Wednesday, December 31, 2008

Bagong Taon ay magbagong buhay...

Higit isang oras na lang at 2009 na.

This time, hindi ko type maglista ng mga new year's resolution ko.

Nakaka-frustrate lang kasi kapag hindi natutupad.

Siguro, wala lang ako sa mood gumawa ng reso.

Baka bukas, unang araw ng taon, baka maisipan ko pang gumawa at nang maihabol ko pa. Hehehe..

***

Kanina, galing ako sa bahay ng elementary classmate ko na si Kristine. Nandun din yung iba na si Ricky at Sharon. Ayun, kumustahan to the max kasi matagal-tagal ko na rin silang hindi nakakasama. Ang sarap balikan ng mga memories, nag-enjoy ako sa kwentuhan namin tungkol sa mga katatawanan nung elementary. Siguro in the next week mapapadalas ang pagkikita namin since sa February, lipad ulit si Kristine for Australia.

***

Mixed emotions ako ngayon. Masaya, malungkot, worried, excited, bothered.

Masaya kasi holiday season pa ngayon, masaya sa labas, nagkakaputukan na, sing-along, party!

Malungkot kasi pinakatay yung aso naming isa. Hehehe.. Kasi ba naman, kinagat nya sa ulo yung isa pa naming tuta na si Rigor, duguan kanina. Buti na lang at parang tumatalab yung mga first aid at gamot na pinainom namin kanina. Kaya hayun, nagalit ang mga tao dito sa bahay, pinamigay yung aso sa kabilang baranggay, pinakatay na yata. Uso pa rin pala ang kumakain ng aso dito. Hehehe.. Kasalanan din kasi nung asong iyon eh (Bodie ang pangalan)... dalawang pusa na ang pinatay nya at yung isang aso naming si Snowy, may contribution din siya sa pagkamatay nun. Pero kahit papaano, inalagaan pa rin namin si Bodie. It just so happened na napuno na kami dito sa bahay at hindi na namin hihintayin pa na makaperwisyo pa sya sa susunod. Last day of 2008... biglaan, last day na rin pala nya!

Worried. Pambihira... what's in store for me this 2009???!!!

Excited. Paikot-ikot lang naman ang buhay... yung mga masasayang okasyon nung nakaraang taon-- with familyand friends, sana higitan ang saya sa darating na taon.

Bothered. Pucha, ang daming naiwang trabaho. Back to work sa January 5. Back to normal!

***

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, may stiffed neck.

Well, ika nga sa kasabihan... "Those who cannot remember the past are condemned to repeat it."

Marami rin naman akong "ups and downs" sa taong 2008. Siguro normal lang yun sa isang tao.

What is more important now is that I have survived.. and I have to continue surviving!

***

H
A P P Y N E W Y E A R !!!








No comments: