Monday, December 22, 2008

Gifts for keeps...

Wala naman akong hinihiling na materyal na bagay this Christmas. Hindi kapalstikan ito, promise. Siguro, dahil masyadong busy sa trabaho, hindi na ako nakakaisip ng kung anu-anong materyal na bagay na makapagbibigay ng panandaliang saya sa akin. (Ang lalim, huh?)

Ang mahalaga sa akin ngayong kapaskuhan ay makasama at makapiling ang pamilya, mga kamag-anak, kaibigan at ilang malalapit sa akin. Corny na kung corny, pero yun talaga ang nararamdaman ko.

Fortunately, masaya naman ako dahil natutupad naman kahit papaano ang hiling ko. Ang plano kong mag-dinner out with my subordinates ay natuloy. Ang regular na pagkikita namin ng mga kaibigan ko ay hindi nauudlot. At ang pamilya ko this Christmas ay kumpleto.

Calibration/Reliability/Customer Claim Group


Kumbaga sa kanta ni Mariah/My Chemical Romance, "All I want for Christmas is... to be with them" naman ang sa akin.

***

Financial Global Crisis. Mga dalawang buwan na ring usap-usapan ang issue na yan. Sa ilang kumpanya, ramdam na raw nila ang epekto nyan.

Sa amin, nagbigay ng mensahe ang EVP namin na ang forecast eh sa february namin mararamdaman yan. Well, nandun pa kaya ako sa kumpanya? Hehehe... Siguro nga dahil sa crisis na yan, mag-alinlangan akong mag-resign! Hahaha... "I'll just cross the bridge when I get there" na naman ang drama ko...

Kanina sa mall, parang hindi ko naman naramdaman na may crisis... ang daming tao sa mall. Or baka naman window shoppers lang ang karamihan sa kanila, or baka shop lifters? Hehehe.. Pero hindi eh, ang daming nakapila sa mga Cashier... yan ba ang walang pera?

Madiskarte lang siguro tayo. At least kahit papaano, meron. Well, it's always the thought that counts...

Kaya nga kaninang morning general assembly ng aming department, na-touch ako nung binigyan ako ng regalo ng mga subordinates ko. At least, naalala nila ako.

Pero sabi ko nga kanina, hindi ko feel maging materialistic ngayon. Simpleng "Merry Christmas" na pagbati lang, ok na sa akin. Dahil susuklian ko rin naman sila ng isang matamis na "Happy New Year." Hehehe...

***

Sa apat na inaanak ko, naiabot ko na sa dalawa ang aking aginaldo (Calvin and Khloe). Yung isa, pamangkin ko (Xelphie) kaya sa Pasko ko na ibibigay, yung isa naman, anak ng dati kong katrabaho (Sean Paul). Nakokonsensya nga ako kasi last year, hindi ko siya nabigyan kasi nga umalis na ako dun. Ngayon naman, parang malabo rin na magkita kami kasi wala na kaming communication. Bahala na si Batman... magkikita kung magkikita. Hehehe...


***

Last Saturday night naman, invited ako sa Christmas Party ng isang Department. Ako lang talaga ang special guest nila. Hehehe... Ayun, videoke to the max! Hehehe...




***

Tomorrow, isa na namang Christmas Party ang dadaluhan ko... sana naman tumaba na ako sa dami ng chibog na pinupuntahan ko. Chance na ito! Hahaha...

December 14, 2008 QA Christmas Party




No comments: