Wednesday, July 22, 2009

Partial Eclipse of the Heart

Ngayong araw na ito naganap ang Partial Solar Eclipse dito sa Pilipinas at ilang karatig-bansa sa Asya. Sa ilang lugar, Total Solar Eclipse ang nangyari. Unfortunately, sa Shanghai China kung saan inaasahan ang anim na minuto at 39 segundo na tagal ng total eclipse, hindi raw nila nasilayan ang phenomenon na ito dahil sa makapal na ulap na nagsilbing "kill joy" lalo na sa mga turista na dumayo pa roon just to witness the event.

Dito sa Pampanga, 51% ng kabuuan ng haring araw ang kinain ng buwan mula alas otso y media ng umaga hanggang alas-onse. Buti na lang at nagkaroon ako ng chance na masilip ito kanina habang nasa opisina...

***

Sa sobrang busy ko yata ngayon, hindi ko masyadong naa-update itong blog ko ngayon. Well, busy talaga ako.. umaga sa trabaho, gabi sa facebook! Hahaha...

Kaya nga dati ayokong subukan yang mga "Barn Buddy" at "Farm Town" na yan dahil uubusin nya talaga ang oras ko... Hehehe...

***

Maikwento ko lang... Kasabay pala ng birthday ko noong July 12 eh nag-attend ako ng binyag as ninong sa anak ng dati kong katrabaho. Eto ang isa sa mga remebrance namin... The name of the baby girl is Jannia Deeniaealle.. ayaw nilang pahirapan ang bata! Hehehe



***
Kanina, naki-fiesta kami sa officemate ko... ang layo ng lugar.. hehehe... Unforntunately, may nadaanan kaming duguan na daan, may mga kapulisan at mga usisero.. May aksidente na naman sa daan.. Weird! This month of July, marami akong nabalitaan na namatay at nasugatan dahil sa road accident. Meron pa ngang isa na ang balita ay naka-steady lang ang sinasakyan nyang motor dahil sa Stop Light, pero may sumagasa pa ring truck sa kanya mula sa likuran... malungkot na pangyayari.


***

Ngayong katatapos ng birthday ko at nasa kalagitnaan pa rin tayo ng taon, nananabik na agad ako sa Holiday Season... masyado akong ambisyoso.. Hahaha





No comments: