Wednesday, December 31, 2008

Bagong Taon ay magbagong buhay...

Higit isang oras na lang at 2009 na.

This time, hindi ko type maglista ng mga new year's resolution ko.

Nakaka-frustrate lang kasi kapag hindi natutupad.

Siguro, wala lang ako sa mood gumawa ng reso.

Baka bukas, unang araw ng taon, baka maisipan ko pang gumawa at nang maihabol ko pa. Hehehe..

***

Kanina, galing ako sa bahay ng elementary classmate ko na si Kristine. Nandun din yung iba na si Ricky at Sharon. Ayun, kumustahan to the max kasi matagal-tagal ko na rin silang hindi nakakasama. Ang sarap balikan ng mga memories, nag-enjoy ako sa kwentuhan namin tungkol sa mga katatawanan nung elementary. Siguro in the next week mapapadalas ang pagkikita namin since sa February, lipad ulit si Kristine for Australia.

***

Mixed emotions ako ngayon. Masaya, malungkot, worried, excited, bothered.

Masaya kasi holiday season pa ngayon, masaya sa labas, nagkakaputukan na, sing-along, party!

Malungkot kasi pinakatay yung aso naming isa. Hehehe.. Kasi ba naman, kinagat nya sa ulo yung isa pa naming tuta na si Rigor, duguan kanina. Buti na lang at parang tumatalab yung mga first aid at gamot na pinainom namin kanina. Kaya hayun, nagalit ang mga tao dito sa bahay, pinamigay yung aso sa kabilang baranggay, pinakatay na yata. Uso pa rin pala ang kumakain ng aso dito. Hehehe.. Kasalanan din kasi nung asong iyon eh (Bodie ang pangalan)... dalawang pusa na ang pinatay nya at yung isang aso naming si Snowy, may contribution din siya sa pagkamatay nun. Pero kahit papaano, inalagaan pa rin namin si Bodie. It just so happened na napuno na kami dito sa bahay at hindi na namin hihintayin pa na makaperwisyo pa sya sa susunod. Last day of 2008... biglaan, last day na rin pala nya!

Worried. Pambihira... what's in store for me this 2009???!!!

Excited. Paikot-ikot lang naman ang buhay... yung mga masasayang okasyon nung nakaraang taon-- with familyand friends, sana higitan ang saya sa darating na taon.

Bothered. Pucha, ang daming naiwang trabaho. Back to work sa January 5. Back to normal!

***

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, may stiffed neck.

Well, ika nga sa kasabihan... "Those who cannot remember the past are condemned to repeat it."

Marami rin naman akong "ups and downs" sa taong 2008. Siguro normal lang yun sa isang tao.

What is more important now is that I have survived.. and I have to continue surviving!

***

H
A P P Y N E W Y E A R !!!








Year End Gimik... what's new?

Rizal Day lang ang pahinga ko... Hehehe... Mamayang hapon, may pahabol na lakwatsa na naman ako. Hmmm... medyo tame naman ngayon kasi nag-invite lang yung Elementary Classmate ko sa house nila. And to think, New Year's Eve ngayon, I should go home early. Hehehe...

December 23, Christmas Party ng Production 1 Department. Biglaan, naging emcee ang lolo nyo (ako). Hahaha...

December 24, kahit bisperas ng Pasko, nasa mall kami nila Joan, Glenn and Elmer. Wala lang, early noche buena kami sa isang resto sa SM Clark. Hehehe.. then last minute shopping na rin sa mga inaanak. Buti na nga lang at nakapagpalit pa kami ng mga bagong bills na tig-bebeinte at singkwenta dahil nagtatrabaho sa bangko yung ate ni Elmer. Hehehe...

December 25, Christmas Day. Wala lang, sa bahay lang ako.. pero nagsidatingan ang mga pinsan, tita at pamangkin ko sa bahay. Kainan at kwentuhan to the max... buti na lang hindi naman ako na-impacho. Hehehe...

December 26, back to work. Marami-rami ring naiwang trabaho. Humahabol sa New Year ang mga customer complaint. Mga bwiset. Sasalubungin ko ang 2009 with lots of Customer Claim. Ang saya!

December 27, Company Christmas Party. May pasok kami sa umaga, then sa hapon ang Party hanggang gabi. As usual, wala na naman akong napanalunan na raffle prizes. What's new? Hindi rin bago ang usap-usapan na luto at may daya ang raffle draw. Ano ba yan, ang cheap-cheap naman nila. Hahaha... What's new? Then after the Party, inuman na naman with my co-department. Sa isang Grill kami sa Mabalacat hanggang alas-dos ng umaga. Hehehe

December 28, may meeting na naman kami ng mga college friends ko. Aba, dumating si Dhez, ang ever "drawing" sa barkada namin. Hehehe... We just ate sa bagong resto sa SM Clark... Classic Savory. In fairness, masarap yung lomi nila... hehehe... Then, kape-kape sa Beatico... what's new?

December 29, ito ang matindi... hanggang alas-kwatro ang inuman namin. Hahaha.. Dumating kasi from Dubai yung isang naging katrabaho namin sa dating kumpanya where I worked. Ayun, treat nya lahat at pamasahe lang ang nagastos ko. Hehe... We ate at Gerry's Grill then inuman to the max sa Bruno and Diego... Matagal-tagal ko na rin kasing hindi nakakasama ang mga iyon, mga 2 years na. Kinumusta ko naman ang dati kong kumpanya, ayun Global Crisis daw... what's new?

Mamaya (December 31).. punta ako kina Kristine, may elementary classmate na pa-Austre-Australia na lang. Hahaha...


What's New? Ah basta ang alam ko, dapat maging masaya ngayong sasalubungin natin ang 2009!!! Happy New Year!

Wednesday, December 24, 2008

Di ba Noche Buena sa gabing ito?


Hindi man masigla ang gabi nyo...
Hindi man masaya ang lahat...
Hindi man magluto ang ate mo ng manok na tinola...
Wala mang litsunan sa bahay ni kuya
Hindi man bawat tahanan ay may handang iba't-iba...

Hindi ko pa rin pipigilan ang sarili ko na bumati sa inyo ng isang...

