Sunday, April 29, 2007

Sunday Session


Just finished listening to 99.5 Hit FM (RT), tonight's guest was Itchyworms. Ayun kwela naman sila. Everytime I listen to that station, I remember Miss Lea, also known as Miss Acoustic of G-blogs. She was the one who recommended to me to listen to that station, especially its radio program airs every Sunday evening. Year 2005 lang nung maka-text ko si Lea and I found her really cool. Ayun, chika-chika about anything. Actually, hindi lang naman siya ang naging text/blog friend ko, marami rin sila. I really miss chatting with them. As for Lea, goodluck sa inyo ni Edu. Best wishes. Hehehe...

Back to the Sunday Session, the radio program is so great. Live yung pagkanta ng mga guest singer or band. Then there is a portion na pwedeng magtanong ang mga caller sa guest... anything. Kanina, medyo ok naman ang Itchyworms, though they are not really my favorite, magaganda naman ang mga song nila kahit papaano. Hehehe. Finale song nila ay ang walang kamatayang "Beer".

Few of my favorite episodes sa Sunday Session ay nung mag-guest si Nina, Parokya ni Edgar, Kamikaze, at Orange and Lemons.


Baguio 2004

Fifth year college kami nung nag-field trip kami sa Baguio. Ang purpose talaga ng trip na iyon ay Power Plant Visit sa iba't-ibang Electrical Power Plant sa Northern Luzon. Pero hindi talaga naisakatuparan iyon dahil... ewan sa Organization President namin!!!

Anyway, masaya naman ang trip namin kaya lang may nangyari lang na di inaasahan. Secret na iyon. Hehehe... Ito pala ang isa sa mga picture namin nung time na iyon. (February 2004>> Bago mag Panagbenga)

From the left: Si Paul na nasa loob ng bulsa ang kamay.... Si Wilfredo na nakataas ang kaliwang kamay... Si Lavernie na naka-bonnet... Si Elmer na full effort ang pag-project (hehehe)... Si Dhez na a.ka. Britney Spears (hehehe)... Si Jerold na full smile... Si Dennis na naka-white shirt {at kuripot} (hehehe)... Si Berlin na super bait (mabait talaga yan!)... at si AKO!!!

Friday, April 27, 2007

Videoke sa SM Clark


Nagkayayaan bigla na mag-videoke kami after work nung Tuesday. Eto ang kuha ni Ms. Debs... from left>> si Zha-zha, Pinky, Ako, and si Rogie. Napakanta nila ako ng Harana. Hay ewan ko ba kung bakit yun ang kinanta ko kasi wala akong maisip. Hehehe... Eto ang mga kinanta nila: Si Zhazha=You're All I Need, Pinky=Breathless, Debs=Sway, Rogie=Wherever You Will Go.... Yun lang.

********************

Malapit na ang buwan ng Mayo. Malapit na rin ang tinatawag na transition period... ang pamamaalam ng panahon ng tag-init. Honestly, I feel I have fear of lightning or what we call astraphobia. Isa sa mga hate kong panahon sa loob ng isang taon ay ang manaka-nakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. Though, I enjoy rainy season because of cold weather (ang sarap humiga at mag-unat-unat sa kama), ayoko naman yung may kasamang kidlat. Kayo, what is your phobia?

Tuesday, April 24, 2007

Evacuation Drill

Nagsagawa ang aming kumpanya ng isang Evacuation / Emergency Drill kanina. Ok naman ang kinalabasan kahit na hindi ako masyadong nag-participate sa demonstration dahil marami kaming masyado sa Fire Brigade Team. Bukas ilalabas ang over-all evaluation sa aming isinagawang drill. Hindi lang fire drill ang ginanap kanina, pati na rin ang first-aid demonstration, chemical spill, at evacuation exit (earthquake or fire) ng mga empleyado. Mabuti na ang laging handa sa sakuna. Pero ang tanong ko lang, sa aktwal na kalamidad kaya, mai-aapply namin ang dry-run na ito? In the first place, I hope walang sakunang mangyari sa kumpanya namin. Knock on wood...

*** Sa ibang topic naman, may kumakalat na letter sa loob ng kumapanyang ito -- mula sa hindi pa natutukoy na indibidwal o grupo. Nagbabanta kasi ang tema ng sulat na ito na ikinakalat sa mga hallway bulletin, comfort room at sa canteen daw. Mga hinanakit sa kumpanya, mababang pasweldo at pagiging unfair umano ng top management ang nasasaad. Mukhang galit ang grupo na ito dahil nagbabanta na isasabotahe ang anumang tansaction sa loob ng production. Ikinaalarma tuloy ito ng management at ibang empleyado. Hay naku, as an observer, hindi pa ako fully makakapagbigay ng aking opinion tungkol dyan. Abangan ko muna ang susunod na kabanata...

