Monday, May 25, 2009

Katrina and Hayden Fever! Aba naman!

Ayoko sanang pumatol sa isyu na ito dahil nakakaumay nang pag-usapan. Pero dahil sa kontrobersyal na isyung ito, may konting effect ito sa mga bagay na nakapaligid sa akin at sa araw-araw na ginagawa ko.

Una, buhat last week, sa tuwing dumadaan ako sa isang kalye dito sa syudad, ay walang poknat ang mga nag-ooffer sa akin ng mga videos na ito... Aba, ang tao nga naman, kung saan pwedeng pagkakitaan, hala sige!

Isa pang kinaaasar ko kasabay sa paglabas ng issue na ito ay ang pangyayari sa trabaho. As usual, involved na naman dito ang aking boss. Ewan ko ba kung tuluyan nang mawawala ang respeto ko sa kanya, pero ang CHEAP-CHEAP nya! Hehehe...

Nung umaga matapos pumutok ang balitang ito, aba sa morning meeting namin, proud pa siyang sabihin na napanood nya na yung 24-minutes (or whatever!) na sex video nila ni Hayden Kho at Katrina Halili. Tanungin pa ako kung napanood ko na raw ba... Aba sa sobrang inis ko, sabi ko napanood ko na rin, matagal na... Aba, hindi nagpatalo ang boss ko at kinontra ako na hindi raw yung "Careless Whisper" ang tinutukoy nya kundi yung bagong video... Aba, sinagot ko naman na, "oo nga, yun nga, yung bago napanood ko na yun..." At natahimik siya! Hahaha...

Honestly, hindi ko pa napanood that time iyon. Hahaha.. Pero nung gabi bago mangyari ang kaepalan ng boss ko, nakita ko na sa isang internet site yung video, pero hindi ko pinley (play).. dahil antok na antok na ako as in...

Pero akala ko, dun matatapos ang inis ko nung araw na iyon. Aba, sa dami-dami ng trabaho nung araw na iyon, wala siyang inatupag kundi ang pagtsismisan ang sex video na iyon. Hinayupak na video yan, nakakapikon na.

Hinayaan ko na lang dahil alam ko namang matitigil din siya sa mga pagmamayabang nya. Tsaka, sana ma-realize nya na nakakadiri ang inaasta nya.. Hahaha.. Ang dami-daming problemang dapat ayusin sa trabaho, sana man lang tulungan nya kami.

Hayan, sa mga taong pumipigil sa akin na umalis na dun sa trabaho ko, sige nga, kung boss nyo ay ganyan, maaatim nyo bang mag-stay pa? Pasalamat siya, wala pa akong nahahanap na mas magandang work!

For the meantime, kailangan ko talagang pagtyagaan ang ganyang klaseng environment. At pinapakita ko talagang kahit toxic ako sa trabaho, hindi ko kailangang maging OA katulad nila... OA sa petiks, at OA sa pagbi-busy-busy-han!

***

Kung sa bagay, bukod sa binabalak kong surprise resignation (hahaha)... may surprise din naman ako sa kanila this coming June! Hehehe...

***

Nag-audit kami sa Office of the President ng kumpanya kanina, nahilo ako!

***

Halos ayokong bumangon kaninang umaga para pumasok sa trabaho dahil unang sumagi sa isip ko yung boss ko na naman, pero nung maalala ko yung mga pending activities ko at mga subordinates ko.. sige na nga! :-)

***

For sure, eepal na naman ang boss ko bukas dahil sa instruction na binigay sa akin ng EVP namin. Naintindihan ko na sir, wag mo nag i-elaborate dahil lalo lang akong mabubwiset!

***

Life is unfair... hindi sa nagbibilang ako ng work.. pero obvious naman ang mga todo-petiks sa tabi-tabi... Tabi-tabi po!

***

Mga bossing, nakakahiya ang nangyaring sagutan nyo sa isang meeting. Hindi na healthy ang argument nyo.. Nakakainis na.

***

Ano na naman kayang ulam sa canteen bukas? Isa na namang malungkot na lunch ang aabangan ko.. babawi na lang ako sa dinner. :-)

***

May mga expats na dumating ngayon galing sa Japan... nasaan ba sila at magtatago ako.. mahirap na at baka...

***



Wednesday, May 20, 2009

Watashi wa Henry Desu!

Ilang linggo ko nang kina-career ang pag-aaral ng Nihonggo online mula sa isang website. Actually, noon pa ako nakikinig ng podcast ng Nihonggo lesson dahil na rin sa impluwensya at araw-araw na pakikisalamuha ko sa mga Hapon sa kumpanya.

Pero nitong nakalipas na linggo nga ay medyo tinotodo ko ang pakikinig sa audio lessons. Siguro dahil na rin sa isang pangyayari na "wala lang".

As in, bigla lang akong nagkaroon ng communication sa dating "kaibigan" na matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap.

Since after High School, wala na akong balita buhat sa kanya, not until naisipan at nagbaka-sakali akong i-search ang friendster account nya and voila! Meron nga!

Nalaman ko na nasa Japan pala siya sa pamamagitan ng mga litrato na ibinahagi nya sa account nya. Sumagi tuloy sa isipan ko kung ano ang mga maaaring ginawa nya sa bansa ng mga sakang: nakapag-asawa ng Hapon? Entertainer? Professional? O di kaya Japayuki (kahit hindi ko masyadong alam kung ano ang description nito)?

Well, hanggang hula at mananatiling mistersoyo pansamantala para sa akin ito. Nagbaka-sakali na lang ako na magre-reply siya sa email ko kahit na tila hindi na nya binibisita ang account nya.

Ilang buwan ang lumipas, at nawala na rin siya sa aking isipan. Ngunit sa di inaasahan na pangyayari, nag-reply siya. Huh?! Ah ok...

Nalaman ko na lamang na nandito na pala siya sa Pinas at hinihingi ang cellphone number ko. Walang malisya, binigay ko. Makalipas ang isang araw, nagtext na siya... and guess what? Todo -Nihonggo ang mga pagbati nya. Medyo na-praning ako dun. Hahaha...

So yun, dahil gusto ko rin namang magpa-impress, todo-aral din naman ako sa mga basic expressions ng Nihonggo. Akala nya huh! Hahahaha....

Makipag-kita kaya ako sa kanya? Hahaha... (muling ibalik ba ito? hehehe)...

Well, abangan ko na lang ang susunod na kabanata...

Uyasumi Nasai! Good night everyone! :-)

Wednesday, May 13, 2009

Omedeto!

Just tonight we won the championship of the volleyball game in our annual company sportsfest.

Masaya ako para sa kanila...

At kahit hindi ako naging perfect coach sa kanila, it is enough for me na after this event, they thanked me for everything.

I am really proud of their accomplishments and the camaraderie that they have manifested. True enough, we really had fun and enjoyed every moment we had inside the playing field.

Kaya naman, kanina, I treated them for a dinner and videoke somewhere in the metro. This is another night to remember...

Kahit na lungkot na lungkot na ako sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, ito ang isa sa mga masayang alaala na hindi ko makakalimutan, umalis o mag-stay man ako sa kumpanya.

***

The whole day caused me another set of mixed emotions, especially at work.

Indeed, I am starting to realize that I am now again in a state of perplexities and a dilemma.

Perplexed in a sense that, how's the level of my happiness and satisfaction right now? What I really want to do right now?

Dilemma, because of the fact that in every step I make today, there is a consequence that I should face. Should I go to the left or right direction?

Itutulog ko na lang muna ito....




Saturday, May 09, 2009

What a rainy week!

Goodbye Dante and Emong. Pero makulimlim pa rin ang kalangitan dito sa amin. Hindi pa dine-declare na Rainy Season na, pero parang ganun din naman.

Naku, wag sanang bumagyo sa June 17-20, ok lang na may konting pag-ulan sa mga araw na iyan. May lakwatsa kami sa petsang iyan. :-)

Dahil sa epekto ng global warming, first time ko yatang narinig sa mga balita ngayon na masususpinde ang "summer" class dahil sa bagyo.. hahaha

Ano bang latest ngayon? Hmmmm... wala naman. Pacquiao fever pa rin, pero sana nga wala siyang dalang H1N1 virus para hindi ibang "fever" ang maranasan natin. Hehehe..

***

Kasabay ng mga pag-uulan at ang mga update kay Pacquiao, H1N1 virus, Dionisia (talagang hot item siya sa akin, hehehe) at ang pagli-leave ni Korina sa TV and Radio programs nya, naging super busy ako this week... (Kaya pala hindi ako updated sa mga ito.. hahaha).

The more I get busy, the more late I go to bed... Insomnia ba tawag dito, huh Craig David? Kaya hayun, naa-update ako sa mga latest buzz , gossips at iba pang pakulo sa internet... hahaha...



Sunday, May 03, 2009

Aling Dionisia, nadismaya dahil naunahan siya ni Hatton na mahimatay! LOL

At dahil Pacman Day na naman ngayon, ibig kong ialay ang entry na ito sa ating Pambansang Kamao, si Manny Pacquiao! Woohoo!

Well, hindi ako fan at hindi ko siya masyadong pupurihin dito.. Hahaha... Though as a Filipino, we shall all be proud of his accomplishments. Ika nga niya, para daw sa atin ang laban na ito! In a way.. hehehe...

Ang gusto ko lang i-share ngayon ay ang impluwensyang idinulot sa akin ng laban na ito sa buong magdamag na pagtutok ko rito.

Una, maraming salamat sa gumawa ng Facebook at Twitter, pati na rin sa Youtube at ang ilang Website na nagbigay ng Free Live Streaming (as in "Live" talaga, kasabay ng PPV) sa laban nina Pacquiao at Hatton.

Na-utilize ko talaga ng todo ang mga ito kanina. Biruin mo, wala akong PPV at hindi ko rin naman tinangkang manood sa mga Malls (approx. P500 yata ang fee) at lumabas pa ng kabahayan, pero eto, Live na Live kong napanood ito just in front of my PC. Binuksan ko pa talaga ang transistor radio ko and tuned in sa DZBB just to make sure na hindi "delayed" ang napapanood ko sa internet. Hahaha... sigurista!


So yun, natapos ang laban pagkatapos ng dalawang rounds. Mahina pala itong si Hatton... Kaya hayan, may nag-comment tuloy na nadismaya si Aling Dionisia dahil naunahan itong mahimatay at ma-knockout. Anyway, kahit nasa Las Vegas itong si Doña Dionisia ay minabuti nya raw na hindi manood sa mismong Arena at sa hotel na lang tumutok. Hintayin ko na lang ang coverage na iyan na I'm sure meron sa channel 7. And speaking of GMA-7's broadcast to this fight, 4 rounds ang ipinalabas nila. Yes, apat na round sa GMA-7 compare sa mga PPV at Live Streaming internet. Why? Kasi ba naman, dalawang beses nila ipinalabas ang 2 rounds. Hahaha.. sayang ang commercial loads. Wala pang tanghali eh natapos na ang laban ni Pacquiao sa PPV at Internet Live Streaming, sa channel 7, siguro naabutan nya pa yung "The Buzz".. Hahaha...

Buong umaga ako nakatutok sa PC ko.. twitter, facebook at yung website na live streaming nga. And in fairness, napa-believe itong si Mariah Carey na nanood ng fight. Updated ako sa mga twitter messages nya habang nanonood siya sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas (naka-twitter mobile siguro siya) dahil follower nya ako.



At sa Facebook, dumagsa ang mga updates and comments sa kasagsagan ng laban na ito. One of my friends na si Eph (Ephraim Aguilar) na isang Bicol correspondent sa Philippine Daily Inquirer, has this article na lumabas na sa PDI website. I just want to share to you this... (dalawang comment dyan ay buhat sa akin sa facebook account ko, hehehe... so in-insert ko na rin yung screenshot ng Facebook at Twitter ko.)




LEGAZPI CITY, Philippines – On her Twitter page, popular singer Mariah Carey said Filipino boxing hero Manny Pacquiao’s win over British Rocky Hatton was “unbelievable.”

Carey’s entries or “tweets” were announced by her Filipino fans on the social networking website Facebook.

The popular singer said: “This is quite violent.” Another entry read, “I can’t even know what to say.”

Towards the end of the fight, Carey, said Pacquiao was “unbelievable.”

Facebook was filled with shouts on Pacquiao’s victory. Some said those who viewed it on pay-per-view did not get their money’s worth because Hatton “kissed the floor” as early as Round 1 and was knocked out on Round 2.

“Talo! Talo ang mga nanood sa mga malls. Round 2 lang [Losers! Those who watched in malls lost. The match ended in Round 2],” one user said.


Other Facebook users said:

“I feel bad for Hatton. He saw the whole milky way.”

“Asar si Aling Dionisia kasi naunahan siya ni Hatton na himatayin! [Aling Dionisia was irked because Hatton fainted ahead of her].”

“Ano kayang regalo ni Pacquiao kay Aling Dionisia? “Eskenejens? [What would be Pacquiao's gift for Aling Dionisia? Skinny Jeans?]”

Pacquiao’s mother, Dionisia, has fainted on national television several times whenever Pacquiao had a fight.

“Mas matagal pa ang paghahanap ng parking kaysa laban ni Pacman. [It took longer to find a parking space than to watch the Pacman fight].”

"Panalo na naman si Chavit!” [Chavit is again a winner]," referring to former Ilocos Sur governor Luis Chavit Singson, a close supporter of Pacquiao.

“People forgot the H1N1 Virus over Pacman-Hitman fight,” another Facebook user said.

So there... isa na namang memorable day para sa ating mga Filipino ang natapos... Good night everyone! Uyasumi Nasai!