Halos kalahati na ng taong 2009 ang natapos, pero sa natitirang mga buwan ng taon, inaasahan ko nang madadagdagan ng tatlo ang aking mga inaanak.
I just received a notice a while ago through email, sabi ng former co-employee ko, sa July 12 or 19 daw ang binyag ng kanyang anak so ihanda ko na raw ang sarili ko. Hehehe... Asus, kung nagkataon, conflicting pa sa birthday ko. Hahaha...
Well anyway, wala naman akong planong enggrandeng selebrasyon sa birthday ko. Sorry sa mga friends ko, CRISIS ako ngayon! Hahaha... Bahala na si batman!
Isa pa, isa sa mga inaanak ko ay magbe-bertday ngayong Hulyo. Good luck sa wallet ko. Hahaha...
Kung sa bagay, kumpara sa ilang mga kakilala ko, tatlo pa lang naman ang mga inaanak ko sa kasalukuyan. So kung matutuloy yung karagdang tatlo this year, magiging anim na silang lahat.
Masasabi na bang "Ninong-Material" na ako nun?
Pwede siguro. Hehehe.. Basta wag munang maging "Tatay-material" sa ngayon dahil mas mabigat na responsibilidad iyon. Bukas, pwede na. Yay!
Thursday, June 25, 2009
Sunday, June 21, 2009
I had a great time in Bora!
Boracay is such a beautiful place! Na-convince na ako na it's one of the most beautiful beaches in the world...
Apat na araw ang stay naming magba-barkada sa Bora. Nung una, medyo kabado ako since ayon sa weather forecast, may posibilidad na magiging maulan sa Pilipinas sa eksaktong mga araw ng aming trip. Sa airport palang sa Maynila, maulan na talaga.
At pagdating sa himpapawid, makakapal na ulap talaga ang sumalubong sa amin. Pero nabuhayan ako ng pag-asa ng masilayan ko na mula sa eroplanong sinasakyan ang "dog-bone shaped island" na aming inaasam-asam na puntahan. Hehehe...
Sa Kalibo Airport kami lumapag. Dahil likas na "critic" ang aming grupo, ayun napagdiskitahan namin ang hitsura ng airport. Hahaha..
Hinatid kami ng isang van papuntang Caticlan, kung saan may pinakamalapit na daungan papunta sa Bora. Actually, may airport naman sa Caticlan, pero hindi kami nakakuha ng ticket papunta dun.
Eto ang ilan sa mga hindi ko makakalimutang eksena sa Bora:
We will definitely return to this island... :-)

Monday, June 15, 2009
Dog-Bone Shaped Island
Sa makalawa (Wednesday) na ang lakwatsa naming magbabarkada (College Friends) sa isla 11°58′10″N 121°55′38″E.
Sa ngayon, para akong engot na nagpupuyat pa sa kaka-internet at hindi na lang mag-impake ng mga gamit ng matapos na ang pag-aalala na baka may maiwang importanteng gamit na dapat dalhin.
Ilang araw na rin akong parang paranoid sa kakatingin sa kalangitan kung ano na ang kalagayan ng panahon o ang weather.
Kaya nga kanina, sobra ang kalungkutan ko ng makita ko ang latest satellite picture na ito:
Anyway, as I always say here... Good Luck to us!
Good night!
Monday, June 08, 2009
Drag Me to Hell. What the hell!?
Hahahahaha... at isa pang Hahahahahaha...
Iyan marahil ang maglalarawan ng aking reaksyon matapos naming panoorin ang movie na ito nung Sabado. My friends invited me to watch for this movie, so go! Sago!
Eh tamang-tama, umabsent ako nung Saturday sa work dahil sa sobrang asar ko last week. Dumating kasi yung isang Japanese Support na ako ang inatasang sumubaybay sa kanya. Eh pambihira itong sakang na ito, nakakalimutang isuot yung face mask nya samantalang inabisuhan na sila ng Management na parating isuot iyon para maiwasan ang mga sakit-sakit na yan na naglipana sa ating kapaligiran. Galit na ako. Hahaha...
Anyway, bago mapunta sa kung saan-saan ang kwento ko ngayon... mag-stick tayo sa topic. Drag Me to Hell. Hehehe...
Sa umpisa ng pelikula, parang naalala ko yung Constantine.. mga Espanyol din sa California ang eksena... Naisip ko tuloy, talaga bang automatic na yun na kapag may mga napo-possess, mga Kastila dapat ang mga nagsisipagganap? Si senior!
1969 nang mangyaring kainin ng sahig ang isang batang Espanyol na sa di sinasadya ay nagambala ang mga di dapat gambalain. Hayan kasi!
So hayun, "prelude" lang pala iyon ng pelikula dahil umikot ang istorya sa isang dalagitang nagtatrabaho sa isang Loaning Company or whatsoever, na ang tanging hangad ay ang ma-promote sa kanyang trabaho. Year 2009 na yan, kahit hindi sinabi. Hehehe.
One day, isang araw, isang gurang na bebot ang dumulog sa kanyang tanggapan (hahaha) para makiusap na i-extend pa ang kanyang pananatili sa kanyang lumang bahay na nanganganib ng ma-dekwa ng bangko.
So, todo as in super to the max ang pakiusap ni lola sa dalagitang bida na lumuhod pa sa kanyang harapan. Syempre, hindi natinag ang ating bida dahil ginagawa lamang nya ang kanyang trabaho. In fairness naman kasi, ang kulit ng gurang na ito na nakuha pang ubusin at kupitin ang mga kendi na nakalagay sa mesa ni bida. And besides, kadiri talaga ang pustiso ni lola! Bwahahaha...
Little did I know that the nasty scenes were just starting! Hehehe...
Kabaliwan, katangahan, ka-OA-yan, katatawanan.... yun na!
Again, ayoko nang masyadong i-elaborate pa ang kwento dito sa blog ko, dahil inaantok na ako. Hehehe... Ito na lang ang ilan sa mga eksena na muntik ko nang palakpakan sa loob ng sinehan:
1] Ang fighting scene ni gurang at ni bida sa isang madilim na parking space na silang dalawa lang ang nandoon (as usual). Aba si lola, lumalaban. Todo na ito! Hahaha...
2] Ang eksena ni bida sa bahay ng kanyang tangang bf kasama ang kanyang "taas-kilay" na soon-to-be-mother-in-law. Umeksena ang langaw na nanggaling sa loob ng cake na inihanda ni bida. In the end, nagbasag ng baso itong si bida na ikinagulat ng lahat.
3] Ang pagpasok ng bangaw sa loob ng bibig ni bida. Tanong lang, kaya ba talagang gawin ng bangaw na ipagsiksikan ang sarili sa bibig na nakasara naman pero hindi nya nagising ang may-ari ng bunganga na iyon? Siguro. Can anyone try? Hehehe...
4] Ang katapusan ni Hello Kitty.
5] Ang makulit na panyo.. syempre ang nagmamay-ari nito ay yung makulit na gurang. Hahaha... May pinagmanahan!
6] Muli, ang bibig ng ating bida. Bakit kaya masyadong pinagdiskitahan ang bibig nito? Gayung pilit na pumapasok ang kung anu-anong bagay sa kanyang bunganga.. nariyan ang kamay ni guran, ang panyo ni gurang, ang formalin ni gurang.. hahaha.. pinaglihian siguro ni lola ang bibig ni bida.
7] Syempre, hindi papatalo ang ilong ni bida. Nose Bleed ito! Hindi dahil sa hindi siya marunong mag-ingles (Hello!)... wala lang. Gusto lang ng director na magdugo ang ilong nya at paliguan ng dugo ang kanyang opismeyt na parang shower na sumaboy. Hahaha..
8] Ang eksena sa sementeryo, again with lola. This time, patay na si lola pero marunong pa ring mang-inis.
9] Ang mala-Spiderman na paglipad ng isang lalaking extra lang sa pelikula. Na-posses ito ni Tobey Maguire. Hahaha.. (fyi, sister movie ng Drag Me To Hell ang Spider-man. I-google nyo na lang kung bakit.)
10] Ang pagsasakatuparan ng titulo ng movie na ito sa ending! Drag me to hell... that's it!
Panoorin nyo na lang. :-) Bwahahahaha.
Anyway, hindi naman sa nagsisisi ako dahil pinanood ko ito (unlike Watchmen)... ayun nga, pwede na sa akin na patawanin kami ng pelikulang ito. Although hindi namin in-expect na ganito pala itong pelikulang ito, pwede nang pagtyagaan at pagtawanan, at least hindi naman namin masyadong kinainisan. Hahaha.

Monday, June 01, 2009
Po-po-po-poker face Po-po-poker face!
Can't read my.. can't read my... no she can't read my Poker Face!
Hahaha... Isang buwan nang tumutunug-tunog sa tenga ko yang kantang yan ni Lady Gaga...
Ewan, bigla kong nagustuhan ang beat nya... Hehehe... Lalo na nung mapanood ko yung performances nya sa American Idol at Ellen Degeneres Show...
Kung sa bagay, gusto ko rin naman yung una nyang kantang "Just Dance" kasi sa tuwing naririnig ko yun, naaalala ko yung trip namin sa Japan last July 2008.
Anyway, naikwento lang.. hahaha. :-)

***
Buwan ng Hunyo na, at pasukan na naman ng mga estudyante. Kanina, late na naman ako sa morning exercise namin sa kumpanya.. well, ang trapik eh! Hehehe.. Tsaka, dalawang public school ang dadaanan ko papuntang work, so ang eksena, katrapikan sa mga lugar na iyon. Idagdag pa ang under construction na Marquee Mall kasabay ng drainage system sa daanan nya. Good luck sa akin bukas at sa mga susunod na araw!
***
May isang Expat na Hapon na dumating sa aming kumpanya kanina. Ang siste, ako ang inatasang mag-assist sa kanya sa buong isang linggong Business Trip nya sa aming kumpanya. Hahaha.. ginawa akong alalay. Hehehe.. Kaya kanina, halos hindi ako huminga habang kinakausap siya (with an interpreter) kasi hindi maalis sa isip ko yung AH1N1 virus. Hehehe. Pagkatapos talaga ng meeting namin kanina, diretso ako sa banyo para maghilamos at maghugas ng kamay. Hahaha. Hindi naman sa nag-iinarte, mabuti na ang maingat! Kahit ba naka-face mask pa siya... Baka Poker Face-Mask lang yan! Hahaha...
Subscribe to:
Posts (Atom)