Monday, January 05, 2009

First day High!

Sabi ko na nga ba eh.. unang araw ng pasok sa trabaho eh sumambulat kaagad ang mga emails ng mga sakang sa Japan. Demanding pa ang mga hinayupak. Ni-rerequire akong mag-submit ng claim report sa isang model na ewan kung makatarungan bang gawing complaint ng customer. Well, the customer is always right... yeah, wala na akong sinabi.

Pero sumumpong ang pagkapasaway ko kanina, halos isang oras ako nakipagkwentuhan sa Warehouse.. hahaha.. anyways, may pagka-work related naman ang topic ng usapan namin ng mga tao dun... (Palusot)...

Hay buhay.. ang daming natambak na work... pati monthly report namin kailangan naming tapusin at habulin ang deadline...

By the way, eto ang isang kuha mula sa aming Christmas Party noong December 27:




***

Ang lamig ng panahon ngayon... ang sarap matulog sa gabi... sige tulog muna ako. Hehehe..

No comments: