Mahirap sagutin ang tanong na iyan, lalo na kung kilala mo ang boss mo na hindi tumatanggap ng eksplanasyon at katwiran. Sa bandang huli, "shut-up" na lang ang eksena namin.
The week that was... or should I say, ang buong buwan ng Nobyembre ay parang impyerno sa akin. In as much as I wouldn't want to be affected so much by work-related things, I can't help but think of what's really going on with my life at work. Have I had enough? Baka kakayanin ko pa?... The fact that I can't figure out my tolerance level... I am indeed feeling perplexities with regards to my situation right now.
Naka-ilang sermon ako sa mga nakalipas na araw. Sermon mula sa dalawa kong superior --si Poknat at si Polio aka "Pol". Tried and tested na ang dalawang iyan --hindi sila bukas sa katwiran at paliwanag. Shut up na lang ako...
Situation Sample #1:
Ako: "Sir, we've been busy for the past few days... maraming request mula sa Japan... sorry if we didn't manage to complete our report for Outflow Meeting."
Ang sagot ng boss: "Hindi valid reason ang busy!"
Ako: "Sir, mas prioritize namin ang Quality Meeting Report ngayon, yun ang pinaghahandaan namin."
Ang sagot ng boss: "Hindi natin maidadahilan sa Top Management na busy tayo, (etc.. etc..)"
Shut up na lang ako [Sabay sarado ang dalawang tenga para hindi na marinig ang mga nakakabwiset na panumbat ni boss]...
Situation Sample #2:
Boss: "Bakit hindi ka na ngayon nag-aattend ng daily morning meeting?"
Ako: "Sir kasi mas binibigyan ko ng time na i-meeting ang mga members ko since eto lang ang oras na naibibigay ko sa kanila. Minsan napapahaba ang discussion namin kaya hindi na ako nakaka-attend ng morning meeting ng Production. Then kanina pinatawag ako ng EHS department kasi nga may scheduled audit pala kami. Then pinatawag din ako sa TFT-Module department since may customer audit sila at may mga tanong tungkol sa Calibration." (Mahaba talaga ang ibinigay kong sagot sa kanya.)
Boss: "Bakit hindi ka nagpaalam kanina? Ako kasi ang tinatanong ng VP kung nasaan ka na at hindi ko alam ang sagot."
Ako: "Sir, emergency ang nangyari kanina. Pinatawag ako ng biglaan at hindi ko rin inasahan iyon."
Boss: "Kahit sa mga co-engineers mo hindi ka man lang nagpasabi na hindi ka makakapunta sa meeting."
Ako: "Sir wala akong nakita kaninang engineers or members natin nung time na pinatawag ako. Sa katunayan nasa hallway ako nung malaman ko na pinapatawag na ako sa itaas kaya hindi ko na nagawang magpaalam."
Boss: "Sa susunod magpaalam ka, ano bang problema sa pag-attend sa morning meeting?"
Shut up na lang ako. Dahil dapat alam nya ang sagot sa tanong nyang iyan. Ang Morning meeting kasi na iyan ay intended talaga sa mga Production Engineers. Meaning, puro output sa production ang pinag-uusapan dyan at singit lang kami (QA) kung may mahalaga lang kaming information or announcement. Naman! Gusto nya araw-araw kaming mag-attend dyan... Isang oras kaming nakatunganga sa meeting. Naman!
Situation Sample #3: (Nangyari lang this week)
Boss: Ano ito? Bakit hindi pa rin maayos ang mga documents nyo sa Customer Complaint? Alalahanin nyo na next week na ang TS Certification audit natin. H'wag ninyong hayaang kayo ang magiging dahilan kung bakit hindi papasa ang kumpanya natin sa audit na iyan! Kalahating milyon ang binayad ng kumpanya sa audit na yan, whether or not papasa tayo!
Kami: [Nagbigay ng kanya-kanyang dahilan]
Boss: Bakit ngayon nyo lang sinasabi na may malaking problema pala tayo? Ano ang ginawa nyo?
Kami: [Sinubukan pa ring magpaliwanag ng kung anu-ano...]
Boss: [High-blood mode] ... [Sinisisi kami... OA sa galit]
Kami: [Shut up mode]
Ako: [Deadma... Hehehe]
Good luck sa audit namin next week!
***
I don't know if I am doing wrong by expressing and telling my members that I want to resign. Baka kasi ma-unmotivate sila sa work... Kaya nga from now on, if they keep on asking me about my "imminent" resignation.. I just ceasely answer: "I love our company.. forever!"
No comments:
Post a Comment