Sunday, June 21, 2009

I had a great time in Bora!

Boracay is such a beautiful place! Na-convince na ako na it's one of the most beautiful beaches in the world...

Apat na araw ang stay naming magba-barkada sa Bora. Nung una, medyo kabado ako since ayon sa weather forecast, may posibilidad na magiging maulan sa Pilipinas sa eksaktong mga araw ng aming trip. Sa airport palang sa Maynila, maulan na talaga.

At pagdating sa himpapawid, makakapal na ulap talaga ang sumalubong sa amin. Pero nabuhayan ako ng pag-asa ng masilayan ko na mula sa eroplanong sinasakyan ang "dog-bone shaped island" na aming inaasam-asam na puntahan. Hehehe...

Sa Kalibo Airport kami lumapag. Dahil likas na "critic" ang aming grupo, ayun napagdiskitahan namin ang hitsura ng airport. Hahaha..

Hinatid kami ng isang van papuntang Caticlan, kung saan may pinakamalapit na daungan papunta sa Bora. Actually, may airport naman sa Caticlan, pero hindi kami nakakuha ng ticket papunta dun.

Eto ang ilan sa mga hindi ko makakalimutang eksena sa Bora:

Shades kung shades!

Rio del Trios! Hehehe

Nakonsensya at bumili rin ng pasalubong...


Before lunch...


Island Tower

Maitim na ako dyan.. hahaha


Sa kweba ni Dugong...


We will definitely return to this island... :-)

No comments: