Monday, December 30, 2013

Goodbye... doesn't mean forever :)


Goodbye... doesn't mean we'll never be together again...


Sunday, February 24, 2013

Oscar 2013 Awards FEARFUL Forecast

Bukas na malalaman ang mga magwawagi sa Academy Awards.
Well, for me, above average naman ang batch na ito in terms of quality and entertainment value ng mga nominado. Ma-feeling akong sabihin yan. LOL!

At dahil napanood ko lahat ng Best Picture Nominee, at bilang lang ang hindi ko napanood na may nominasyon other than Best Picture, eto na ang aking kaabang-abang na prediksyon sa mga posibleng magwawagi. Again, ma-feeling akong sabihin yan.. hehehe..


BEST PICTURE


Life of Pi pa rin ako! Kahit na sinasabing "less" ang appeal nito sa mga critic kumpara sa mga kalaban nito, ito pa rin ang aking Best Picture. Basahin nyo na lang ang previous posts ko sa mga ranking ng pelikula. Surprisingly, maraming movie critic ang pabor sa Zero Dark Thirty to bag the trophy, which for me, is my least favorite. Mas gugustuhin ko pa ang Argo na manalo, but I just wonder, bakit hindi nominado as Best Director si Ben Affleck? Usually, kung Best Picture ang isang pelikula, Best Director din dapat ito.



BEST ACTOR

Lahat ng pelikulang may Best Actor na pambato ay napanood ko. Ito ang aking ranking:
1] Hugh JackmanLes Miserables
2] Bradley CooperSilver Linings Playbook
3] Joaquin PhoenixThe Master
4] Denzel WashingtonFlight
5] Daniel Day-LewisLincoln

Again, least favorite ko si Daniel Day-Lewis. Pero maraming nagsasabi na makukuha nya ang tropeo. We'll see.


BEST ACTRESS

Napanood ko rin lahat ito. This year, maglalaban ang dalawang babae na pinakabata Quvenzhané Wallis at pinakamatandang nominado sa category na ito Emmanuelle Riva. Pareho ko silang gusto. Pero maaring iba ang makakuha lalo na matunog din si Jennifer Lawrence. Ito ang aking ranking:
1] Emmanuelle RivaAmour
2] Jennifer LawrenceSilver Linings Playbook
3] Quvenzhané WallisBeasts of the Southern Wild
4] Jessica ChastainZero Dark Thirty
5] Naomi WattsThe Impossible


BEST SUPPORTING ACTOR
1] Christoph WaltzDjango Unchained --Gusto ko ang karakter nito! Cool na kriminal! Hehehe
2] Robert De NiroSilver Linings Playbook
3] Tommy Lee JonesLincoln
4] Alan ArkinArgo
5] Philip Seymour HoffmanThe Master





BEST SUPPORTING ACTRESS
1] Anne HathawayLes Miserables --Ito ay dahil napaka-personal yung PANTENE Diet nya... hahaha!
2] Helen HuntThe Sessions --Wala akong masabi. Ginawa talaga ni Helen Hunt ito? Hehehe
3] Jacki WeaverSilver Linings Playbook
4] Amy AdamsThe Master
5] Sally FieldLincoln



BEST DIRECTOR

I go for Ang Lee of "Life of Pi". Second for me is Benh Zeitlin of "Beast of the Southern Wild".


BEST ORIGINAL SCREENPLAY

Natatawa ako sa mga dialogue ng Django Unchained, so para sa akin, ito ang mananalo. Pero gusto ko rin ang "Moonrise Kingdom".


BEST ADAPTED SCREENPLAY

Silver Linings Playbook!
Then, Life of Pi!
(Di naman ako galit nyan? Hehehe)


BEST ANIMATED FEATURE FILM

Pwedeng manghula? Wala pa akong napanood sa mga nominado eh.. Hahaha..
Hula ko "Wreck-It Ralph" o di kaya "Frankenweenie".


BEST CINEMATOGRAPHY

Life of Pi


BEST COSTUME DESIGN

Les Misérables



BEST FILM EDITING

Life of Pi


BEST FOREIGN FILM
Bwakaw! Joke!
Ok. Para sa akin ang tawag dapat dito ay BEST SUBTITLE FILM. LOL!
Since nominated naman ang "Amour" sa Best Picture, malaking posibilidad na maiuwi nya ang tropeo bilang Best Foreign Film. Pangalawa sa akin ang "Kon-Tiki".


BEST MAKEUP AND HAIRSTYLING

Les Misérables



BEST ORIGINAL SCORE

Life of Pi


BEST ORIGINAL SONG
Someone Like You by Adele! Joke!

“Skyfall” from Skyfall, Music and Lyric by Adele Adkins and Paul Epworth



BEST PRODUCTION DESIGN

Les Misérables



BEST SOUND EDITING

Django Unchained



BEST SOUND MIXING

Les Misérables


BEST VISUAL EFFECTS

Life of Pi



Kung pagbibigyan akong gumawa ng mga bagong category...

BEST ANIMAL ACTOR

Richard Parker in "Life of Pi"



BEST IN LULLABY (Dahil inantok ako sa movie na ito)

Lincoln



BLOODY DIRECTOR OF THE YEAR

Quentin Tarantino in "Django Unchained"



ANG-DAMING-SATSAT-SA-HULI-LANG-PALA-ANG-EXCITING-SCENE AWARD

Argo




CONSTIPATED ACTRESS OF THE YEAR

Naomi Watts in "The Impossible"



MABIGAT-SA-PAKIRAMDAM-PANOORIN-AWARD

Amour



RICKY LO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Anne Hathaway





Saturday, February 23, 2013

Oscars 2013 Best Picture Prediction: "The Top 3"

This is it! My top 3 contenders for the Best Picture Award...

Wala na akong pakialam sa mga prediksyon ng iba lalo na sa mga eksperto daw sa mga ganitong bagay.. hehehe.. Basta ito ang tatlong pinaka-nagustuhan ko at sa palagay kong mananalo sa Awards Day sa Lunes na (Philippine Time).


And the 3rd place goes to..


3. Django Unchained





"Gentlemen, you had my curiosity. But now you have my attention."

Brutal -- ganito nga talaga yata ang forte ni Quentin Tarantado este Tarantino... 

Ganunpaman, nag-enjoy ako sa movie na ito, hindi lang sa mga brutal na barilan, pati na rin sa mga dialogue ng bawat karakter sa pelikula.

Magaling dito si Jamie Foxx, bilang isang dating slave na si Django (Bustamante, LOL) na sa tulong ni Dr. Schultz, nagkaroon siya ng pagkakataon na rumesbak sa mga nang-api sa kanya at kumuha sa kanyang asawa.

This time, kontrabida itong si Leonardo DiCaprio, pero magaling din siya.

Dahil inaantok na ako ngayon, ayoko nang ikwento, panoorin nyo na lang! Hahaha...


Other Nominations:

Best Supporting Actor -- Christoph Waltz
Best Cinematography
Best Sound Editing

I rate this movie: 7.79 out of 10!


2. Les Misérables





“To love another person is to see the face of God.” 

Alam na. Hindi na kailangang i-elaborate pa ang kwento nito. Alam nyo na ito. Matatanda na kayo! LOL!

Pero di naman ako talaga fan ng musical na ito, ang masasabi ko lang... ok ang movie. Pero mas ok pa rin ang The Sound of Music. Hehehe...

I just wonder, kumusta na kaya si Ricky Lo? Hehehe.. Oh.. that's a very personal question.. hehehe. Eh yung PANTENE Diet nya, kumusta kaya? Hahaha... 

Ayoko rin kayong imbitahan na panoorin ang pelikulang ito. Let Anne Hathaway do the honor!!!!


