Sa title palang ng movie, na-curious na ako. Hehehe.. So I decided to watch it.
Kasing haba ng title ang duration time ng movie...hahaha.. Lagpas 2 hours lang naman.
Naalala ko tuloy yung pelikula na pinanood ko sometime in 2005, mahaba rin ang title: "Lemony Snickets: A Series of Unfortunate Events" starring Jim Carrey.
This time, mas serious naman itong The Curious Case of Benjamin Button.
I don't want to be spoiler, pero eto ang aking overview sa movie na ito:
The story is about Benjamin Button, syempre. November 11, 1918 siya ipinanganak sa New Orleans. At kakaiba ang buhay nya sa lahat, as in ang gulo ng buhay nya! Hehehe...
Ipinanganak siya sa edad na 86. Yep, baligtad ang buhay nya.
At papaano sya lumabas sa sinapupunan? Well, sasagutin ko 'yan.. hehehe.. sanggol siyang iniluwal pero kasing kulubot naman ng isang lolo ang kanyang balat, napagkamalan tuloy siyang monster ng kanyang itay. Ang kanyang inay naman ay namatay pagkatapos nya mismong nanganak.
Bakit naman naging ganito ang buhay ni Benjamin? Well, hindi ko rin alam. Hahaha.. pero ang natatandaan ko sa movie, parang sa kanya um-epek yung ambisyon ng isang imbentor na gumawa ng orasan na pabaligtad.. as in ire-rewind ang mga pangyayari.
Basta ganun, kung curious kayo, panoorin nyo rin. Hehehe....
Sensible naman ang movie, mapapaisip ka.. ako nga hindi nakatulog sa napanood ko.. hahaha..joke!
However, hindi rin naman ito feel-good movie. And unlike sa Slumdog Millionaire, hindi ko alam kung maraming matutuwa sa ending ng pelikulang ito.
No comments:
Post a Comment