Sa seventh floor ang kwarto ko, picture kaagad from the window!
Tuesday, August 19, 2008
Japan Invasion [Part 5: Hotel Mets, Fukushima]
Ginabi kami sa kakalibot sa Tokyo. Nakasakay na kami ng Japan Railway at about 8 in the evening. Hindi ko alam kung eto na ba yung sinasabi nilang bullet train, pero sabi kasi ng officemate ko semi-bullet train lang iyon na may dalawang palapag. But in fairness mabilis na yung humigit-kumulang dalawang oras para sa 250-kilometer travel. Parang nagbiyahe kami ng Manila to La Union or Baguio. Hindi na kami nakapag-dinner dahil nga gahol kami sa oras. Ang huling kain namin ay sa Mcdo sa Asakusa, mga 5PM yun. Pagdating namin ng alas-diyes ng gabi sa Fukushima, tahimik na ang syudad. Pero may ilan-ilan pang bukas na store. And guess where kami kumain? Sa Mcdo ulit! Hahaha. Si lolo talaga, binubusog kami sa Mcdo. Hehehe. Pero no choice nga naman kasi yun na lang ang pinakamalapit sa Hotel.

Masubukan nga itong bath tub na ito.
Hotel Mets. Affordable daw dito sabi ng boss ko. Ewan, hindi naman kami yung nagbayad. Hehehe
Biruin mo na ang lasing, h'wag lang ang bagong gising... lalo na kung naho-homesick! Hehehe
Eto ang tinitignan kong view habang naho-homesick.
Ang news sa tv, isang oras ang weather report... wala bang pulis report dyan tulad ng mga nagsaksakan sa kanto, nagsuntukan sa presinto, natiklong holdaper?
Galawin ko nang lahat, h'wag lang ang laman ng ref. Hehehe
Bakit walang trapik?
Sunday, August 03, 2008
Japan Invasion [Part 4: Ueno, Shibuya, Ginza, Akihabara, Tokyo Proper]
After Asakusa, nilibot kami ni boss, again sa kung saan-saan. Hehehe... Nakailang beses yata kaming sumakay ng tren at taxi, di ko na mabilang. At syempre mabilisan ang mga nangyari. Hehehe...
Kapag nakalagay sa ticket mo na 11:44 darating ang tren mo, hindi pa yan yun dahil 11:38 pa lang... or something like that. Hehehe..
Teka, nagugutom na kami... saan pa? Eh di sa Mcdo! Triple ang presyo ng value meals nila sa Japan...
Hala, lakad pa! Don't forget the traffic light bago tumawid... wala tayo sa Pilipinas. Hehehe..
Ito ang Ginza, ang isa sa mga pinaka-sosyal na lugar sa Tokyo. Sunday ito kaya pwedeng dumaan ang mga tao sa avenue. Ewan ko kay boss bakit kami dinala dito, wala naman kaming pera. Hahaha.. At pumasok pa talaga kami sa mga stores like Prada, Tiffany and Co., Gucci, etc.. ano yon, hanggang tingin na lang? Hehehe.. Anyway, di naman ako masyadong naakit dito dahil di naman ako materialistic. Hahaha...
At ang kapatid ni Eiffel... wow talaga ito... Kaya lang di na kami nakalapit pa rito kasi kulang na kami sa oras. Sayang, di man lang ako nakasakay sa elevator papuntang tuktok nyan... Hanggang tanaw na lang kami... Hehehe. Nakakalula rin sa laki itong Tokyo Tower na ito!
Then proceed kami sa Nippon Sheet Glass (NSG) Head Office. Ito kasi yung mother company ng ng company namin. Bukod pa ito sa pupunatahan naming planta sa Fukushima, mga 250 kms away from Tokyo. Hinintay pa talaga kami ng Taxi na sinakyan namin papunta dito... para sakyan ulit paalis.
Diretso kami rito sa Akihabara. Ang lugar na ito ay kilala sa mga tinadahan ng mga electronic gadgets, cellphones, computers, etc. At bakit kami dinala ng boss namin dito? Dahil pinakita nya sa amin kung saan napupunta ang ilang LCD na mina-manufacture ng company namin. Wala lang, pa-impress siya. Hehehe.. Dito lang ako nakakita ng mga cellphones na nasa labas ng tindahan at nakalagay lang sa mga tuntungan (parang bangketa) at hindi masyadong binabantayan. Kung sa Pilipinas lang yan, dekwat na lahat yun! Hehehe...
