Saturday, October 11, 2008

"You're such a loser!"

Whatever! Hehehe...

"Ang mga umaayaw, hindi nagwawagi. Ang mga nagwawagi, hindi umaayaw."

Pareho lang ba 'yun? Hehehe... Kagabi ko pa pinakaiisip 'yang salawikain na 'yan na nabasa ko sa isang Tagalog website. Anyway, whatever!

Basta ang alam ko, hindi naman all the time eh quitters are losers.

Marami pa ring factors na kailangang i-consider before we make decisions. Kung ano man ang ating desisyon sa buhay, panindigan na lang natin.


***

Bukas, fiesta sa Angeles. Kilala ang fiesta na ito bilang Fiestang Kuliat. Iyon kasi yung dating pangalan ng siyudad Angeles, dati ay barrio palang ito ng San Fernando.

At dahil fiesta bukas, invited kami sa bahay nina Elmer. As usual, taun-taon kasi kaming iniimbitahan ng kaibigan naming ito. Nagiging mini-reunion na rin namin ng mga college friends and classmates ang fiesta ng Angeles. Ewan ko lang bukas kung makakarating pa ang ilan.

Habang tumatagal kasi, nagiging abala na ang isa't-isa sa kani-kaniyang buhay. Ang ilan ay nakapag-asawa na, yung iba nga may anak na.

Ako, siguro matagal pa yun. Hehehe...

***

Nakaraos din sa wakas ang presentation namin para sa Quality Meeting for this month. Salamat at walang masyadong tanong ang mga Hapon sa report namin kanina na ako ang nag-present.

Pero right after ng Quality meeting namin eh nagtawag ng meeting itong si boss namin tungkol sa proposal nyang Organizational Chart change.

Ang kinatatakutan ko ay nagkatotoo. Pambihira, gagawin ng permanente ang paghawak ko sa Customer Complaint section. Inalis lang sa akin yung isang section na Reliability, buti naman at naawa sila sa akin.

Mahirap talaga minsan kung nagpapakitang-gilas ka sa mga boss mo. Sasairin ka talaga. May pa-effect pa silang "Hindi naman ibibigay sa inyo ang responsibilidad kung alam naming hindi ninyo kaya."

Ako naman, hindi ko naman talaga ugaling magpakitang-gilas sa kahit kanino man. Ang sa akin lang, once they give me certain task, I just do my best to accomplish that task. Eh ang nangyayari kasi sa amin, talagang sinasagad kami.

Minsan, nag-uusap kami ni Mylene, yung officemate ko. Pinag-uusapan namin na parang nagiging unfair na sa departamento namin. Meron kasing iilan dyan na "sitting pretty" lang ang inaatupag sa halos buong magdamag sa trabaho.

Ang pinagtatakhan ko lang, may ilan din na feeling ang dami-dami nilang ginagawa at nakukuha pang mag-OT pero parang hindi naman totoo. Masama na kung masama, pero yun ang nakikita ko sa kanila.

***

Nag-text ang boss ko ngayong gabi lang. Sabi sa text nya... "Mr. Shibayama [our EVP] appreciated your presentation, very easy to understand according to him. He will expect more improvement plan from you especially for the model 3556P."
Ano ito? Joke? Hahahaha... Whatever!



No comments: