Hindi ko namalayan at patapos na naman ang buwan. At hindi ko namamalayan na papalapit na naman ang kapaskuhan.
Wala namang pinagbago sa buhay ko this past months, yung nga eh... Nakalipas na naman ang ilang buwan pero ika nga ni Keane (singer)... "Everybody's changing and I don't feel the same..."
Last week was our Surveillance Audit. Sabay-sabay in-audit ang sistema namin in terms of Quality, Environmental, Health and Safety, at ang madugong TS 16949.
Ok naman ang resulta... sulit naman ang preparasyon namin...
1st day pa lang, na-audit na ang Customer Complaint Section. Currently kasi, pinahawak sa akin temporarily yung isang section na iyon. Hindi ko pa masyadong gamat ang sistema, kaya ang boss ko na lang ang sumasagot sa mga katanungan ng auditor.
Ako rin ang isa sa mga humarap bilang "Employee Representative" ng audit. Puro ka-eklatan lang naman ang mga pinagtatanong ng auditor. Hehehe.. Syempre, ka-eklatan din ang mga sagot namin. Hahaha...
Sa EMS (environmental management system) at Health and Safety ng departamento namin, ako rin ang kumatawan. Natatawa ako kapag naaalala ko yung konting kapalpakan ko nung audit. Hinanap kasi sa akin yung ebidensya kung mayroon kaming programs tungkol sa sistema na iyon, sa sobrang pagmamadali, hindi ko naalis yung mga thumb tucks sa gilid ng poster. Nakapaskil kasi sa bulletin board ng QA department yung dokumento, at kinuha ko sandali para ipresinta sa audit. Nagparinig tuloy yung auditor nung binigay ko sa kanya yung poster na may thumb tucks, "Sa palagay mo, safe ako sa binigay mo?" Hehehe... nagpa-sorry agad ako at binawi ko na lang yung poster para alisin yung mga nakakatusok na thumb tucks.
Ok din naman ang resulta ng audit namin sa Calibration. Nakatanggap kami ng isang Observation at dalawang Suggestion for Improvements.
Sa MSA (Measurement Systems Analysis) naman, medyo madugo ang kailangan kong gawin. Medyo mabigat kasi yung finding ng auditor. Since 1st stage audit pa lang naman namin ito for TS 16949, hint for improvement na lang ang hatol ng auditor. Sa November yung second stage audit, matatapos ko kaya lahat iyon?
Sana alisin na sa akin yung Customer Claim Section, nakakabwiset kasing hawakan ang section na iyon. Si boss na acting supervisor, hindi ako natutuwa sa kanya. Ang daming pinapagawa, wala namang direksyon ang mga pinag-uutos nya!
Hay, ayoko munang magalit dito...
Teka, meron pa palang isang nakakainis na nangyari sa akin ilang linggo na ang nakakalipas...
Sinugod ako ng isang kuba, este mukhang kuba na engineer kuno sa PPIC...
Eh mukha kasi siyang shipment, as in, walang alam kundi ang shipment ng mga products namin. Kaya hayun, nabwiset siya nung nalaman nyang delayed ang Reliability results namin. Hindi namin kasalanan ang pagka-delay nun, fyi. Kasalanan din nila dahil hindi nila sinunod yung planning nila...
Hay nako, buti na lang civilized akong tao at hindi ko pinatulan ang mga pagsisisigaw nya doon. Nakakahiya siya. Nag-walkout pa ang kuba habang nag-eexplain ako. Walang breeding. Pero siyempre, rumesbak pa rin ako kahit sa email man lang. Sinama ko talaga yung boss nya at boss ko sa mailing list.
Bwiset siya.
No comments:
Post a Comment