Sunday, April 22, 2007
Election Theme Songs
Hindi na nga talaga mapipigilan ang mga kandidato sa politika ngayong darating na halalan. Kanya-kanyang gimik ang kanilang ipinamamalas. Siyempre, hindi mawawala ang kanya-kanyang theme song or jingle para somehow ay tumatak sila sa isipan ng mga botante.
Ano nga ba ang sikat? Para sa iba, hindi mahalaga kung ano mang gimik ang kanyang ipinapakita basta maganda ang kanyang hangarin at plataporma. Pero para sa akin, at marahil sa aking obserbasyon, hindi lahat ng mga botante ay ganyan mag-isip. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, pero naniniwala ako na marami pa rin sa atin ay madaling madala sa mga political ad na nakikita natin sa telebisyon, o sa mga naglalakihan at makukulay na tarpulina sa kalye.
Nakalulungkot lamang isipin na para sa mga kandidatong ito, nagiging popularidad na ang labanan. Oo nga't ganun talaga ang sistema natin, in fact, by popular votes talaga ang basehan sa kung sino ang mga mananalo. Kaya nga't kahit paulit-ulit ang mg naririnig nating paalala, dapat pa rin nating isakatuparan ang masusing pagpili at pagboto sa mga kandidato ngayong eleksyon.