Puyat mode. Medyo nabarkada ako nung weekend eh... Hehehe...
Nung Sabado, Joan, Jocs and me had a dinner out sa Salvatore, isang Italian Restaurant sa may Fields Avenue.. yeah Fields Avenue.
In all fairness, masarap ang food. I must say authentic ang pagka-Italian ng Pizza at Pasta nila. Pero parang hindi talaga kami nasiyahan sa place. Hahaha.. especially Jocs, naghahanap ba naman ng Fire Exit... Hehehe... sabi ko naman, basagin na lang namin yang salamin at kung sakaling may sunog, tatalon na lang kami. Hehehe...
Kinabukasan, Sunday, nagkita-kita na naman kami.. this time with Glenn and Elmer, but minus Jocs... well well well... Wala lang....
Ang plano talaga eh dun kami sa isang coffee shop sa Balibago na hindi pa namin napupuntahan. Eh wala nga itong si Jocs na siya dapat ang magdadala sa amin dun dahil idea nya yun.. hehehe... Ang ending, nanood na lang kami ng Bedtime Stories starring Adam Sandler... Hehehe...
Ok naman ang movie.. medyo nakakaalis ng stress... at dahil pelikula ito ni Adam Sandler, guest syempre ang half-Pinoy na si Rob "the gigolo" Schneider. Lagi naman eh...
Pang-pamilya ang pelikula, pwede rin namang pang-Barkada, parang kami. Hehehe...
Past 10PM natapos ang movie, pero nag-coffee pa kami banda sa may boundary ng Angeles at San Fernando... after a long while, ngayon ko lang ulit nakita itong lugar na ito at nagulat ako dahil in fairness sa aming mayor.. malaking beautification ang ginawa. Hehehe.. sana lahat ng rotonda sa Angeles City eh gawin ding ganun kaganda...
Midnight na kami natapos sa coffee namin dun sa Coffee Shop na yun na kung tawagin ay Coffee Overdose... yeah.. alas-dowse na kami sumibat... at parang nakakalasing ang kape nila... Hehehe...
At dahil parang matapang ang Raspberry Mocha Coffee nila... nakatulog na ako ng alas-dos lang naman ng umaga.
Kinabukasan, alas sais lang naman ako bumangon for work kaya ngayon.... PUYAT talaga ako...
At dahil puyat ako... bye!
No comments:
Post a Comment