Wala kaming report kanina sa Leakage meeting kaya naboljak kami ni Poknat. Wala kasing Customer Claim for last week. So puro graphical trend lang ang naipakita namin kanina.
So bakit siya nagagalit kung wala talagang i-rereport dahil walang customer complaint?
Sasagutin ko ang tanong ko (hehehe)... Kasi raw, kung walang customer claim kailangan daw naming ireport yung mga update and status sa mga nakaraang customer claim cases.
Ok, I got his point. Pero sana man lang eh kinonsider nya na last week, ang daming request ng mga sakang sa Japan at nanghihingi ng kung anu-anong data. Isa pa, dahil end of the month last week, syempre maraming requirements ang ina-accomplish namin ngayon.
Eh bakit hindi nya alam ang mga ito?
Ewan ko sa kanya. O baka naman talagang binibigyan kami ng hard time ng poknat na ito?
Siguro. Ang nakakainis kasi, siya ang superior namin, he should know.
Nangagatwiran ako kanina pero hindi ko na itinuloy pa dahil hahaba lang ang usapan.
Sabi ko kasi, hindi kami nakagawa ng report dahil sa bukod sa wala talagang customer claim sa linggong iyon, eh puro data gathering nga ang inatupag namin noon.
Sabi ba naman nya, "it's not a valid reason!"
Bwiset siya. Kung hindi lang siya supervisor, baka pinatulan ko na siya.
Dagdag pa nya, "hindi rason na busy tayo kaya wala tayong report. Hindi tatanggapin ng Top Management iyan."
Bwiset talaga siya.
Eh isa nga siya sa mga utusero kaya nga hindi namin nagagawa yung mga hinayupak na report na 'yan.
After nya akong pahiyain sa meeting room na iyon at isinama pa ang ibang engineers para lang pagsabihan ako in front of them, hindi na talaga maipinta ang pagmumukha ko.
Kinausap ko agad yung member ko na si Penny para sabihing "Kapag may inuutos sa inyo lalo na si Poknat, sabihin nyo na kailangang unahin yang hinayupak na mga report na yan, hindi kayo pwedeng istorbuhin."
Tignan lang natin.
At isa pa, may Quality Meeting sa Saturday, kailangan din namin ng report dun at iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nabigyan ng atensyon yang Leakage Meeting na iyan. And besides, nung Friday lang nila sinabi na may Leakage Meeting today. Bwiset!
Hindi naman halatang bitter ako dito. Hehehe...
Wala lang, inilalabas ko lang ang hinanakit ko na hanggang sa pag-uwi ay dala-dala ko.
Nawalan nga ako ng gana sa dinner kanina eh.
Bwiset.
So hayan, nakailang "bwiset" na ba ako dito sa blog ko?
Iniisip ko na lang na October Fest na... na malapit na ang Pasko... na early next year ay tsutsugi na ako sa kumpanyang ito na feeling ko ay inaabuso na ako.
Let's see...
Good night. Tomorrow is another nightmare!
No comments:
Post a Comment