MALIGAYANG PASKO!!!




Monday, December 22, 2008

Gifts for keeps...

Wala naman akong hinihiling na materyal na bagay this Christmas. Hindi kapalstikan ito, promise. Siguro, dahil masyadong busy sa trabaho, hindi na ako nakakaisip ng kung anu-anong materyal na bagay na makapagbibigay ng panandaliang saya sa akin. (Ang lalim, huh?)

Ang mahalaga sa akin ngayong kapaskuhan ay makasama at makapiling ang pamilya, mga kamag-anak, kaibigan at ilang malalapit sa akin. Corny na kung corny, pero yun talaga ang nararamdaman ko.

Fortunately, masaya naman ako dahil natutupad naman kahit papaano ang hiling ko. Ang plano kong mag-dinner out with my subordinates ay natuloy. Ang regular na pagkikita namin ng mga kaibigan ko ay hindi nauudlot. At ang pamilya ko this Christmas ay kumpleto.

Calibration/Reliability/Customer Claim Group


Kumbaga sa kanta ni Mariah/My Chemical Romance, "All I want for Christmas is... to be with them" naman ang sa akin.

***

Financial Global Crisis. Mga dalawang buwan na ring usap-usapan ang issue na yan. Sa ilang kumpanya, ramdam na raw nila ang epekto nyan.

Sa amin, nagbigay ng mensahe ang EVP namin na ang forecast eh sa february namin mararamdaman yan. Well, nandun pa kaya ako sa kumpanya? Hehehe... Siguro nga dahil sa crisis na yan, mag-alinlangan akong mag-resign! Hahaha... "I'll just cross the bridge when I get there" na naman ang drama ko...

Kanina sa mall, parang hindi ko naman naramdaman na may crisis... ang daming tao sa mall. Or baka naman window shoppers lang ang karamihan sa kanila, or baka shop lifters? Hehehe.. Pero hindi eh, ang daming nakapila sa mga Cashier... yan ba ang walang pera?

Madiskarte lang siguro tayo. At least kahit papaano, meron. Well, it's always the thought that counts...

Kaya nga kaninang morning general assembly ng aming department, na-touch ako nung binigyan ako ng regalo ng mga subordinates ko. At least, naalala nila ako.

Pero sabi ko nga kanina, hindi ko feel maging materialistic ngayon. Simpleng "Merry Christmas" na pagbati lang, ok na sa akin. Dahil susuklian ko rin naman sila ng isang matamis na "Happy New Year." Hehehe...

***

Sa apat na inaanak ko, naiabot ko na sa dalawa ang aking aginaldo (Calvin and Khloe). Yung isa, pamangkin ko (Xelphie) kaya sa Pasko ko na ibibigay, yung isa naman, anak ng dati kong katrabaho (Sean Paul). Nakokonsensya nga ako kasi last year, hindi ko siya nabigyan kasi nga umalis na ako dun. Ngayon naman, parang malabo rin na magkita kami kasi wala na kaming communication. Bahala na si Batman... magkikita kung magkikita. Hehehe...


***

Last Saturday night naman, invited ako sa Christmas Party ng isang Department. Ako lang talaga ang special guest nila. Hehehe... Ayun, videoke to the max! Hehehe...




***

Tomorrow, isa na namang Christmas Party ang dadaluhan ko... sana naman tumaba na ako sa dami ng chibog na pinupuntahan ko. Chance na ito! Hahaha...

December 14, 2008 QA Christmas Party




Tuesday, December 16, 2008

Raffle prizes... bakit mailap kayo sa akin?

Natapos din sa wakas ang aming department Christmas Party na nangyari nung Sunday. Naging successful naman ang programa.. syempre ako na naman ang isa sa mga pinili nilang maging emcee.. hehehe. Hindi naman ako ganun kadaldal, pero siguro natutuwa sila sa mga birada ko. Hehehe...

Isang Planner (notebook) ang nakuha ko.. Ok na sa akin yun dahil mahilig naman akong mag-jot down ng mga notes, observation and tsismis. Hahaha...

And guess what? Kasali ako sa Interruption este Intermission Number ng mga Engineers and Leaders. Sumayaw lang naman kami ng mga old hits like Rico Mambo, Dying Inside, Name Song, to name a few.

Sad to say, wala man lang akong napanalunan na raffle prizes kahit man lang minor...

Babawi na lang siguro ako sa Company-wide Christmas Party namin.. balita ko maraming cellphone at flat TV ang ipamimigay. Hehehe... Sa December 27 pala yun. Hehehe, ang aga noh?

Natapos ng mga alas-sais ng gabi ang party.. pero may appointment pa akong lakwatsa after that. Hehehe... I had to meet Jocs, Joan, Elmer, Glenn for a dinner out. Then watch kami ng movie, The Day The Earth Stood Still. Story-wise, boring siya. Hahaha...

Anyway, eto ang ilan sa mga pictures namin sa masayang araw na iyon:


Mga QA Support Section Members

Mga OQA members..

Ang mini-tambyolo sa registration area...

Ang dalawang gwapong Calibration Duo...


Pa-singit!

Saturday, December 13, 2008

Get the Christmas Party started!

Bukas na ang department Christmas Party namin. Simple lang ang selebrasyon, isa kasi ako sa myembro ng Program Committee, hehehe.

Supposedly, bukas din ang schedule ng pagpunta namin sa Enchanted Kingdom ng mga friends ko. Kaya lang, dahil nga sa hindi ako pwede bukas, minabuti nilang i-postpone na lang muna.

Kanina, nagtext sa akin yung friend ko na si Joan, ganito ang naging usapan namin:

Joan: Anong ora ba yang Xmas Party nyo? Henry: Mga after lunch. Joan: Eh anong oras matatapos? Henry: Siguro tapos na kami by 6PM. Joan: Ok, kita-kita tayo bukas neh, libre mo kami ng coffee... Henry: O sige, I know it was my fault naman kung bakit hindi tayo matutuloy sa Enchanted bukas. Sige sagot ko na ang coffee, basta coffee lang huh? Hehehe...

