Nung isang gabi, alas-tres na ako nakauwi.Then kinabukasan alas-otso ng umaga ang pasok ko. Kumusta naman yun? Well, hindi ako na-late. Hehehe...
Isang get-together ang nangyari sa amin ng mga ilan sa mga elementary friends ko... si Kristine, Elaine, Sharon at Ricky.
Konting inuman, kainan at videoke... sa Spencers at nung huli nag-Side Grill pa kami sa Mabalacat.
May banda sa Side Grill, kaya lang parang mga Banda-Rito Banda-Roon ang style. Hahaha...
Hindi pa rin talaga naalis sa amin ang mang-okray.. Although nung Elementary days, hindi pa uso ang word na "okray"... ma-panglait na talaga ang karamihan sa amin. Hahaha.. sinali ko na ang sarili ko.
Masaya ang Wednesday Night Madness namin (February 4)... kwentuhan and reminiscing ang nangyari.
Ang mga "Love" and "Hate" classmates.. biruin mo, hanggang ngayon may tinatagong galit pa ang ilan sa kanila. Hahaha.. after 14 years, hindi pa naka-move on!
Syempre, ang mga teacher na the best and the worst...
May teacher na istrikto, napalo pa nga ako sa mga daliri dahil nakalimutan kong mag-nail cut.
Hindi rin namin makalimutan si Mrs. Pangan, ang teacher na nanghuhubad ng salawal at palda sa harap ng klase bilang parusa sa ginawang kasalanan. Buti na lang at hindi ako napabilang sa listahan na iyon.. hehehe
Meron ding teacher na lousy, parang hanggang ngayon eh "no comment" kami sa kanya. Hahaha...
At syempre, ang ultimate adviser namin nung Grade 6, ang teacher na mukhang pera. Hahaha..
One day, nahuli nya ang klase na nag-iingay. Bigla ba namang pagbabasagin ang mga paso na naka-display sa ding-ding. Hayun, shocked ang lahat at na-trauma talaga ako noon sa ginawa nyang pagwawala.
At eto pa, pagkatapos nyang pagbabasagin ang mga paso, pinabayad nya pa sa buong klase ang mga nabasag na paso, tig-tatlong piso yata kami... winner talaga sa pagiging mukhang pera ni Madam. Hehehe... Eh ang bigat na kaya sa bulsa ang tatlong piso nung panahon namin. Hehehe...
Pati mga photocopy ng test paper, binabayaran namin. Ok lang sana kung susulatan namin ang mga photocopy, eh hindi eh.. may separate answer sheet kami. Then mababalitaan na lang namin na pinagagamit nya rin ang mga photocopy sa ibang Section then pinapabayad nya rin, pambihira!
Hayan at iba pang nakakatawang kwento sa teacher na iyon ang ilan sa mga napag-usapan namin. Hindi obvious na after all these years, bitter pa rin kami. Hahaha.. para kasing binulabog nya ang Childhood days naming lahat.
***
Kinabukasan naman, ang mga Hapon sa kumpanya ang nagyayang mag-dinner out. Babalik na kasi ng Japan ang ilan sa kanila. So medyo puyatan na talaga ito! Hehehe...
Hayun, naaliw naman ako sa bagong tatlong salitang Niponggo na natutunan namin. Hayan ang title ng blog ko ngayon... hehehe... Kayo na ang bahalang mag-research kung anong ibig sabihin nyan. Hehehe..
Hayun, naaliw naman ako sa bagong tatlong salitang Niponggo na natutunan namin. Hayan ang title ng blog ko ngayon... hehehe... Kayo na ang bahalang mag-research kung anong ibig sabihin nyan. Hehehe..
***
Speaking of puyat... parang mapupuyat na naman ako ngayon kung hindi ko pa tatapusin ang pagba-blog ko ngayon. Hahaha.. Sige tulog muna ako! :-)
No comments:
Post a Comment