Tuesday, February 17, 2009

Better late than absent! Hehehe

Lately, lagi akong late sa work...

Sa madaling salita, feeling unmotivated na naman ako.

Honestly, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman ang ganitong klaseng feeling na disappointed sa mga subordinates... at mas lalong disappointed sa mga superiors.

Uma-umaga na lang, wala akong ganang bumangon. Siguro, dala na rin ng puyat sa kaka-internet. Kagaya ngayon.

Pero kung tutuusin, nale-late lang naman ako sa morning Japanese exercise which is every 7:55AM exactly, pero kung sa 8AM lagpas na late, eh hindi naman.

Istrikto lang talaga masyado sa amin, nasita nga ako kahapon at kanina ng boss ko... as if naman!!!!

Ayoko na munang masyadong magkwento dito tungkol sa buhay manggagawa ko... in fact talagang iniiwasan ko munang magblog tungkol sa mga "nega" na nakikita at napapansin ko sa work. Mahirap na kasi...

Basta right now, yun na lang muna... ASAR to the max talaga ako, period and exclamation point!

***
Valentine's Day is over. Nung gabing iyon, Group Date na lang kami ng mga kaibigan ko nung college. Masaya naman... Kaso may ginawa akong kagaguhan nung araw na iyon... Balak ko naman kasing humabol sa isa pang group date, eh kaso hindi ko na nagawa. Hayun tuloy, mega-tampo yata hanggang ngayon yung mga inindyan ko... Huhuhu.. Babawi na lang ako, sabi ko naman. :-)

***
Out of nowhere, bumili ako ng heart-shape na cake nung bisperas ng Valentines... Hahaha.. wala lang... Hayun, inupakan namin ng mga kapatid ko sa bahay! Hahaha... Ang sarap eh.

***
Pahabol sa Valentines... o eto Joke ito, sana matawa kayo:

***
Mas maganda nga yata na may GF ako tuwing Valentines Day? Eh mukha kasing mas malaki ang gastos kapag single ako. Bago ang araw ng mga puso, FYI: may Pre-Valentine date na kaagad ako with my officemate gals.. syempre Group Date na naman ito.


Sa bandang huli, para akong na-holdap ng ilang beses.


1 comment:

mothproof said...

haha, pag may gf ba titipirin mo?
oo nga pag may gf kahit malaki gastos at least dalawa kayo. :)

i gotta watch milk. :)