Come what may. May mga nag-iinvite din kasi bukas sa akin na lumabas after the party. Pero syempre, priority ko ang mga friends kong sina Joan, Jocs, Elmer and Glenn.. since hindi ko sila napagbigyan sa Enchanted.. hehehe.. Marunong din naman akong bumawi...

***

Going back to our Christmas Party, I just hope na maging successful ito bukas. In the midst of so many paperworks, customer claim, technical works, pakikisalamuha sa opisina, buti at naisingit namin ang pag-oorganisa sa party naming ito.

Ilang araw na rin akong sumasama sa pagbili namin ng mga regalo either raffle prizes or games prizes.

Last night, I already bought the gift to my monita. Pillow na may Mickey Mouse ang binili ko.. wala kasi akong mahanap na towel daw na may Mickey Mouse, na inilagay nya sa wish list nya.. sensya sya. Hehehe...

Last year ito...

Wednesday, December 10, 2008

I'll find it hard to sleep tonight...

It's Christmas season again. Kapag ganitong panahon, isa sa mga sumasariwa sa aking isipan ay yung mga childhood memories ko tuwing Pasko.

Dati-rati, buwan palang ng Nobyembre ay excited na ako sa Pasko. Nung elementary ako, naaalala kong pinapatugtog ang "Mary's Boy Child" tuwing umaga sa flag ceremony. Lalo tuloy akong nae-excite. Hehehe...

Pag tungtong ng buwan ng Disyembre, sinisimulan na naming magpi-pinsan na buksan isa-isa kada araw sa aming dekorasyon ang mga katagang "WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS"... 24 letters lahat yan at kada araw isang letra ang binubuksan hanggang makumpleto sa beinte-kwatro ng Disyembre.

Marami pa akong masasayang alaala noong bata ako sa tuwing sasapit ang Pasko...

Ngayon, parang wala lang.

Hindi ko nga namalayan na buwan na pala ng Disyembre ngayon.

Parang totoo nga ang sinasabi ng ilan na ang Pasko ay para sa mga bata.

Iba pa rin talaga ang saya na nararamdaman ko noon. Kahit na maraming party, gatherings and reunions akong dinadaluhan ngayon, parang hindi pa rin nya mapantayan ang excitement ko noon tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Dati... ang pag-aabang sa Pasko ang hindi nagpapatulog sa akin (as in the lyrics of the Christmas Song... "We'll find it hard to sleep tonight.")...

Ngayon... ang pag-iisip sa trabaho ang hindi nagpapatulog sa akin for the past few days. Toxic masyado. Hindi pa tuloy ako nakakapamili sa mga reregaluhan ko this Christmas.

How sad. :-(

Sunday, November 30, 2008

Ninong Henry

Disyembre na bukas pero parang wala lang, hindi ko maramdaman na magpa-Pasko na.

Napaka-busy kasi ng naging buhay ko this past few weeks.

Syempre, mas busy, mas maraming sitwasyon na nakaka-init na naman ng ulo.

Halos buong buwan ng Nobyembre ay wala kaming gimik ng mga college friends ko na supposedly every weekend namin ginagawa. Siguro mga busy rin sila.

Not until last friday when we watched Twilight at the movie house. Biglaan lang ang pagkikita namin. One of my friends texted me on that same day in the morning. Tutal, patapos na rin ang TS audit namin that day, eh sumama na rin akong manood.


About the movie... ok lang. Hehehe.. Lahat yata ng movie na pinanood ko this year ay wala akong masabi kundi "ok lang." Unlike before na talagang binubusisi ko talagang maige ang bawat pelikulang napapanood ko, ngayon parang wala lang.

Minsan kasi, kahit sa oras ng gimikan, panonood ng sine, time for relaxation, eh hindi ko maiwasang isipin ang trabaho. Masyado ko yatang kina-career ang pagiging buhay-manggagawa ko.

Last night, I got the chance to meet Joan and Jocs for dinner out. They are also two of my college friends. Kung nung biyernes ay sina Elmer and Glenn ang kasama ko, kagabi naman ay dalawang girl friends ko naman (babaeng kaibigan). :-)

We ate at Dencio's, pero parang hindi kami masyadong natuwa sa kinain namin. Hehehe. Sabi ko nga sa dalawa, mukhang puro di maganda ang narinig kong comment mula sa kanila about the food. In all fairness, mukhang may point sila. Hehehe.

Kanina, I attended the Christening of baby Calvin, may 4th inaanak. Unang baby siya nung co-employee ko. Masaya naman kanina kahit na hindi dumating yung ibang co-employees namin sa kumpanya. Wag ko kaya silang pansinin bukas? Hehehe.. Tamporista talaga ako...

O kaya naman, hindi ako sasama sa mga kagimikan nila this December. I really mean it. Hehehe.. Kasi ba naman, yung dalawang member ko na ini-invite ko for a night gimik this December, parang ini-ignore nila.. Pero ok lang, I understand their situation, may mga asawa't anak na kasi sila. Yung isang grupo naman, ini-invite ko na samahan naman ako sa binyag nga ngayon, pero pambihira, walang dumating sa kanila. So ang ending, baka i-ignore ko rin sila this season of gimiks, ganti-ganti lang yan. Hehehe.. And besides, loaded na ako ng mga gimik activities this month, with other set of friends. Yun lang!

Apat na ang inaanak ko... kumusta naman ako sa Pasko?

Thursday, November 20, 2008

Shut... my mouth!

Isa sa mga masakit pakinggan na marinig sa isang boss ang katanungang ano ang ginawa namin kung bakit hindi namin na-accomplish ang kanyang pinapagawa.

Mahirap sagutin ang tanong na iyan, lalo na kung kilala mo ang boss mo na hindi tumatanggap ng eksplanasyon at katwiran. Sa bandang huli, "shut-up" na lang ang eksena namin.

The week that was... or should I say, ang buong buwan ng Nobyembre ay parang impyerno sa akin. In as much as I wouldn't want to be affected so much by work-related things, I can't help but think of what's really going on with my life at work. Have I had enough? Baka kakayanin ko pa?... The fact that I can't figure out my tolerance level... I am indeed feeling perplexities with regards to my situation right now.

Naka-ilang sermon ako sa mga nakalipas na araw. Sermon mula sa dalawa kong superior --si Poknat at si Polio aka "Pol". Tried and tested na ang dalawang iyan --hindi sila bukas sa katwiran at paliwanag. Shut up na lang ako...

Situation Sample #1:

Ako: "Sir, we've been busy for the past few days... maraming request mula sa Japan... sorry if we didn't manage to complete our report for Outflow Meeting."

Ang sagot ng boss: "Hindi valid reason ang busy!"

Ako: "Sir, mas prioritize namin ang Quality Meeting Report ngayon, yun ang pinaghahandaan namin."

Ang sagot ng boss: "Hindi natin maidadahilan sa Top Management na busy tayo, (etc.. etc..)"

Shut up na lang ako [Sabay sarado ang dalawang tenga para hindi na marinig ang mga nakakabwiset na panumbat ni boss]...


Situation Sample #2:


Boss: "Bakit hindi ka na ngayon nag-aattend ng daily morning meeting?"

Ako: "Sir kasi mas binibigyan ko ng time na i-meeting ang mga members ko since eto lang ang oras na naibibigay ko sa kanila. Minsan napapahaba ang discussion namin kaya hindi na ako nakaka-attend ng morning meeting ng Production. Then kanina pinatawag ako ng EHS department kasi nga may scheduled audit pala kami. Then pinatawag din ako sa TFT-Module department since may customer audit sila at may mga tanong tungkol sa Calibration." (Mahaba talaga ang ibinigay kong sagot sa kanya.)

Boss: "Bakit hindi ka nagpaalam kanina? Ako kasi ang tinatanong ng VP kung nasaan ka na at hindi ko alam ang sagot."

Ako: "Sir, emergency ang nangyari kanina. Pinatawag ako ng biglaan at hindi ko rin inasahan iyon."

Boss: "Kahit sa mga co-engineers mo hindi ka man lang nagpasabi na hindi ka makakapunta sa meeting."

Ako: "Sir wala akong nakita kaninang engineers or members natin nung time na pinatawag ako. Sa katunayan nasa hallway ako nung malaman ko na pinapatawag na ako sa itaas kaya hindi ko na nagawang magpaalam."

Boss: "Sa susunod magpaalam ka, ano bang problema sa pag-attend sa morning meeting?"

Shut up na lang ako. Dahil dapat alam nya ang sagot sa tanong nyang iyan. Ang Morning meeting kasi na iyan ay intended talaga sa mga Production Engineers. Meaning, puro output sa production ang pinag-uusapan dyan at singit lang kami (QA) kung may mahalaga lang kaming information or announcement. Naman! Gusto nya araw-araw kaming mag-attend dyan... Isang oras kaming nakatunganga sa meeting. Naman!

Situation Sample #3: (Nangyari lang this week)

Boss: Ano ito? Bakit hindi pa rin maayos ang mga documents nyo sa Customer Complaint? Alalahanin nyo na next week na ang TS Certification audit natin. H'wag ninyong hayaang kayo ang magiging dahilan kung bakit hindi papasa ang kumpanya natin sa audit na iyan! Kalahating milyon ang binayad ng kumpanya sa audit na yan, whether or not papasa tayo!

Kami: [Nagbigay ng kanya-kanyang dahilan]

Boss: Bakit ngayon nyo lang sinasabi na may malaking problema pala tayo? Ano ang ginawa nyo?

Kami: [Sinubukan pa ring magpaliwanag ng kung anu-ano...]

Boss: [High-blood mode] ... [Sinisisi kami... OA sa galit]

Kami: [Shut up mode]

Ako: [Deadma... Hehehe]

Good luck sa audit namin next week!

***
I don't know if I am doing wrong by expressing and telling my members that I want to resign. Baka kasi ma-unmotivate sila sa work... Kaya nga from now on, if they keep on asking me about my "imminent" resignation.. I just ceasely answer: "I love our company.. forever!"

Monday, November 10, 2008

November Rain

Heto ako... basang-basa sa ulan. Kahit may payong akong dala kanina, talagang to the max ang lakas ng buhos ng ulan... nabasa pa rin ako...

Si Quinta, sobra ang dalang ulan, kaya puro baha ang dinaanan ko kanina. Basang-basa tuloy pati sapatos ko.

Hindi naman kakaiba ang pag-ulan sa buwan ng Nobyembre. Katunayan, kung matatandaan natin, buwan ng Nobyembre nangyari ang mga malalagim na sakuna tulad ng landslides sa Infanta Quezon at ang malakas na bagyo na sina Winnie (not the Pooh) at iba pa.

Kaya nga ibayong pag-iingat na lang ang dapat nating gawin.

***

Kanina nag-brownout habang nasa loob ako ng CR sa kumpanya. Mga alas-syete ng gabi iyon. Katakot, walang emergency light sa loob at ako lang ang mag-isang nandoon. Nagkandarapa tuloy ako sa pagtakbo dahil sariwa pa sa aking alaala ang mga napanood kong horror show nung nakaraang Undas.. hehehe...

***

Muntik na akong hindi pumasok kanina sa trabaho. Nakakatamad kasi eh. Masarap talagang matulog kapag ganitong malakas ang ulan. So sige, tulog na ako.. hehehe.. Wala lang, ina-update ko lang ang blog ko. Saka na ako magkukwento ng mga nakakainis na nangyari sa akin the past few days..

Friday, October 31, 2008

Happy Halloween!

Hindi dineklara ni Gloria na holiday ngayon. Pero wala kaming pasok. Naka-schedule na kasi sa Production namin na walang pasok ng October 31, whether or not ideklera ng gobyerno na holiday ang araw na ito.



Ngayong bisperas ng undas, wala akong inatupag kundi ang matulog at makipag-chat sa mga ilang kaibigan ko na nataon na on-line din sa YM. Ayun, kumustahan at chikahan to the max ang eksena kanina. Hehehe...

This weekend, wala akong naka-schedule na gimikan o lakwatsa. Pahinga muna siguro while spending my time with my family. Tomorrow, as usual, punta kami ng sementeryo to visit my grandmother (died: 2007) and my grandfather (died: 2002).

Last night, ala-una na ako nakauwi dahil nagyaya yung isa kong co-worker na mag-inuman. Hehehe.. despedida nya dahil magre-resign na. Mawawalan na naman kami ng isang joker na kasama...

Last week naman, we watched the movie "Mirrors" with my college friends. Wala lang, parang hindi man ako natakot sa movie. Hehehe... Nag-enjoy lang ako sa kinainan namin last week, sa isang Korean Resto... though hindi ko naman talaga feel ang kumain ng kimchi at san-gibsal. For experience lang. Hehehe..

Wednesday, October 29, 2008

Am I using my brain?

I feel like I am still in a cleft stick.

My motivation to stay in the company where I am currently working at is dwindling, yet I don't have any clear plan as to where and when will I relinquish.

Thinking of proper timing is perhaps impeding me to make decisions right now. Most of the time, being impulsive leads us to "no good" result (or with this thought, am I just playing too safe?).

Honestly, i find myself to be a no risk-taker. I admit I am still afraid to stay away from my comfort zone. I know I can be independent, however there's this feeling that I should wait for something better to happen. I don't know exactly what it is but despite the insufficient remunerations I am receiving right now while establishing a career (if this is really a career) here in our hometown, the idea of staying here in Pampanga is still under consideration.

My co-engineer in the office, who is currently just in her 5th month stay in the company, is now filing a resignation letter. I don't really know what are her personal reasons but I am pretty much sure that she has several bad impressions about the company per se --the system, the work environment and most especially the people and bosses. At any rate, I just wish her good luck and hopefully she would find what really in store for her.

What about me? I don't know either. What is clear to me right now is the fact that I should wait for the Christmas season to receive my 13th month pay and hopefully Christmas Bonus, before i will make a move. Hahaha... talking about something better to happen. LOL!

***

May naboljak na namang isang engineer kanina. Inokray-okray ng boss naming Hapon yung report nya. May pasaring pa yung Hapon na "Use your brain!". Naku, ang chaket nun!

Napaisip tuloy ako, am I using my brain? Kasi kung talagang ginagamit ko ang utak ko, baka matagal na akong wala sa kumpanyang iyon! Hehehe. Joke lang. Baka kasi may makabasa na naman ng blog kong ito na nagtatrabaho rin sa kumpanyang iyon at baka isumbong pa nya ako. Hinid ko pa pala naikwento rito na ang dahilan kung bakit "PRIVATE" na forever ang Friendster account ko ay dahil may nagchismis sa Hapon naming boss na nagpost daw ako ng Tokyo Disneyland Pictures namin. Wala namang masama dun, pero iba kasi ang naging dating ng kwento... at ayoko nang ikwento dito iyon dahil isang malaking kababawan lang ang nangyari. Kaya nga paminsan-minsan, pina-private ko rin itong blog kong ito, pinagbibigyan ko lang ang ilang secret fans and readers ko kaya minsan binabalik ko rin sa pagka-PUBLIC. Hahaha.




Monday, October 20, 2008

Natisod... Natapilok!

Isang buong magdamag ako kahapon nasa lakwatsa. Una, binyag ng 1st baby ng kaibigan naming sina Berns and Marjon, si baby Klhoe. Ninong ako. Hehehe...

Then sumaglit kami sa bahay nung isa naming nakasama sa College Publication, binyag din kasi ng anak nya, ninong naman dun si Glenn.

Chibugan ang araw kahapon. Hehehe.. buti na lang, hindi ako nag-LBM or constipation.


After kasi ng double-binyagan kahapon, nanood pa kami ng sine.. Eagle Eye ang pinanood namin kasama ko sina Glenn, Elmer at Joan. Maganda naman ang movie, at least hindi ako inantok kahit na busog at nakainom ng kaunti.


After that, coffee time naman.. syempre sa Meeting Place kami, sa Beatico.

Sad to say, hindi matutuloy ang Ilocos Trip namin na supposedly next week. Go na go pa man din ako. Hehehe.. Marami kasing "drawing" sa amin eh. Hehehe...

Pero in a way, maganda na rin na hindi muna itutuloy ang trip namin since nag-email sa akin yung highschool classmate ko na si Crissa. Uuwi daw siya next week at gusto nyang makipagkita sa amin. Isang linggo lang kasi siyang mag-iistay dito then go back na sa Singapore.

Malamang eh sa December na yang Ilocos trip namin, sana man lang totoo na ito, hindi na "drawing."

***

Ilang araw na akong nawiwili sa "Clumsy" song na tagalog version. Kinanta ito ni Ms. Ganda na ewan ko kung talagang maganda ba siya. Hehehe... Natatawa lang kasi ako sa ka-kornihan ng pagkaka-translate na may pinamagatang "Lampa". Hahahaha...

Kahapon nga, panay sambit namin sa kantang iyon lalo na yung chorus.. "Ako'y natisod, natapilok, natisod, natapilok.. hindi maingat sa pagmamahal."

Ang original nun goes a little something like this... "you got me trippin', stumbling, slippin', flippin'.. clumsy coz I'm falling in love.." Hehehe..

Recently, naisulat ko yata dito sa blog ko or sa friendster yata na narindi ako sa kantang iyan nung Summer Outing namin sa Morong, kasi ba naman buong magdamag yatang pinapatugtog yan with remix pa ng "Low". Hehehe..

Then last year Christmas Party namin (Departmental), sinayaw yan as intermission number, hindi ko rin naging type kasi hindi ko feel yung isa sa mga sumasayaw. Hahaha...

From then on, hindi ko talaga nagustuhan yang kanta ni Fergie... until narinig ko itong Tagalog version... hahaha. Meaning, corny din ako? Hahaha... I admit it!

Naaliw lang kasi kami kahapon sa kantang iyan, sa sobrang corny hindi ko namamalayan, lagi ng hinahanap ng pandinig ko yan. Hehehe..


Pampapawi lang naman ng init ng ulo especially sa work. Here I go again...

Ciao na nga, baka saan pa mapunta ang usapan. Good night! :-)

Saturday, October 11, 2008

"You're such a loser!"

Whatever! Hehehe...

"Ang mga umaayaw, hindi nagwawagi. Ang mga nagwawagi, hindi umaayaw."

Pareho lang ba 'yun? Hehehe... Kagabi ko pa pinakaiisip 'yang salawikain na 'yan na nabasa ko sa isang Tagalog website. Anyway, whatever!

Basta ang alam ko, hindi naman all the time eh quitters are losers.

Marami pa ring factors na kailangang i-consider before we make decisions. Kung ano man ang ating desisyon sa buhay, panindigan na lang natin.


***

Bukas, fiesta sa Angeles. Kilala ang fiesta na ito bilang Fiestang Kuliat. Iyon kasi yung dating pangalan ng siyudad Angeles, dati ay barrio palang ito ng San Fernando.

At dahil fiesta bukas, invited kami sa bahay nina Elmer. As usual, taun-taon kasi kaming iniimbitahan ng kaibigan naming ito. Nagiging mini-reunion na rin namin ng mga college friends and classmates ang fiesta ng Angeles. Ewan ko lang bukas kung makakarating pa ang ilan.

Habang tumatagal kasi, nagiging abala na ang isa't-isa sa kani-kaniyang buhay. Ang ilan ay nakapag-asawa na, yung iba nga may anak na.

Ako, siguro matagal pa yun. Hehehe...

***

Nakaraos din sa wakas ang presentation namin para sa Quality Meeting for this month. Salamat at walang masyadong tanong ang mga Hapon sa report namin kanina na ako ang nag-present.

Pero right after ng Quality meeting namin eh nagtawag ng meeting itong si boss namin tungkol sa proposal nyang Organizational Chart change.

Ang kinatatakutan ko ay nagkatotoo. Pambihira, gagawin ng permanente ang paghawak ko sa Customer Complaint section. Inalis lang sa akin yung isang section na Reliability, buti naman at naawa sila sa akin.

Mahirap talaga minsan kung nagpapakitang-gilas ka sa mga boss mo. Sasairin ka talaga. May pa-effect pa silang "Hindi naman ibibigay sa inyo ang responsibilidad kung alam naming hindi ninyo kaya."

Ako naman, hindi ko naman talaga ugaling magpakitang-gilas sa kahit kanino man. Ang sa akin lang, once they give me certain task, I just do my best to accomplish that task. Eh ang nangyayari kasi sa amin, talagang sinasagad kami.

Minsan, nag-uusap kami ni Mylene, yung officemate ko. Pinag-uusapan namin na parang nagiging unfair na sa departamento namin. Meron kasing iilan dyan na "sitting pretty" lang ang inaatupag sa halos buong magdamag sa trabaho.

Ang pinagtatakhan ko lang, may ilan din na feeling ang dami-dami nilang ginagawa at nakukuha pang mag-OT pero parang hindi naman totoo. Masama na kung masama, pero yun ang nakikita ko sa kanila.

***

Nag-text ang boss ko ngayong gabi lang. Sabi sa text nya... "Mr. Shibayama [our EVP] appreciated your presentation, very easy to understand according to him. He will expect more improvement plan from you especially for the model 3556P."
Ano ito? Joke? Hahahaha... Whatever!



Monday, October 06, 2008

October Fest nga ba? Bwiset!

Wala kaming report kanina sa Leakage meeting kaya naboljak kami ni Poknat. Wala kasing Customer Claim for last week. So puro graphical trend lang ang naipakita namin kanina.

So bakit siya nagagalit kung wala talagang i-rereport dahil walang customer complaint?

Sasagutin ko ang tanong ko (hehehe)... Kasi raw, kung walang customer claim kailangan daw naming ireport yung mga update and status sa mga nakaraang customer claim cases.

Ok, I got his point. Pero sana man lang eh kinonsider nya na last week, ang daming request ng mga sakang sa Japan at nanghihingi ng kung anu-anong data. Isa pa, dahil end of the month last week, syempre maraming requirements ang ina-accomplish namin ngayon.

Eh bakit hindi nya alam ang mga ito?

Ewan ko sa kanya. O baka naman talagang binibigyan kami ng hard time ng poknat na ito?

Siguro. Ang nakakainis kasi, siya ang superior namin, he should know.

Nangagatwiran ako kanina pero hindi ko na itinuloy pa dahil hahaba lang ang usapan.

Sabi ko kasi, hindi kami nakagawa ng report dahil sa bukod sa wala talagang customer claim sa linggong iyon, eh puro data gathering nga ang inatupag namin noon.

Sabi ba naman nya, "it's not a valid reason!"

Bwiset siya. Kung hindi lang siya supervisor, baka pinatulan ko na siya.

Dagdag pa nya, "hindi rason na busy tayo kaya wala tayong report. Hindi tatanggapin ng Top Management iyan."

Bwiset talaga siya.

Eh isa nga siya sa mga utusero kaya nga hindi namin nagagawa yung mga hinayupak na report na 'yan.

After nya akong pahiyain sa meeting room na iyon at isinama pa ang ibang engineers para lang pagsabihan ako in front of them, hindi na talaga maipinta ang pagmumukha ko.

Kinausap ko agad yung member ko na si Penny para sabihing "Kapag may inuutos sa inyo lalo na si Poknat, sabihin nyo na kailangang unahin yang hinayupak na mga report na yan, hindi kayo pwedeng istorbuhin."

Tignan lang natin.

At isa pa, may Quality Meeting sa Saturday, kailangan din namin ng report dun at iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nabigyan ng atensyon yang Leakage Meeting na iyan. And besides, nung Friday lang nila sinabi na may Leakage Meeting today. Bwiset!

Hindi naman halatang bitter ako dito. Hehehe...

Wala lang, inilalabas ko lang ang hinanakit ko na hanggang sa pag-uwi ay dala-dala ko.

Nawalan nga ako ng gana sa dinner kanina eh.

Bwiset.

So hayan, nakailang "bwiset" na ba ako dito sa blog ko?

Iniisip ko na lang na October Fest na... na malapit na ang Pasko... na early next year ay tsutsugi na ako sa kumpanyang ito na feeling ko ay inaabuso na ako.

Let's see...

Good night. Tomorrow is another nightmare!

Tuesday, September 30, 2008

Feeling Annoyed... Out of Nothing at All

Ang lakas ng ulan kanina sa pag-uwi ko, nahilo tuloy ako sa tagal ng trapik sa daan.


Pero madalas ngayon na mahilo ako habang umuuwi ako galing trabaho. Sobrang stressful kasi ang nararamdaman ko ngayon.

O di kaya, masyado ko lang dini-dibdib ang isang buong araw na nangyayari sa akin sa opisina.

Hindi na kasi maiwasan na mainis ako lalo na sa mga superior ko.


Sumasakit ang ulo sa kanila!

Isa sa mga kinatatakutan ko ngayon ay yung sa kadalasan na nararamdaman ko ito, dumating sa puntong baka kahit kaunting bagay lang eh napapainit na ang ulo ko.

Or worst, out of nothing at all, paggising ko sa umaga, maiinis nalang ako na walang dahilan.



***

Every morning na lang sa opisina, pagpatak ng alas-nuebe, isang pamatay na oras ang ginagawa namin. Again, kautusan ito ng mga boss ko na ewan ko kung ano ang mga nasa utak nila.


Pero kung mag-demand naman ng mga reports at kung anu-anong requirements, feeling nila kami si superman at matatapos kaagad ang mga iyon.

Morning Meeting ang tawag nila sa isang oras na sayang na sayang talaga para sa akin. Siguro sa iba eh mahalaga ang meeting na iyon.


Pero syempre, may kanya-kanya kaming responsibilidad at nagkataon na hindi talaga akma na lagi akong um-attend dun. Eh itong boss kong poknat eh lagi akong nire-require na dumalo sa meeting na iyon araw-araw.

At sa araw-araw na iyon, ni-rerequire din nya akong mag-report tungkol sa ilang Quality issues na dumarating. Yep, I got his point, pero hindi talaga intended ang meeting na iyon sa Quality Assurance Department. I mean, sa isang oras na iyon, siguro mga limang minuto lang ang inilalaan sa QA, at iyon ay kung may Quality-related issues nga.


Hindi ko talaga maintindihan itong si Poknat. Parang wala sa katinuan minsan.

Sa mga reporting pa lang, dedbol na.

Ang pinapakita nya kasing ugali sa amin ay yung mabilisang paggawa ng report kaya hayun, nagsa-suffer ang content ng report.

Minsan nabo-bokya kami sa ibang departamento kapag nagpi-present kami ng report, kasi hindi chine-check ni Poknat at ni Poly (codenames ng mga boss ko).

Ok lang na mag-utos sila ng mag-utos, pero sana maayos sila mag-utos, yung may direksyon.

Ang nangyayari kasi eh sabog-sabog ang mga kautusan nila. Minsan tuloy, kapag binababa na namin sa mga subordinates ang mga direktiba nila, eh nagiging sabog-sabog din kami.


Isa pang kinaiinisan ko kay Poknat ay yung ugali nya na kung sino lang ang masalubong nya sa hallway o kahit saan, yun ang uutusan nya ng kung anu-ano na hindi naman related sa mga tasks namin. Madalas akong mabiktima nito. Bwiset.


Tapos, yung mga meeting nya sa amin na nakakayamot talaga. Isa na namang pamatay oras.


Ang daming nasasayang na oras dahil sa mga meeting na iyan. Kaya nga ngayong bagong buwan na naman (October), diskarte na namin kung papaano maa-accomplish ang mga monthly reports namin sa kabila ng mga meeting na walang kwenta.



***


Isa lang ang mga boss ko na nagpapainis sa akin. Wala pa dyan ang sama ng loob ko sa ibang tao na nakakasalamuha ko araw-araw sa opisina.

Hindi naman sa nagtatanim ako ng galit sa kanila. Minsan may mga nakakapikon lang silang ginagawa.

Tulad ng mga ilang subordinates na feeling nila eh inaabuso na sila sa trabaho samantalang may mga petiks moments din naman sila. As if nagkakaugaga sila sa pagtatrabaho, hindi naman.




***



Buti na lang at wala kaming pasok bukas. Walang masyadong bwiset bukas. Hahaha...



Monday, September 22, 2008

Wake Me Up When September Ends...

Hindi ko namalayan at patapos na naman ang buwan. At hindi ko namamalayan na papalapit na naman ang kapaskuhan.

Wala namang pinagbago sa buhay ko this past months, yung nga eh... Nakalipas na naman ang ilang buwan pero ika nga ni Keane (singer)... "Everybody's changing and I don't feel the same..."

Last week was our Surveillance Audit. Sabay-sabay in-audit ang sistema namin in terms of Quality, Environmental, Health and Safety, at ang madugong TS 16949.

Ok naman ang resulta... sulit naman ang preparasyon namin...

1st day pa lang, na-audit na ang Customer Complaint Section. Currently kasi, pinahawak sa akin temporarily yung isang section na iyon. Hindi ko pa masyadong gamat ang sistema, kaya ang boss ko na lang ang sumasagot sa mga katanungan ng auditor.

Ako rin ang isa sa mga humarap bilang "Employee Representative" ng audit. Puro ka-eklatan lang naman ang mga pinagtatanong ng auditor. Hehehe.. Syempre, ka-eklatan din ang mga sagot namin. Hahaha...

Sa EMS (environmental management system) at Health and Safety ng departamento namin, ako rin ang kumatawan. Natatawa ako kapag naaalala ko yung konting kapalpakan ko nung audit. Hinanap kasi sa akin yung ebidensya kung mayroon kaming programs tungkol sa sistema na iyon, sa sobrang pagmamadali, hindi ko naalis yung mga thumb tucks sa gilid ng poster. Nakapaskil kasi sa bulletin board ng QA department yung dokumento, at kinuha ko sandali para ipresinta sa audit. Nagparinig tuloy yung auditor nung binigay ko sa kanya yung poster na may thumb tucks, "Sa palagay mo, safe ako sa binigay mo?" Hehehe... nagpa-sorry agad ako at binawi ko na lang yung poster para alisin yung mga nakakatusok na thumb tucks.