Kapag nakalagay sa ticket mo na 11:44 darating ang tren mo, hindi pa yan yun dahil 11:38 pa lang... or something like that. Hehehe..Diretso kami rito sa Akihabara. Ang lugar na ito ay kilala sa mga tinadahan ng mga electronic gadgets, cellphones, computers, etc. At bakit kami dinala ng boss namin dito? Dahil pinakita nya sa amin kung saan napupunta ang ilang LCD na mina-manufacture ng company namin. Wala lang, pa-impress siya. Hehehe.. Dito lang ako nakakita ng mga cellphones na nasa labas ng tindahan at nakalagay lang sa mga tuntungan (parang bangketa) at hindi masyadong binabantayan. Kung sa Pilipinas lang yan, dekwat na lahat yun! Hehehe...
Napagod talaga kami ng husto sa paglilibot sa Tokyo. Pero ok lang. Isa nga sa mga pinagsisihan ko ay yung hindi masyadong pagkuha ng litrato sa mga tanawin na magaganda. Kulang talaga kasi kami sa oras at mabilisan ang lakad ni lolo. Maayos ang syudad ng Tokyo. May mga uwak pa nga na aaligid-aligid at sumasampa sa mga poste at traffic lights. It only means that even if the place is so modern, may mga puwang pa rin ang nature. Malinis, walang usok, tunay na clean and green talaga. Ang mga walls, roads, flyovers, hindi nangingitim unlike sa Manila. Wala talagang polusyon. Kailan kaya magiging ganun ang lugar natin?
Saturday, July 26, 2008
Japan Invasion [Part 3: Asakusa]
From Narita Airport sumakay kami ng tren papunta kung saan... Hindi kasi namin alam kung saan kami dadalhin ng boss naming Hapon. Hayun, bumaba kami sa Ueno station at una kong nasilayan ng husto ang Tokyo. Wow! Ang ayos tignan ng mga buildings, ang daan ay organize, at ang hangin walang usok considering nasa syudad kami. Sumakay kami ng Taxi na may radar. Hehehe. Lahat ng Taxi nila high-tech na, pati mga driver ang ayos ng uniporme.
Bumaba kami ng Asakusa. Ang daming tao. Nung una, hindi ko alam kung ano bang klaseng lugar iyon. Pero sa entrance palang, kinuhanan na kami ng litrato ni boss. Sa dami ng tao, hindi makakuha ng tyempo si boss. "Sumimasen! (Excuse me!)", pasigaw na sambit ni boss nung may humarang na matanda sa harapan namin habang kukunan sana nya kami. Hahaha. Hanggang sa kalye ba naman boss pa rin kung umasta si Sir. Hehehe...
Then pumasok kami sa loob, marami talagang tao.

Eto ang ilan pa sa mga litrato namin sa Asakusa:
Sabi ni Lolo, magtapon daw kami ng barya then make a wish... Kakaiba ito. Ibang-iba sa mga napapanood ko sa TV. Hahaha
Fortune Teller daw ito... Hmmm... Good Fortune ang nabunot ko...
Oy Sir Ronnel, ulo mo ba ang parte ng katawan na kailangan daw i-cleanse? Hehehe
Bumaba kami ng Asakusa. Ang daming tao. Nung una, hindi ko alam kung ano bang klaseng lugar iyon. Pero sa entrance palang, kinuhanan na kami ng litrato ni boss. Sa dami ng tao, hindi makakuha ng tyempo si boss. "Sumimasen! (Excuse me!)", pasigaw na sambit ni boss nung may humarang na matanda sa harapan namin habang kukunan sana nya kami. Hahaha. Hanggang sa kalye ba naman boss pa rin kung umasta si Sir. Hehehe...
Then pumasok kami sa loob, marami talagang tao.
Eto ang ilan pa sa mga litrato namin sa Asakusa:
Subscribe to:
Posts (Atom)

