindi na kasi maiwasan na mainis ako lalo na sa mga superior ko.


Sumasakit ang ulo sa kanila!

Isa sa mga kinatatakutan ko ngayon ay yung sa kadalasan na nararamdaman ko ito, dumating sa puntong baka kahit kaunting bagay lang eh napapainit na ang ulo ko.

Or worst, out of nothing at all, paggising ko sa umaga, maiinis nalang ako na walang dahilan.



***

Every morning na lang sa opisina, pagpatak ng alas-nuebe, isang pamatay na oras ang ginagawa namin. Again, kautusan ito ng mga boss ko na ewan ko kung ano ang mga nasa utak nila.


Pero kung mag-demand naman ng mga reports at kung anu-anong requirements, feeling nila kami si superman at matatapos kaagad ang mga iyon.

Morning Meeting ang tawag nila sa isang oras na sayang na sayang talaga para sa akin. Siguro sa iba eh mahalaga ang meeting na iyon.


Pero syempre, may kanya-kanya kaming responsibilidad at nagkataon na hindi talaga akma na lagi akong um-attend dun. Eh itong boss kong poknat eh lagi akong nire-require na dumalo sa meeting na iyon araw-araw.

At sa araw-araw na iyon, ni-rerequire din nya akong mag-report tungkol sa ilang Quality issues na dumarating. Yep, I got his point, pero hindi talaga intended ang meeting na iyon sa Quality Assurance Department. I mean, sa isang oras na iyon, siguro mga limang minuto lang ang inilalaan sa QA, at iyon ay kung may Quality-related issues nga.


Hindi ko talaga maintindihan itong si Poknat. Parang wala sa katinuan minsan.

Sa mga reporting pa lang, dedbol na.

Ang pinapakita nya kasing ugali sa amin ay yung mabilisang paggawa ng report kaya hayun, nagsa-suffer ang content ng report.

Minsan nabo-bokya kami sa ibang departamento kapag nagpi-present kami ng report, kasi hindi chine-check ni Poknat at ni Poly (codenames ng mga boss ko).

Ok lang na mag-utos sila ng mag-utos, pero sana maayos sila mag-utos, yung may direksyon.

Ang nangyayari kasi eh sabog-sabog ang mga kautusan nila. Minsan tuloy, kapag binababa na namin sa mga subordinates ang mga direktiba nila, eh nagiging sabog-sabog din kami.


Isa pang kinaiinisan ko kay Poknat ay yung ugali nya na kung sino lang ang masalubong nya sa hallway o kahit saan, yun ang uutusan nya ng kung anu-ano na hindi naman related sa mga tasks namin. Madalas akong mabiktima nito. Bwiset.


Tapos, yung mga meeting nya sa amin na nakakayamot talaga. Isa na namang pamatay oras.


Ang daming nasasayang na oras dahil sa mga meeting na iyan. Kaya nga ngayong bagong buwan na naman (October), diskarte na namin kung papaano maa-accomplish ang mga monthly reports namin sa kabila ng mga meeting na walang kwenta.



***


Isa lang ang mga boss ko na nagpapainis sa akin. Wala pa dyan ang sama ng loob ko sa ibang tao na nakakasalamuha ko araw-araw sa opisina.

Hindi naman sa nagtatanim ako ng galit sa kanila. Minsan may mga nakakapikon lang silang ginagawa.

Tulad ng mga ilang subordinates na feeling nila eh inaabuso na sila sa trabaho samantalang may mga petiks moments din naman sila. As if nagkakaugaga sila sa pagtatrabaho, hindi naman.




***



Buti na lang at wala kaming pasok bukas. Walang masyadong bwiset bukas. Hahaha...