Friday, January 23, 2009

Bulag na "Date"

Itong kaibigan ko back in College, nagtext bigla sa akin nung Sunday after a long while.

Meron siyang ni-rereto, mag-blind date daw kami. Hahaha..

So yun, he forwarded her number to me, ako naman, wala lang, sakyan na lang! Hehehe...

Isa raw siyang CPA (Certified Public Accountant), wow naman! Isang taon kami ahead sa kanila, at schoolmate namin nung High School and College. Whoa! Ka-batch ng younger brother ko.

So dali-dali kong kinuha yung Year Book ng kapatid ko, tinignan ko... and voila.. "Siya pala yun!" hehehe..

Then after that, tinext ko naman, nagdugo nga ilong ko sa kaka-english sa text eh.. hahaha...

Nag-rerespond naman.. hehehe...

Ito namang college friend ko na ito, kinukulit ako, tinatanong kung kailan ang date.. hahaha...

So hayun, na-pressure tuloy ako at inaya ko agad sa isang date yung ka-text ko.

Pambihira, 1st time kong gagawin ito.. ang makipag-date sa hindi ko kakilala, as in "talaga lang huh?" hehehe...

So, after 2 days, pumayag siyang makipagkita. Tuesday is the day.

Nagkita kami sa SM Clark, 6:30 PM daw.. tumawad siya dahil ang unang usapan ay alas-sais impunto.

Kinakabahan ako habang naghihintay, hahaha... Iba talaga pag first time. :-)

Medyo na-late pa siya ng mga 10 minutes.. pero ok lang...

Hayun dumating siya, naka-violet dress...

Shaking hands kaagad ang eksena.

Kwentuhan tungkol sa kung sinu-sino ang mga common friends, tungkol sa school and basically kung papaano nangyari ang ginagawa namin.. hahaha...

Nasambit nya.. Ang weird daw ng feeling sa ginagawa namin, first time din daw nyang makipag-blind date. Asus! Hehehe...

Ako man, feeling awkward din... pero siyempre, I have to be spontaneous. No dead air dapat. Hahaha...

I guess I really did my best para hindi siya ma-bore... kahit hindi ko natural ang pagiging madaldal, effort talaga ang ginawa ko...

Pero, komento nya, suplado daw ako. What????!

Hahaha... wala akong nasabi.

About her naman, deretsahan na 'to (hehehe)... ok naman siya.

Matalino, articulate, cute and friendly.

However, it's too early to say that I like her.

Walang kilig factor.. hahaha... feeling ko nga nagmukha akong Big Brother nya eh..

A second date? Hmmm.. we'll see...


****

Kinabukasan, Wednesday... may date ulit ako...

This time, to another girl... hehehe...

Well.. just a friendly date. :-)

Sunday, January 18, 2009

The Curious Case of Benjamin Button

Sa title palang ng movie, na-curious na ako. Hehehe.. So I decided to watch it.

Kasing haba ng title ang duration time ng movie...hahaha.. Lagpas 2 hours lang naman.

Naalala ko tuloy yung pelikula na pinanood ko sometime in 2005, mahaba rin ang title: "Lemony Snickets: A Series of Unfortunate Events" starring Jim Carrey.

This time, mas serious naman itong The Curious Case of Benjamin Button.

I don't want to be spoiler, pero eto ang aking overview sa movie na ito:

The story is about Benjamin Button, syempre. November 11, 1918 siya ipinanganak sa New Orleans. At kakaiba ang buhay nya sa lahat, as in ang gulo ng buhay nya! Hehehe...

Ipinanganak siya sa edad na 86. Yep, baligtad ang buhay nya.

At papaano sya lumabas sa sinapupunan? Well, sasagutin ko 'yan.. hehehe.. sanggol siyang iniluwal pero kasing kulubot naman ng isang lolo ang kanyang balat, napagkamalan tuloy siyang monster ng kanyang itay. Ang kanyang inay naman ay namatay pagkatapos nya mismong nanganak.

Bakit naman naging ganito ang buhay ni Benjamin? Well, hindi ko rin alam. Hahaha.. pero ang natatandaan ko sa movie, parang sa kanya um-epek yung ambisyon ng isang imbentor na gumawa ng orasan na pabaligtad.. as in ire-rewind ang mga pangyayari.

Basta ganun, kung curious kayo, panoorin nyo rin. Hehehe....

Sensible naman ang movie, mapapaisip ka.. ako nga hindi nakatulog sa napanood ko.. hahaha..joke!

However, hindi rin naman ito feel-good movie. And unlike sa Slumdog Millionaire, hindi ko alam kung maraming matutuwa sa ending ng pelikulang ito.

Tuesday, January 13, 2009

Slumdog Millionaire

"Kaun Banega Crorepati" --salitang Hindu na ang ibig sabihin ay "Who Wants To Be A Millionaire?"

I've just watched this movie "Slumdog Millionaire".

Umikot ang istorya sa magkapatid na Jamal at Salim, kay Latika na kababata nila, at ang game show na Who Wants To Be A Millionaire, India version.

Naging kontrobersyal ang pagkapanalo ni Jamal ng limpak-limpak na salapi sa game show na ito.
At kahit mismong host ng game show ay nagduda sa kagalingan nitong si Jamal sa pagsagot sa mga katanungan.

Bakit nga ba nya alam ang mga sagot? Genius ba siya? Nandaya? Maswerte? O talagang destiny nya na mapanalunan ang 20 million Rupee Jackpot Final Question?... hehehe.. ang haba...

Isang batang walang pinag-aralan si Jamal... at panoorin nyo na lang kung papaano nya nasagot ang mga katanungan sa game show na ito katulad ng "Sino ang nag-imbento ng Revolver?", "Kaninong pagmumukha ang nakalagay sa US $100?", "Sino ang pangatlong Musketeer bukod kina Athos at Porthos?"... iyan at iba pa, nasagot nyang lahat yan.



Parang may pagka-Maalaala Mo Kaya ang pelikula. Hehehe.. Marami kasing kadramahang pinagdaanan itong si Jamal.. kahirapan, kalupitan at ang kanyang buhay pag-ibig.

Nasiyahan naman ako sa movie na ito kahit papaano.. hehehe... I believe, potential itong makapasok sa Academy Awards...

Kung hindi makapasok.. well.. ganyan talaga.. "It is written." Hehehe