Wednesday, August 29, 2007

Total Eclipse of My Heart


This day has been a very busy one for me. I and other co-employees (Sir Chris, Madam Reggie, Miss Erlin, and the driver kuya Edwin) went to Mamplasan, Laguna to visit the Plant Area of one of the suppliers of our company. We spent the whole day auditing and checking the quality of their products. Most of our findings were about their products being processed outside their Clean Room Area. We questioned the cleanliness and their control on how to keep and maintain their products free from dust and dirt even before they will reach our company. Another thing is the safety of their workers. We observed that most of their workers do not wear Personal Protective Equipment (PPE) to somehow prevent them from accidents because of their unsafe condition and environment. As a whole, most of our findings were admitted and accepted its veracity, and hopefully would be considered by them to make corrective actions and countermeasures.
We left the plant site at about 3:30 PM, earlier than the usual 5 PM dismissal so as to avoid heavy traffic during rush hour. We managed to arrive back in Pampanga at about 6 PM.

Tama na ang kaka-English. Dumudugo na ang ilong ko dahil nauubusan na ako ng ingles. Hehehe. Gusto ko lang naman sabihin na habang bumabiyahe kami pauwi (na nataon na magtatakip-silim) ay ino-obserbahan ko na ang kalangitan. Doon ako nagsimulang mayamot dahil nakikini-kinita ko na na magiging maulap ang buong gabi na inaasahan ko na kabaligtaran ang mangyayari.

Pero bigo ako. Nagka-stiffed neck na yata ako sa kakatingala sa kalangitan bawat minuto na magdaan. Wala talaga. Hindi ko talaga makikita ang Total Lunar Eclipse na matagal-tagal ko ring inabangan.

At hindi ako nagkamali. Wala akong nasaksihan. Happy Fiesta na lang sa amin! (Fiesta talaga sa baranggay namin ngayon.)

Kung sa bagay, naka-witness na rin naman ako ng ganitong phenomenon. Huling Lunar Eclipse na nasaksihan ko ay tatlo o apat na taon na yata ang nakalilipas. Hindi talaga ako natulog hanggang alas-kuwatro ng madaling araw dahil inaasahan na magsisimula ang pagdaan ng anino ng mundo sa kabilugan ng buwan sa ganap na alas-dos ng madaling araw. At nangyari nga iyon.

Sa ngayon, tila umuwing-luhaan muna ang eksena ko. One thing is for sure: I just have to wait for February 2008 to finally witness again this spectacular event (well for me) that is rarely seen in the sky.

Monday, August 27, 2007

Remarkable words during office hours...

Ito ang mga salita na lagi naming naririnig na bukambibig ng aming mga boss at ng ilang katrabaho na minsan ay pinagmumulan ng katatawanan dahil wala lang kaming mapag-usapan... (at wala rin akong maisip isulat sa blog kong ito ngayon kaya i just wanna share...)

*Thinking -- sampong ulit siguro 'yang sinasabi ng aming boss as in "Ang thinking ko kasi...", "Ang thinking kasi ng mga Japanese..." (Bakit kaya hindi na lang nya sabihing "Ang iniisip ko kasi..." hahaha!)

*Basically -- isa pang nakakahawang salita na minsan ay nakakarindi na sa pandinig. Ito ay madalas marinig sa tuwing meron kaming Presentation of Reports kaharap ang mga boss at mga Hapon, basically!

*Mind set -- gamit ng boss ko kapag gusto nyang ipa-intindi at ipa-realize sa amin na may lapses ang aming sistema o ang aming perception sa mga bagay-bagay ay mali... As in ganito minsan ang sinasabi nya: "I-mind set ninyo sa inyong mga mind na blah blah blah..." Hanep! Yes sir, ima-mind set namin sa aming mga mind yan!

*Cascade -- wow naman, ginagamit ng boss ko para sabihin lang sa amin na dapat iparating ang mensahe o direktibo sa aming mga subordinates... as in "Kayong mga Engineer, dapat ninyong i-cascade ang HR memo na ito sa inyong mga subordinates." Saan kaya nya natutunan ang pagamit ng salitang yon?

...yan muna, sa susunod na ang iba... tinatamad akong mag-type, basically. Hehehe.

Friday, August 17, 2007

Ikaw laban sa Isang Daan

Naramdaman mo na ba na tila pinagtutulungan ka ng mga taong nakapaligid sa'yo? Siguro.


Yun ang isa sa pinaka-ayokong mangyari sa buhay ko-- Parang wala kang kakampi at karamay. Nagpapasalamat pa rin ako at hindi madalas mangyari sa akin yun.
Ika nga nila, parang laro lang buhay, parang isang game show sa telebisyon. Kailangan mong gawin ang lahat para manalo at makamit ang pinakamataas na premyo na makakaya mo. Ganun nga ba? Hindi siguro laging ganun. Kailangan pa rin ng diskarte. Naniniwala ako na hindi rin maganda minsan ang magpakitang gilas kaagad. Hinay-hinay lang, ika nga.


Relax lang. Kahit ba feeling mo na laging nakabantay at nakamasid sa'yo ang "the most hated mob in the world", para sa akin, ang "technique" dyan ay makipaglaro ka rin sa kanila.


***


Last Sunday, nag-invite for a treat si Alhon, galing Dubai pero babalik din (actually ngayong araw na ito). Hayun, na-miss din namin siya dahil halos isang taon din namin siyang di nakita. Then sa sobrang busy nya (meeting his other friends), hindi na siya nakasama sa aming videoke concert. Hehehe. Todo to the max na naman kami. Yung balak na isang oras, naging 3 oras mahigit. As if ang gaganda ng mga boses namin. Hahahaha...