Saturday, May 26, 2007
Sukob na!!! Halika na!! Sabay tayo sa payong ko!
Wala naman pala akong payong. Hehehe.. Hayun, nabasa ako ngayong gabi sa pag-uwi ko. Tag-ulan na nga talaga. Gusto at ayaw ko ang season na ito. Hehehe... Gusto ko dahil masarap matulog sa bahay lalo na sa gabi. Ayaw ko kasi most of my time is spent to work. Nakakabitin lang ang masarap na tulog. Kaya nga minsan, sa sobrang busy sa work, gusto ko diretso na sa bahay after that. Bawas-bawasan ko muna ang lakwatsa. Naaalala ko tuloy nung bata pa ako (here I go again, hehehe), tuwing hapon eh lagi kaming pinipilit matulog para daw lumaki kaagad, eh pasaway ako nun kaya nagtutulug-tulugan na lang ako dahil excited akong makipaglaro sa mga kaberks ko sa labas ng bahay. Now I realize my craving for sleep. Gusto ko ng mahabang tulog!!!! Matulog lang ha, hindi matigok. LOL!
Wednesday, May 23, 2007
Isumbong mo... kay Henry!
Kanina, lumapit sa akin ang technician ko... nagsusumbong dahil pinagalitan daw siya ng isang sub-leader sa loob ng production. Hinayaan ko muna siyang ikwento kung ano talaga ang nangyari... So after nyang isinalaysay ang nangyari, tinawagan ko agad yung sub-leader na yon.
Siyempre, todo-pagtatanggol ang ginawa ko sa technician ko. Pagalitan ba ang technician ko dahil ginagawa lamang nya ang kanyang trabaho. Karamihan kasi sa mga tao sa Production eh hindi pinahahalagahan ang "role" namin. Ngayon pa siya umasta ng ganyan, ngayong TS Audit namin. Hayun, medyo tinarayan ko nga sa telepono. Nag-deny pa siya na hindi naman daw nya pinagalitan ang technician ko. Naku...
**************
TS Audit namin ngayon at bukas. Good luck na lang sa akin. :-)

Tuesday, May 15, 2007
Boto ko, i-blog ko!
Alas-sais pa lang ng umaga kanina ay gumising na ako. Binuksan ang telebisyon at ang computer. I saw Korina and Ted over ABS-CBN; and on the internet, live streaming naman sa gmanews.tv with Vicky and Arnold. Wala lang, I just felt that I should be aware of the latest news about this midterm election before i go to my precinct to vote. Seemed like i was so excited to exercise my right to suffrage, well, partly.
Past 8 am na ng umalis kami ng bahay with my nanay, my younger sister and my elder brother. Hinintay ko pa kasing matapos si PGMA na makaboto sa Lubao na naka-cover sa tv station. Hehehe. Just wondering if who between Mark and Lilia would she be voting for to be Pampanga's Best, este Governor. Then, hindi naman pala nya ni-reveal kung sinu-sino ang mga binoto nya. Hehehe. It's her right, yeah.
Then we came to the school, Sandico or Sandica (or whatever) Elementary School (Sa pangatlong pagkakataon akong bumoto doon, hindi ko pa ma-memorize ang eskwelahang iyon). Ang unang eksena namin syempre ay ang paghahanap ng aming presinto. Asus, nilibot ko pa ang buong school not knowing na katabi lang pala ng Entrance Gate ng eskwelahan ang aking presinto. Hehehe. Hayan kasi, atat kasi na halughugin muna ang kadulu-duluhan ng school eh nasa malapit lang pala. Hahaha. Lesson learned.
"Madam, number 86 po," sambit ko sa teacher-inspector pagkapasok ko sa aking presinto. Then tinanong nya ang whole name ko at ang birth date. After that, binigyan na ako ng ballot, pinapirma at pina-thumbmark sa listahan nila.
Siguro mga sampung minuto din ako sa aking upuan dahil sa mga last minute decision ko kung sino pang pwedeng ilagay sa aking balota. Kina-career ko talaga. Hehehe. Then, I came up with complete roster, hindi ako nag-iwan ng blanko. Hehehe. And if you ask me who were my bets, I prefer to invoke my right to privacy. Hahaha... Di ba, Gloria and Iggy?
Friday, May 11, 2007
Kung sino'ng di mababaliw sa ulan...
Pag-uwi ko kanina galing work ay inabutan ako ng napakalakas na ulan sa daan. Huh? ! Nabasa tuloy ako. Bad trip din yung kalye na dinaanan ko, buwisit, wala akong choice kundi ang suungin yung baha. Naku, di pa nga ako nakakapag-adjust sa tindi ng init ng panahon, hayan na naman ang pagbabagong ating haharapin. Buhay nga naman, very unpredictable.
****
Is Summer officially over? Duh! Hindi pa nga ako nakakapag-swimming sa mga resort, eh hindi ko namamalayang patapos na pala ang Summer. Anyway, as always, meron pa namang NEXT TIME.
****
Dadamdamin ko na lang ang ulan na iyan. Actually, until now na maga-alas onse na ng gabi ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Maganda ito, menos sa kuryente dahil di ko muna bubuksan ang electric fan sa kwarto. Talking about Energy Conservation....
****
Na-Audit pala ang section ko kanina ni Mr. Sakuma, isang Hapon na QA Specialist. Medyo nahirapan lang ako sa kanyang ingles. Oh thanks dahil buti naman at naisipan nyang magsama ng interpreter. Medyo sa interpreter na lang ako nag-rely sa mga hindi ko ma-gets na salita nya. Sa totoo lang, ayokong dumating ang panahon na ma-isaulo ko na ang istilo ng English nila. Napaka-barok, as in. Feeling ko kasi, kapag naintindihan ko na ang pagsasalita nila ng English, eh hindi ko na maiintindihan yung normal na paggamit at tamang pronunciation ng lengguaheng iyon. Knock on wood, wag naman sana....
****
O ulan, bakit mo binabakbak ang mga poster ng mga kandidato? Toink! Galit na tuloy si Mister Bean, oh!

Wednesday, May 02, 2007
Fruit of Labor
No work today. Just spent my whole day in our house. Kung anu-ano na naman tuloy ang iniisip ko. Nakaka-depress. Ewan ko ba kung bakit ganun ako. I go straight to the point. Bumabagabag na naman sa isipan ko ang kasalukuyang career ko... or should I say, meron ba akong career?
Nataon pa man din na Labor Day ngayon sa Pinas. Proper timing ba ito? Ah ewan. Siguro nga ay feel na feel ko lang ang Labor Day... ang pakikipagsimpatya sa kasalukuyang problemang kinakaharap ng mga manggagawang Pinoy. Guff! Ano ba ito, lume-level up na talaga ang pagse-senti ko rito. Baka batuhin nyo na ako ng kamatis sa kadramahan ko. Pero pagpasensyahan nyo na ako dahil one outlet ko lang naman ito para maibsan ang kalungkutan at "insecurities" ko sa buhay.
At the end of the day, I realize that I should always thank God for I am still blessed. No questions asked.
Subscribe to:
Posts (Atom)