Other nominations:

Best Original Song
Best Supporting Actress -- Ricky Lo. Joke! Anne Hathaway
Best Actor -- Hugh Jackman
Costume Design
Best in Make up
Best in Production Design

I rate this movie: 8.28 out of 10!




And the number 1 Oscar Best Picture Nominee (for me) goes to...

1. Life of Pi




"Doubt is useful, it keeps faith a living thing. After all, you cannot know the strength of your faith until it is tested."


Tatlong beses ko pinanood ito.. sa sine, sa computer at sa tv... hahaha...

Di naman halata na gusto ko ang movie na ito?

Although base sa mga movie critic at mga fearless forecast na nababasa ko, hindi masyadong bine-bet ito bilang top contender.. Some say Argo can bag the trophy.

Pero sa akin, ito pa rin ang mas nagpakita ng inspiration sa madlang audience katulad ko, hindi ko lang alam sa mga hurado. Sayang, hindi ako napiling hurado ng Oscars ngayon taon. LOL!


Ito ay kwento ni Pi... hehehe... Si Pi na walang malay, puro na lang si Pi!

Kwento rin ito ni Richard Parker, isang tigre na na-develop kay Pi. Joke!

Since ang director nito ay si Ang Lee, who happened to be the director of the chinese film "Crouching Tiger, Hidden Dragon", may nagsasabi na si Richard Parker din yung nasa movie na yun. LOL! Kornik!
Basta panoorin nyo na lang.... hahaha..

Other nominations:

Best Original Song
Adapted Screenplay
Best Director -- Ang Lee
Cinematography
Film Editing
Original Score
Production Design

I rate this movie: 8.85 out of 10!



There you have it, mga fans (hehehe).. ang aking Best Picture Review for the 2013 Oscar Awards. Next blog entry ko, try kong hulaan (hulaan talaga?) ang mga posibleng manalo sa iba't-ibang category since napanood ko na rin yung iba other than these Best Picture Nominees... Good luck to me! :p



Sunday, February 03, 2013

Oscars 2013 Best Picture Prediction: "The Middle 3"

Ok. Let's continue our round down for my movie review for all the 9 nominees for 2013 Oscars Best Picture...

Movie number 6 goes to...

6. Argo



"This is the best bad plan we have... by far, sir."

Habang pinapanood ko ito, naalala ko ang pelikulang Frost/Nixon.. pero after kong mapanood ang kabuuan ng pelikula, ah.. di hamak na mas nag-enjoy ako sa Frost/Nixon.

Siguro dahil pang-matalino ang pelikulang ito, hindi ako masyadong naka-relate. LOL! 


Base sa totoong pangyayari ang pelikula.. pero sa totoo lang, wala akong idea sa pangyayaring iyon kasi late 70's pa ang kaganapang iyon. Hahaha.. 


Nang-hostage noon ang bansang Iran ng 50 US embassy staff dahil sa hindi ko maintindihang political issue between the 2 nations. Again, dahil ang tagal na nang pangyayaring ito at wala sa mga History books na pinag-aralan namin nung elementary at high school.. (nag-explain, hahaha!)


Anim na staff na iyon ang nakatakas at nagtago sa bahay ng Canadian ambassador na naka-destino sa Iran.


At dahil dito, isang CIA specialist sa US ang gustong umeksena --siya ay si Tony Mendez (Ben Affleck).


Nakaisip siya ng isang paraan para mai-uwi ang anim na yun. Ang naisip nya -- gumawa ng fake na pelikula at gawin kunwaring staff and crew ang anim na yun para gawing daan upang hindi sila pagdudahan kung sakaling gusto na nilang lumabas ng Iran.


Nagtagumpay kaya sila? Panoorin nyo na lang.. LOL!


Basta ako, sa ending part lang ako na-excite sa pelikulang ito. Buti na lang at hindi sa sinehan ko siya pinanood.. hahaha! 


Other Nominations:

Best Supporting Actor -- Alan Arkin
Best Adapted Screenplay
Best Film Editing
Best Sound Mixing
Best Original Score
Best Sound Editing

My rating: 6.77 out of 10!




5. Silver Linings Playbook


"True love is about letting her go and seeing if she returns..."


Kumpara sa mga ibang nominees, mas simple ang atake ng pelikulang ito. Hindi masyadong mag-iisip pero kailangan mong makinig mabuti sa bawat sinasambit ng mga karakter ng pelikula.

Dalawang magkaibang katauhan ang pinagtagpo ng tadhana --bawat isa ay may problemang hinaharap at kailangang ma-resolba, di man agad-agad, pero kailangan pa rin for their personal fulfillment. Yung isa, may bipolar disorder, at yung isa naman ay isang sex addict.


Nag-enjoy naman ako sa pelikulang ito, kasi nga, di na ako masyadong nag-isip.. hahaha.. 


Other nominations:

Best Director (David Russell)
Best Actor (Bradley Cooper)
Best Actress (Jennifer Lawrence)
Best Supporting Actor (Robert De Niro)
Best Supporting Actress (Jacki Weaver)
Best Adapted Screenplay
Best Film Editing


I rate this movie: 7.09 out of 10!


4. Beasts of the Southern Wild


"I hope you die and after you die I'll go to your grave and eat birthday cake all by myself."


Nag-enjoy ako kay Hushpuppy! LOL! At sa kanyang medyo pabayang tatay na si Wink.. hehehe..

Hindi "feel-good" ang movie pero naaliw ako.. hehehe.. 


Seryoso ang tema ng pelikula pero dahil bata ang bida, parang nanonood na rin ako ng Sesame Street..


Idol ko si Hushpuppy dahil sa ipinakita nyang katatagan at determinasyon, kahit siya ay isang limang taong gulang na bata lamang. At isa pa, sa lahat ng pelikulang nominado as Best Picture, ito ang pinaka-maiksi.. hehehe.. wala nang kung anu-ano pang pampatagal lang sa pelikula...



Other nominations:

Best Director (Benh Zeitlin)
Best Actress (Quvenzhané Wallis -- youngest actress ever to receive a nomination for the Academy Award for Best Actress)
Best Adapted Screenplay

I rate this movie: 7.52 out of 10!




Monday, January 21, 2013

Oscars 2013 Best Picture Prediction: "The Bottom 3"

Here we go. The moment of truth has finally come. LOL!

Once again, ito ay aking mga prediksyon lamang, meron tayong kanya-kanyang free will, gamitin natin ito. :p

Base sa aking blog entry noong 2011, inuulit ko, ito ang aking criteria sa pagbibigay ng final score sa bawat kalahok na pelikula: "using standard deviation, analysis of variance, coefficient of thermal expansion, Bernoulli's Theory, Newton's 2nd Law of motion, Ohm's Law, P-value, and of course-- gut feeling"

This year, I decided to group the 9 nominees into 3: The Bottom 3, The Middle 3 and The Top 3. Of course, base yan sa ranking na ibibigay ko.

Anyway, let's start with the Bottom 3.

My least favorite among the 9 goes to:


9. ZERO DARK THIRTY



"When was the last time you saw Bin Laden?"

Ito ay kwento ni Maya, isang babaeng CIA officer na hindi ko sure kung totoo bang katauhan ito. Ang plot kasi ng pelikula ay tungkol sa halos isang dekadang pagtugis sa numero unong terorista na si Osama Bin Laden. 

Sa isang artikulo na nabasa ko, si Maya ay hango sa totoong karakter, pero nananatiling "unknown" sa publiko at hindi pwedeng interbyuhin ng mga journalist dahil nga sa nature ng kanyang trabaho.


Yun na ang kwento. Tapos. LOL!


Seriously, inantok ako sa pelikula. But realizing that the movie was directed by a female director (Kathryn Bigelow --director also of award-winning movie The Hurt Locker), somehow, for me, it's amazing.


As we all know, napatay na si Bin Laden. Ipinakita sa pelikulang ito kung paano isinakatuparan ito mula sa pagpa-plano hanggang sa aktwal na pagtugis. Kung interesado ka dun, at kung na-intriga ka (na-intriga talaga?) sa mga torture activities na ipinakita rito, ok panoorin mo ito.


Other nominations:


Best Actress -- Jessica Chastain as "Maya"

Best Original Screenplay


I rate this movie: 5.86 out of 10!





8. LINCON

 "I could write shorter sermons but when I get started I'm too lazy to stop." 


Ito ay kwento ni Lincoln (natural! hehehe).

Again, kung type nyo ang mga historical drama na katulad nito, panoorin nyo ito. Kung hindi naman, mag-isip-isip kayo. LOL!


Ang istorya ay ang huling apat na buwan ng buhay ni President Abraham Lincoln ng Estados Unidos, at kung paano siya at ang mga ilang nanunugkulan sa bansang iyon, nakipaglaban upang ma-abolish ang "slavery" at matigil ang kasalukuyang civil war na nangyayari.


Masyadong mapolitika ang movie na ito.. Hehehe.. basta hindi ako masyadong naka-relate. Hahaha!


Other nominations:


Best Actor --- Daniel Day-Lewis as President Lincoln

Best Supporting Actress -- Sally Field
Best Supporting Actor -- Tommy Lee Jones
Best Costume Design
Best Director -- Steven Spielberg
Best Film Editing
Best Original Score
Best Production Design
Best Sound Mixing
Best Adapted Screenplay

I rate this movie: 6.02 out of 10!





7. AMOUR

Anne: What would you say if no one came to your funeral? 
Georges: Nothing, presumably. 


Masyadong mabigat sa pakiramdam panoorin ang pelikulang ito. Kung karamihan sa atin ay takot tumanda, pwes, lalo kayong matatakot kapag pinanood nyo ito. LOL!

Hindi sapat ang kantang "Kahit maputi na ang buhok ko.." para maibsan ang bigat na mararamdaman ninyo sa pelikulang ito (ang drama.. hehehe).

Pero yun nga, ito ay realidad ng buhay. Though iba naman ang kultura ng Pilipinas sa bansang Pransya pagdating sa ganyang bagay, wala pa ring exemption sa pagtanda.

Kwento ito ng dalawang mag-asawa na kasalukuyang hinaharap ang mga huling araw nila sa buhay -- kung papaano nila tinatanggap ang katotohanang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan. But despite all these trials and challenges.. paghiwalayin man sila ng kamatayan "for a while", sa bandang huli, what matters most is that they loved each other at all.. (kanta yun ah... hehehe)...

Other nominations:


Best Actress -- Emmanuelle Riva as Anne

Best Foreign Language Film
Best Director -- Michael Haneke


I rate this movie: 6.63 out of 10! 


Tuesday, January 15, 2013

It's Oscars Season!!!

I'm back!!! Sorry blogspot, masyado lang akong busy... sa Facebook and Twitter! LOL!

Pero di naman talaga kita iiwan, imagine since 2005 pa ang blog kong ito (G-blogs time pa)...

Anyway, nandito na naman ako kasi.. you know.. it's Oscars Season! LOL!

So abangan nyo na lang ang aking napaka-importanteng movie review (hehe) sa 9 na pelikulang nominado ngayon sa Academy Awards as Best Picture, try ko na ring panoorin ang ilang pelikula na nominado sa ibang category maliban sa Best Picture...

As of now, naka-3 palang akong movie, tapusin ko muna lahat ng 9 bago ko i-reveal ang aking hula.. LOL!

ABANGAN!!! :-)