Wednesday, January 07, 2009

Ploning... sa gabing madilim. LOL!

Hindi ito promotion ng pelikula. Hehehe.. Wala lang, kagabi kasi naisipan ko lang panoorin ang movie na ito na pina-download ka pa sa kuya ko. Hehehe...

Curious lang kasi ako kung talagang pang-Oscars ang movie... well, let's keep our fingers crossed!

The fact na pwede siyang pumasok sa top 5 nominees as Best Foreign Film sa Oscars, nahiwagaan lang ako sa pelikula na ito.

Mahiwaga nga si Ploning! Hahaha.. yun ang character ni Juday dito. Dekada Otsenta ang setting, sa Cuyo Palawan. Ok ang cinematography, glossy.

Halos kabuuan ng pelikula, sa salitang Cuyonon ang script. Pati yung theme song, nakakakilabot. Original folk song daw ang ginamit na theme song, syempre sa salitang Cuyonon din. Actually, sa folk song na ito rin binase yung istorya ni Ploning.

Naging misteryoso si Ploning dahil na rin hindi nya ugaling i-express ang nararamdaman nya, lalo na pag nalulungkot na siya. Nami-misinterpret tuloy ng iba na wala lang sa kanya ang mga kalungkutan ng buhay, pati ang pagkamatay ng magulang nya, hindi siya kinakitaan ng pag-iyak? Malalaman nyo sa movie kung ganun ba talaga siya. Hehehe...

Kilalanin nyo rin si Digo na mahilig sa Lychee na naka-delata, ang batang Cuyonon na inalagaan ni Ploning.

Si Eugene Domingo, hindi yata nagpatawa dito? Hehehe.. pero siryoso talaga ang role.... siya ang nanay ni Digo na bilang na ang mga araw sa mundo dahil sa isang malubhang karamdaman. Isang hindi makakalimutan scene sa kanya ay yung tanungin siya ni Digo kung kailan daw siya mamamatay?

Si Tessie Tomas, hindi rin nagpatawa... siya ang finale sa movie na ito. Hehehe...

Si Gina Pareno, ang ina ni Tomas.. ang iniirog ni Ploning... pero ni anino ni Tomas hindi ko nakita sa movie.. hehehe...

Si Mylene Dizon, siya ang batang Tessie Tomas... malakas ang personality. Kaya kadalasan, namimis-interpret nya si Ploning. Gusto ko yung scene nila na naghahati ng Cashew Nuts, may forum sila. Hehehe...

Iba pang cast ay sina Ces Quesada, Meryl Soriano, Ketchup at Beth Tamayo....

Makakapasok kaya ito sa Oscars? We'll see...

Nakakaiyak naman ang pelikula, in fairness...


Ploning, nga labing maleban
Ang guegma mo Ploning
Nga ing kandaduan
Lisensia ko Ploning
Kung sarang tugutan
Mapamasyar ako
Sa marayeng lugar

No comments: