Monday, October 20, 2008

Natisod... Natapilok!

Isang buong magdamag ako kahapon nasa lakwatsa. Una, binyag ng 1st baby ng kaibigan naming sina Berns and Marjon, si baby Klhoe. Ninong ako. Hehehe...

Then sumaglit kami sa bahay nung isa naming nakasama sa College Publication, binyag din kasi ng anak nya, ninong naman dun si Glenn.

Chibugan ang araw kahapon. Hehehe.. buti na lang, hindi ako nag-LBM or constipation.


After kasi ng double-binyagan kahapon, nanood pa kami ng sine.. Eagle Eye ang pinanood namin kasama ko sina Glenn, Elmer at Joan. Maganda naman ang movie, at least hindi ako inantok kahit na busog at nakainom ng kaunti.


After that, coffee time naman.. syempre sa Meeting Place kami, sa Beatico.

Sad to say, hindi matutuloy ang Ilocos Trip namin na supposedly next week. Go na go pa man din ako. Hehehe.. Marami kasing "drawing" sa amin eh. Hehehe...

Pero in a way, maganda na rin na hindi muna itutuloy ang trip namin since nag-email sa akin yung highschool classmate ko na si Crissa. Uuwi daw siya next week at gusto nyang makipagkita sa amin. Isang linggo lang kasi siyang mag-iistay dito then go back na sa Singapore.

Malamang eh sa December na yang Ilocos trip namin, sana man lang totoo na ito, hindi na "drawing."

***

Ilang araw na akong nawiwili sa "Clumsy" song na tagalog version. Kinanta ito ni Ms. Ganda na ewan ko kung talagang maganda ba siya. Hehehe... Natatawa lang kasi ako sa ka-kornihan ng pagkaka-translate na may pinamagatang "Lampa". Hahahaha...

Kahapon nga, panay sambit namin sa kantang iyon lalo na yung chorus.. "Ako'y natisod, natapilok, natisod, natapilok.. hindi maingat sa pagmamahal."

Ang original nun goes a little something like this... "you got me trippin', stumbling, slippin', flippin'.. clumsy coz I'm falling in love.." Hehehe..

Recently, naisulat ko yata dito sa blog ko or sa friendster yata na narindi ako sa kantang iyan nung Summer Outing namin sa Morong, kasi ba naman buong magdamag yatang pinapatugtog yan with remix pa ng "Low". Hehehe..

Then last year Christmas Party namin (Departmental), sinayaw yan as intermission number, hindi ko rin naging type kasi hindi ko feel yung isa sa mga sumasayaw. Hahaha...

From then on, hindi ko talaga nagustuhan yang kanta ni Fergie... until narinig ko itong Tagalog version... hahaha. Meaning, corny din ako? Hahaha... I admit it!

Naaliw lang kasi kami kahapon sa kantang iyan, sa sobrang corny hindi ko namamalayan, lagi ng hinahanap ng pandinig ko yan. Hehehe..


Pampapawi lang naman ng init ng ulo especially sa work. Here I go again...

Ciao na nga, baka saan pa mapunta ang usapan. Good night! :-)

No comments: