Wednesday, February 24, 2010

Up

And yes.. nominated ang animated film na ito sa Oscars ngayong taon for Best Picture. Ito raw ang ikalawang animated film na naging nominado sa Academy Awards mula sa "Beauty and the Beast" noong 1991.


Ok ang movie. I think, story-wise, pwede talagang ipantapat sa mga non-animated films. Hindi ito basta-basta animated film na puro pakwela lang. Obvious ba na gusto ko ito? Hehehe... Well, I still need to watch 8 remaining nominated films bago ko masabi ang final vote ko. Magawa ko kaya sa hectic ng schedule ko? Anong petsa na, sa March 8 na kaya ang awards day!

Anyway, back to Up, ang istorya ay umiikot sa dalawang magkaibang karakter na sina Carl Fredricksen at si Russel, ang batang nag-stowaway sa flying house ni Carl.

Masyadong masalimuot ang kwento, click nyo na lang ito. Hehehe...

Basta maraming eksena rito na nakakaantig sa puso, at meron din namang exciting scenes. Pero siyempre, magiging titulo ba nito ang "Up" kung walang lumilipad? Of course, wala si Darna rito. Hahaha.. Ang corny ko na... bago pa ako um-over sa kakornihan, eto ang aking rating sa movie na ito: 6.9 out of 10. Hwag nyo nang itanong kung papaano ko na-compute yan! Hahaha!

By the way, nominated din ang pelikula na ito sa mga sumusunod na kategorya bukod sa Best Picture:

Best Original Screenplay
Best Animated Feature
Best Original Score
Best Sound Editing

Good luck!

1 comment:

Irish said...

itatanong ko pa naman sana kung anong mathematical equation yung ginamit mo sa pag-rate nung movie pero since sabi mo di puwede magtanong kaya sige wag nalang...but anyway,i liked this movie. i dont usually watch animated films pero i made an exception for this one. and im glad that i did. hindi naman ako na-disappoint.