Pag-uwi ko kanina galing work ay inabutan ako ng napakalakas na ulan sa daan. Huh? ! Nabasa tuloy ako. Bad trip din yung kalye na dinaanan ko, buwisit, wala akong choice kundi ang suungin yung baha. Naku, di pa nga ako nakakapag-adjust sa tindi ng init ng panahon, hayan na naman ang pagbabagong ating haharapin. Buhay nga naman, very unpredictable.
****
Is Summer officially over? Duh! Hindi pa nga ako nakakapag-swimming sa mga resort, eh hindi ko namamalayang patapos na pala ang Summer. Anyway, as always, meron pa namang NEXT TIME.
****
Dadamdamin ko na lang ang ulan na iyan. Actually, until now na maga-alas onse na ng gabi ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Maganda ito, menos sa kuryente dahil di ko muna bubuksan ang electric fan sa kwarto. Talking about Energy Conservation....
****
Na-Audit pala ang section ko kanina ni Mr. Sakuma, isang Hapon na QA Specialist. Medyo nahirapan lang ako sa kanyang ingles. Oh thanks dahil buti naman at naisipan nyang magsama ng interpreter. Medyo sa interpreter na lang ako nag-rely sa mga hindi ko ma-gets na salita nya. Sa totoo lang, ayokong dumating ang panahon na ma-isaulo ko na ang istilo ng English nila. Napaka-barok, as in. Feeling ko kasi, kapag naintindihan ko na ang pagsasalita nila ng English, eh hindi ko na maiintindihan yung normal na paggamit at tamang pronunciation ng lengguaheng iyon. Knock on wood, wag naman sana....
****
O ulan, bakit mo binabakbak ang mga poster ng mga kandidato? Toink! Galit na tuloy si Mister Bean, oh!
No comments:
Post a Comment