Thursday, January 01, 2009

New Year is everybody's Birthday

Patapos na ang Holiday Season... or for me, tapos na talaga kasi hindi naman namin sine-celebrate ang Three Kings...

Balik na sa normal ang lahat, well naging abnormal ba?

Hindi naman, as in back to reality.. hehehe.. Ilusyon lang ba ang nangyari?

Bakit ba tanong ako nang tanong?

Ewan ko..

Kasabay kasi ng paghihiwalay ng taon ay ang pamamaalam ng saya sa aking puso.

Wow, napaka-Tagalog ko naman, at napaka-Drama na rin!

Pero totoo yun. Ayaw na ayaw ko ang ganitong panahon-- habang nililigpit ang mga xmas decors, habang inuubos ang mga Left Overs, at habang iniisip ang mga natambak at naiwang trabaho. I hate it! (English naman ngayon.) Hehehe...


Pero dapat talaga maging masaya tayo. Yun naman ang isang goal natin sa buhay.

Sabi ko nga sa previous blog ko, ang lungkot at saya or kung ano mang feelings meron tayo, sa isip lang yan.

We can always start a new life, and we must start it right.

So, trip ko na bang gumawa ng New Year's Resolution?

Hahaha... ni-review ko ang New Year's Resolution na ginawa ko last year... nakakahiya... parang halos lahat nun ay hindi natupad.

Basta, dapat talaga na ipagpilitan ko ang sarili ko na mag-ipon na. Grabe na 'to. Todo na dapat ito.

Yun lang muna. Hehehe.. I'll just try my very best in achieving my targets.

Pero ang hindi ko talaga maipapangako is.. yung mainis sa trabaho. Hehehe...

Hindi naman ako bugnutin palagi, naba-bad trip lang talaga ako kapag sobrang pressured sa work. Kasama na dun yung pakikisama sa mga katrabaho whether sa boss or sa subordinates.

Kaya nga, salamat sa gimikan.. Hahaha. nakakawala ng stress, in fairness.

Love Life? Nyahahaha....

No comments: