"I still insist they were mistakes of a heart... They were not mistakes of a head!"Before watching it, I thought it was a very stale and boring movie. Hindi naman pala.
I must say that the movie was being made intelligently. Kaya nga lang, hindi lahat siguro ay makaka-relate sa pelikulang ito, I mean, unless you are interested in History, Politics and Media issues.
Not so sure kung totoo lahat ang ipinakita sa movie. This is about former US President Richard Nixon na pinalabas talagang mukhang pera sa pelikulang ito. Syempre, tinampok din dito ang Watergate Scandal na kinasangkutan nya nung nanunungkulan pa siyang Presidente at naging dahilan ng kanyang resignation bilang pangulo.
Eh sino naman si Frost? Si David Frost ay isang talk show host sa Australia nung kasalukuyang mainit ang issue ng Watergate Scandal.
After President Nixon resigned his post in the White House, Frost had become interested in getting exclusive interview from the former President even paying $600,000!
So, bukod sa Wiretapping and cover up issue, ano kaya ang kinalaman ng Italian Shoes and Cheeseburgers sa istorya? Panoorin nyo na lang.. Hehehe
Over-all impression, siguro magugustuhan ng mga aktibista ang pelikulang ito. Hehehe... Siyempre, recommended itong panoorin ng mga Political Science Students...
Ano kaya ang chances nito sa nalalapit na Academy Awards? Nominated kasi ito bilang Best Picture at Best Actor naman para sa gumanap na Nixon na si Frank Langella. Tignan na lang natin sa Monday.
Meanwhile, ang pelikulang ito ang huli sa limang pelikulang pinanood ko na bilang nominado sa Best Picture Category ng Oscars. And this is my final ranking:
1] Slumdog Millionaire
2] The Curious Case of Benjamin Button
3] Frost/Nixon
4] The Reader
5] Milk
Iyan ang opinyon ko. Pero sabi ko nga sa mga nakaraang blog ko, iba talaga ang taste ng Oscars. I remember noong 2006, the movie "Crash" was my least favorite along with the other 4 nominees as Best Picture, pero siya pala ang tinanghal na nagwagi. Kumusta naman yun?
No comments:
Post a Comment