Sunday, April 22, 2007

Election Theme Songs


Hindi na nga talaga mapipigilan ang mga kandidato sa politika ngayong darating na halalan. Kanya-kanyang gimik ang kanilang ipinamamalas. Siyempre, hindi mawawala ang kanya-kanyang theme song or jingle para somehow ay tumatak sila sa isipan ng mga botante.

Ano nga ba ang sikat? Para sa iba, hindi mahalaga kung ano mang gimik ang kanyang ipinapakita basta maganda ang kanyang hangarin at plataporma. Pero para sa akin, at marahil sa aking obserbasyon, hindi lahat ng mga botante ay ganyan mag-isip. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, pero naniniwala ako na marami pa rin sa atin ay madaling madala sa mga political ad na nakikita natin sa telebisyon, o sa mga naglalakihan at makukulay na tarpulina sa kalye.

Nakalulungkot lamang isipin na para sa mga kandidatong ito, nagiging popularidad na ang labanan. Oo nga't ganun talaga ang sistema natin, in fact, by popular votes talaga ang basehan sa kung sino ang mga mananalo. Kaya nga't kahit paulit-ulit ang mg naririnig nating paalala, dapat pa rin nating isakatuparan ang masusing pagpili at pagboto sa mga kandidato ngayong eleksyon.


Sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan ngayon


Kalagitnaan ng Pebrero ngayong taon ay nakapasok ako sa kumpanyang ito. Medyo masalimuot ang pinagdaanan ko bago ako nakapasok. Hindi naman dahil sa kahigpitan para makapasok sa kumpanya kundi ang proseso ng clearance ko sa dating kumpanya. Muntikan na yatang hindi ibigay ang clearance ko, hindi dahil sa may bad record ako or whatsoever kundi dahil sa ginawa ng napakabait kong boss doon. Grabe ang ginawa nyang kahihiyan sa akin. Pero lahat ng iyon ay hinarap ko pa rin with composure (hehehe) dahil inisip ko na lang kung papaano ako magkakaroon ng graceful exit doon. Actually, extension na nga ang ibinigay ko sa kanila dahil February 3 pa lang dapat wala na ako doon. At sa ibinigay kong extension, mukhang ako pa ang naging masama sa paningin nya. Ewan kung hard time lang ba ang ginawa nya pero ganun pa man, hindi pa rin nakatutuwa. Alam kong mali rin ang ginawa kong AWOL noong January 31 hanggang February 1, pero hindi pa ba common sense yon na nagre-render na lang ako after filing my resignation on January 24? Hindi ko na lang kinontra ang mga patutsada nya dahil nga iniisip ko ang clearance ko. Kahit na hindi maganda ang ginawa nyang pang-aaway sa HR ng kumpanya ko ngayon, idinaan ko na lang sa mabuting pag-eeksplika sa mga taong inaway nya. To give you a hint, inaway nya ang HR ng kabilang kumpanya (kumpanya ko ngayon) dahil daw pina-pirate nila ang mga empleyado nila. Isang malaking "HUH?" ang reaksyon ko, at marahil sa mga taong pinagkwentuhan ko nito. Napakakitid ng utak nya para sabihin iyon. On the other hand, he just provoked me to pursue my planned transfer to another company. Siniraan nya pa ang kabilang kumpanya as if wala silang kabulukan sa kumpanya nila. Well, hindi naman umubra ang mga pasaring nya. Wala nang effect sa akin...

Sa ngayon, ok pa naman ako sa kumpanyang ito. As I go along, ewan kung ganito pa rin ang magiging reaksyon ko sa mga susunod na post ko. Heheh... We will all see...

Saturday, April 21, 2007

In memory of my lola...


Nagluluksa pa rin ang aming pamilya sa pagkamatay ng aking lola noong April 10. Namatay siya sa ospital dahil sa kumplikasyon dulot ng kanyang sakit na diabetes. Huling dalaw ko sa kanya sa ospital ay noong April 8, linggo ng pagkabuhay. Malungkot dahil sa edad nyang 71, eh di na nya nakayanan pa ang mabuhay.

Mabait ang lola kong iyon. Hindi na mabilang ang mga tulong na ginawa nya sa amin, sa kanyang mga apo. Pero, life is full of surprises. Hindi natin mapipigilan ang kagustuhan ng nasa itaas. Noong gabi bago siya lagutan ng hininga ay sumugod lahat sa ospital ang kanyang mga anak (except sa isa na nasa abroad) dahil nahihirapan na siyang makahinga. Hanggang umaga ay respirator na lamang ang bumuhay sa kanya...

Hindi ko napigilang lumuha habang siya'y inililibing sa El Retiro Cemetery, katabi ng puntod ng aking lolo (sumakabilang-buhay noong 2002). Pero panatag ang aking kalooban na silang dalawa ay nasa mabuti nang kalagayan.

And life must go on...

Friday, April 20, 2007

Salamat, Julia.

I may not know you personally, from the bottom of my heart... I want to thank you for loving our country. May you rest in peace.

http://www.juliainthephilippines.blogspot.com