Ok din naman ang resulta ng audit namin sa Calibration. Nakatanggap kami ng isang Observation at dalawang Suggestion for Improvements.

Sa MSA (Measurement Systems Analysis) naman, medyo madugo ang kailangan kong gawin. Medyo mabigat kasi yung finding ng auditor. Since 1st stage audit pa lang naman namin ito for TS 16949, hint for improvement na lang ang hatol ng auditor. Sa November yung second stage audit, matatapos ko kaya lahat iyon?

Sana alisin na sa akin yung Customer Claim Section, nakakabwiset kasing hawakan ang section na iyon. Si boss na acting supervisor, hindi ako natutuwa sa kanya. Ang daming pinapagawa, wala namang direksyon ang mga pinag-uutos nya!

Hay, ayoko munang magalit dito...

Teka, meron pa palang isang nakakainis na nangyari sa akin ilang linggo na ang nakakalipas...

Sinugod ako ng isang kuba, este mukhang kuba na engineer kuno sa PPIC...

Eh mukha kasi siyang shipment, as in, walang alam kundi ang shipment ng mga products namin. Kaya hayun, nabwiset siya nung nalaman nyang delayed ang Reliability results namin. Hindi namin kasalanan ang pagka-delay nun, fyi. Kasalanan din nila dahil hindi nila sinunod yung planning nila...

Hay nako, buti na lang civilized akong tao at hindi ko pinatulan ang mga pagsisisigaw nya doon. Nakakahiya siya. Nag-walkout pa ang kuba habang nag-eexplain ako. Walang breeding. Pero siyempre, rumesbak pa rin ako kahit sa email man lang. Sinama ko talaga yung boss nya at boss ko sa mailing list.

Bwiset siya.

Sunday, September 07, 2008

Inatake ako ng isang KUBA

Isa na namang nakakainins ang nangyari sa akin sa trabaho, this week lang. HIndi ako mahilig makipag-away, lalo na sa mga aswang at masasamang elemento na nakapaligid sa akin, pero I have to defend myself, kahit na sa mahinahon na paraan.

Sunday, August 31, 2008

Japan Invasion [Part 7: Fukushima is a very peaceful place!]

Ito ang iba't-ibang mukha ng Fukushima...

Malinis ang mga kalye... walang polusyon. Probinsya ang lugar pero mukhang Makati. Hehehe...


Alas-sais na ng umaga.. Nagsisimula nang magsilabasan ang mga tao...


Hindi kami mawawala dahil may mga mapa na nakakalat sa mga kalye.. pero hindi namin maintindihan dahil Nihonggo ang nakasulat... Hahaha


Maghahating-gabi na... wala naman sigurong holdaper sa kalye... Hehehe


Kung may oras sa trabaho... may oras pa rin naman sa happy-happy!

Sa loob ng kumpanya... malapit sa smoking area...

Sa labas ng planta, habang naghihintay ng taxi... wala kasing tricycle dito eh..


For sale ang mga ito.. discounted daw. Parang laruan lang.


Japanese house... baka nandyan sa loob sina Alexis, Annie at si Sadako. Hahaha



Fukushima Central Train (Japan Railway) Station

Sa labas ng hotel... habang naghihintay ng bus.


Nagsisimula ng dumagsa ang mga estudyante na kay-iikli ng palda. Conservative sila, in fairness.


Abukumagawa River. 6th longest river in Japan.


Kay ikli na nga ng palda, nakukuha pa nilang mag-bisikleta.

Monday, August 25, 2008

Japan Invasion [Part 6: Videoke time sa Fukushima!]

Ang mga Hapon, tulad natin, mahilig din sa videoke. It is even debatable right now kung sino ang unang nag-imbento ng karaoke or videoke, Pinoy ba o Hapon. Anyway, nung nasa Japan ako, syempre hindi namin pinalagpas ang mag-videoke lalo na't mga Hapon ang kasama namin.

Hindi ko makakalimutan ang videoke time na iyon. Nagwala ng husto ang mga kasama naming Hapon. Hehehe. As in tinodo nila ang singing performance nila. Hindi namin akalain na ganun pala sila... seryoso sa trabaho pero after that, mga kenkoy din pala.

Si Nemoto na bilugan ang mukha, hindi yata pagkanta ang ginawa nya, kundi pagsigaw! Sana lang eh naiintindihan nya ang kinakanta nyang Avril Lavigne. Hahaha.

Palibhasa eh mga lasing na sila, hayun to the max talaga ang pagwawala nila. Hehehe.

Syempre, hindi ako nakaligtas sa sing-along na ito. Kahit wala akong maisip na kantahin noon bukod pa sa ang hirap i-search sa songbook ang mga kanta dahil hindi yata alphabetize ang pagkakaayos (hehehe)... pinakanta ba naman sa akin yung "We Are The World" na kinanta ng various artists for African Children.. hehehe...
Feel na feel ni Yasuda. Hehehe



First time kong kinanta yon. Hahaha.. Buti na lang at medyo alam ko naman ng konti ang tono nun.

Si Ms. Emma naman, kinanta ang Bohemian Rhapsody ng Queen... tuwang-tuwa ang mga Hapon. Hahaha...

Si Sir Ronnel, kinanta ang Like A Virgin ni Madonna.. Hahaha.

In fairness, combination ng English at Japanese ang song na kinanta nung gabi iyon. Isa sa mga kinanta ng mga kenkoy na Hapon na ito ay yung One Sweet Day ni Mariah and Boyz II Men, at ang Sweet Memories ni Seiko Matsuda.

Isa sa mga nag-hit daw na Love Song sa Japan ay itong Sweet Memories na ito (background music ko ngayon dito)... pakinggan nyo.. maganda naman in fairness. Hahaha.

After that videoke night... hayan kami sa kalye... hehe..


Buti na lang hindi humiga sa kalye itong si Kaneyasu... balita kasi na talagang nagwawala ito sa daan. Hehehe..



si Higuchi yung kalbong Hapon...


Hayan na, medyo nagiging manyakis itong si Kaneyasu kapag nalalasing. Hehehe.