It's Christmas season again. Kapag ganitong panahon, isa sa mga sumasariwa sa aking isipan ay yung mga childhood memories ko tuwing Pasko.
Dati-rati, buwan palang ng Nobyembre ay excited na ako sa Pasko. Nung elementary ako, naaalala kong pinapatugtog ang "Mary's Boy Child" tuwing umaga sa flag ceremony. Lalo tuloy akong nae-excite. Hehehe...
Pag tungtong ng buwan ng Disyembre, sinisimulan na naming magpi-pinsan na buksan isa-isa kada araw sa aming dekorasyon ang mga katagang "WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS"... 24 letters lahat yan at kada araw isang letra ang binubuksan hanggang makumpleto sa beinte-kwatro ng Disyembre.
Marami pa akong masasayang alaala noong bata ako sa tuwing sasapit ang Pasko...
Ngayon, parang wala lang.
Hindi ko nga namalayan na buwan na pala ng Disyembre ngayon.
Parang totoo nga ang sinasabi ng ilan na ang Pasko ay para sa mga bata.
Iba pa rin talaga ang saya na nararamdaman ko noon. Kahit na maraming party, gatherings and reunions akong dinadaluhan ngayon, parang hindi pa rin nya mapantayan ang excitement ko noon tuwing sasapit ang kapaskuhan.
Dati... ang pag-aabang sa Pasko ang hindi nagpapatulog sa akin (as in the lyrics of the Christmas Song... "We'll find it hard to sleep tonight.")...
Ngayon... ang pag-iisip sa trabaho ang hindi nagpapatulog sa akin for the past few days. Toxic masyado. Hindi pa tuloy ako nakakapamili sa mga reregaluhan ko this Christmas.
How sad. :-(
1 comment:
haha... oo nga noh...
parang yung Christmas para sa mga bata na lang...
pero try mu examine yung sarili mo kung bakit ganun at kung bakit nga ba parang 'nagbago'...
as a child, sobrang saya ko rin eh twing magpapasko... pero ngayon, napagtanto ko na kaya ko ganun eh dahil SUPERFICIAL pa yung tingin ko sa mga bagay2...
masaya dahil maraming gifts, money, laruan, magaganda yung mga decors, puro mukha ni Santa at snowman yung nasa tv and department stores...
but now, busy-busy na tayo as mga young adults, me mga responsibilities na, and we realize na yung Christmas hindi lang pala 'ganun'...
Post a Comment