Tuesday, January 13, 2009

Slumdog Millionaire

"Kaun Banega Crorepati" --salitang Hindu na ang ibig sabihin ay "Who Wants To Be A Millionaire?"

I've just watched this movie "Slumdog Millionaire".

Umikot ang istorya sa magkapatid na Jamal at Salim, kay Latika na kababata nila, at ang game show na Who Wants To Be A Millionaire, India version.

Naging kontrobersyal ang pagkapanalo ni Jamal ng limpak-limpak na salapi sa game show na ito.
At kahit mismong host ng game show ay nagduda sa kagalingan nitong si Jamal sa pagsagot sa mga katanungan.

Bakit nga ba nya alam ang mga sagot? Genius ba siya? Nandaya? Maswerte? O talagang destiny nya na mapanalunan ang 20 million Rupee Jackpot Final Question?... hehehe.. ang haba...

Isang batang walang pinag-aralan si Jamal... at panoorin nyo na lang kung papaano nya nasagot ang mga katanungan sa game show na ito katulad ng "Sino ang nag-imbento ng Revolver?", "Kaninong pagmumukha ang nakalagay sa US $100?", "Sino ang pangatlong Musketeer bukod kina Athos at Porthos?"... iyan at iba pa, nasagot nyang lahat yan.



Parang may pagka-Maalaala Mo Kaya ang pelikula. Hehehe.. Marami kasing kadramahang pinagdaanan itong si Jamal.. kahirapan, kalupitan at ang kanyang buhay pag-ibig.

Nasiyahan naman ako sa movie na ito kahit papaano.. hehehe... I believe, potential itong makapasok sa Academy Awards...

Kung hindi makapasok.. well.. ganyan talaga.. "It is written." Hehehe

1 comment:

Kenny Chen said...

Is it available in video stores in Manila already? Thanks!`


Kenneth