Sunday, November 30, 2008

Ninong Henry

Disyembre na bukas pero parang wala lang, hindi ko maramdaman na magpa-Pasko na.

Napaka-busy kasi ng naging buhay ko this past few weeks.

Syempre, mas busy, mas maraming sitwasyon na nakaka-init na naman ng ulo.

Halos buong buwan ng Nobyembre ay wala kaming gimik ng mga college friends ko na supposedly every weekend namin ginagawa. Siguro mga busy rin sila.

Not until last friday when we watched Twilight at the movie house. Biglaan lang ang pagkikita namin. One of my friends texted me on that same day in the morning. Tutal, patapos na rin ang TS audit namin that day, eh sumama na rin akong manood.


About the movie... ok lang. Hehehe.. Lahat yata ng movie na pinanood ko this year ay wala akong masabi kundi "ok lang." Unlike before na talagang binubusisi ko talagang maige ang bawat pelikulang napapanood ko, ngayon parang wala lang.

Minsan kasi, kahit sa oras ng gimikan, panonood ng sine, time for relaxation, eh hindi ko maiwasang isipin ang trabaho. Masyado ko yatang kina-career ang pagiging buhay-manggagawa ko.

Last night, I got the chance to meet Joan and Jocs for dinner out. They are also two of my college friends. Kung nung biyernes ay sina Elmer and Glenn ang kasama ko, kagabi naman ay dalawang girl friends ko naman (babaeng kaibigan). :-)

We ate at Dencio's, pero parang hindi kami masyadong natuwa sa kinain namin. Hehehe. Sabi ko nga sa dalawa, mukhang puro di maganda ang narinig kong comment mula sa kanila about the food. In all fairness, mukhang may point sila. Hehehe.

Kanina, I attended the Christening of baby Calvin, may 4th inaanak. Unang baby siya nung co-employee ko. Masaya naman kanina kahit na hindi dumating yung ibang co-employees namin sa kumpanya. Wag ko kaya silang pansinin bukas? Hehehe.. Tamporista talaga ako...

O kaya naman, hindi ako sasama sa mga kagimikan nila this December. I really mean it. Hehehe.. Kasi ba naman, yung dalawang member ko na ini-invite ko for a night gimik this December, parang ini-ignore nila.. Pero ok lang, I understand their situation, may mga asawa't anak na kasi sila. Yung isang grupo naman, ini-invite ko na samahan naman ako sa binyag nga ngayon, pero pambihira, walang dumating sa kanila. So ang ending, baka i-ignore ko rin sila this season of gimiks, ganti-ganti lang yan. Hehehe.. And besides, loaded na ako ng mga gimik activities this month, with other set of friends. Yun lang!

Apat na ang inaanak ko... kumusta naman ako sa Pasko?

No comments: